Chapter two

2.3K 53 12
                                    

Athena

Nagising ako sa puting silid..dahan-dahan kong itinayo ang sarili ko ng bigla akong makarinig ng mga boses at mga yapak papalapit sa silid na kinatatayuan ko..nagmadali akong tumungo sa higaan ko at nagkunwaring natutulog.pagpikit ko ng mga mata ko ay nadinig ko ang pagbukas ng pintuan.at narinig ko ang dalawang boses ng babae at lalaki..

"doc..panimula ng babaeng boses..

"may pag-asa pa ba na maibalik sa dati ang nasunog na katawan at balat ng anak ko?"mahina at nag-aalangan na tanong ng babaeng boses..

Sinong anak kaya ang sinasabi ng babaeng ito..biglang tanong ng isip ko.

"Mrs.Evangelista.malaki po ang chance na maibalik natin sa dati ang nasunog na balat ng anak mo.kailangan lang po nya mag-undergo sa surgery.kapag nagising na po sya ay agad po nating sisimulan ang surgery.mahaba na pagpapaliwanag ng lalaking boses..

Mrs.Evangelista??pamilyar sa kin ang pangalan at apelyido nya ngunit di ko matukoy kung sino ba talaga sya..at ung tinutukoy nyang anak nya..ako kaya iyon??sunod sunod ang mga naging katanungan na nabuo sa isipan ko..mga katanungan na di ko alam ang mga kasagutan..ako nga kaya ang anak na tinutukoy ng babaeng ito??pero sino ako??ano ang ginagawa ko sa puting silid na ito..at higit sa lahat ano ang pangalan ko??

Nakaramdam ako ng takot at panlulumo.natakot ako sa kadahilanang baka di ko masagot ang mga katanungan na gumugulo sa isipan ko.nanlumo ako sa kadahilanang baka di ko mahanap o maalala ung tunay na pagkatao at katauhan ko..

sa sobrang pag-iisip ko sa mga possibleng kasagutan.

at kahihinatnan ng buhay ko.di ko naiwasang maluha at idilat ang mga mata ko.

Pagmulat ko ng mga mata ko ay agad kong nakita ang paglapit ng dalawang tao na possibleng narinig ko ba nag-uusap kanina.nagmamadali silang lumapit sa kinahihigaan ko.

"Athena...anak..salamat sa dyos at nagising ka na.mangiyak-ngiyak na sabi ng magandang babae na nasa harapan ko habang hawak -hawak nya ang kamay ko.

Sa paghawak nya sa kaliwa kong kamay ay nakaramdam ako ng kirot at pananakit..bigla akong napaatras paglingon ko sa mga kamay ko na sobrang pula at halos wala ng balat.

Napansin agad ng babaeng nasa harapan ko ang reaksyon at pagkagulat ko..kaya agad syang nagsalita ay ipinaliwanag sa akin ang dahilan ng pagkasunog ng katawan ko.

"Athena.anak...panimula nya uli habang nakatitig sya sa akin na tila ba ay binibigyan nya ko ng lakas ng loob para labanan at lampasan ang pagsubok na tinatamasa ko sa mga oras na to.

"Athena anak.naaalala mo pa ba ang nangyari sayo?nag-aalangan nyang tanong sa akin..

Wala akong maalala kaya iniiling ko lang ang ulo ko..

Napabunting hininga ang babaeng nasa harapan ko..

"Anak ako ba naaalala mo ba ko??nag-aalangan nyang tanong.bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala..

"hindi ko po kayo maalala..diretso at matipid kong sagot sa babaeng nasa harapan ko.

"Doc..ano po bang nangyayari.natataranta at naguguluhan na tanong ng babae sa lalaking nakaputi..

"Mrs.Evangelista.huminahon po kayo..ako po muna ang makikipag-usap sa pasyente para malaman ko po kung bakit wala syang maalala..agad na sabi ng lalaking nakaputi..

"Sige po..mahinang sagot ng magandang babae..

"iha..panimula ng lalaking nakaputi..naaalala mo ba ang pangalan mo?mahinahon at nakangiti nyang tanong sa akin..

"hindi po..mahina kong sagot sa kanya..

Ngumiti sya at ipinagpatuloy ang pagtatanong sa akin.

"iha may naaalala ka ba na pangalan ng kaibigan o malapit na tao sayo?tanong nya ulit sa akin.

"wala po?!patanong kong sagot sa kanya..

"ok..salamat iha sa pagsagot mo sa mga katanungan ko..magpahinga ka muna dyan at mag-uusap lang kami ng mama mo sandali..mahinahon at nakangiting sagot ng nakaputing lalaki..

Tumango lang ako at sinunod ko ang sinabi ng lalaking nakaputi

ipinikit ko ulit ang mga mata ko.pagkatapos magpaalam ng lalaking nakaputi at ng babaeng nagpakilala na mama ko..naguguluhan pa din ako sa mga sandaling iyon..madami pa ding mga katanungan ang pilit kong hinahanapan ng kasagutan..madami pang mga tanong na gumugulo sa aking isipan..pero wala akong magagawa..kaya sa ngayon..mas pinili ko munang ipikit ang aking mga mata upang takasan ang magulong realidad at umasang sa pagmulat ulit ng mga mata ko ay makita at mahanap ko na ang mga kasagutan sa

ga katanungan na gumugulo sa aking isipan..

Borrowed Visage(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon