Written by Alymbie
Gitara: Kailan
*****
Ginawa ko na ang lahat, as in lahat para mapansin niya ako. Sumali siya ng English club, sumali din ako kahit bobo ako sa English. Naging member siya ng basketball team, nag volunteer akong maging water girl para lang masilayan ko siya ng malapitan.
Sumama siya sa recollection, sumama din ako kahit na boring na boring ako sa mga ganyang bagay. Ngayon naman, kasali siya sa theater club, syempre magpapahuli ba ako? Eto ako ngayon, nagaantay na matawag ang turn ko sa audition.
Halos lahat na ng pagpapacute at pagpapapansin ginawa ko na pero bakit ni isang ngitiwala manlang ako nakukuha sa kanya? Ni anino ko hindi manlang niya mapansin?
Ano pa ba ang dapat kong gawin?
Ako si Maui, at laging tanong sa isip ko…
Kailan mo ba ko mapapansin Miguel?
“Ms. Maui David, on the stage please” tawag saakin ni Ate Alyanna.
Kasalukuyan akong nandito sa audition para sa theater club. May bago kasi silang production na gagawin at nangangailangan sila ng iba pang members. This time kasi, kesa stage play ang gagawin nila ay production talaga. At dahil malakas ang radar ko pagdating kay Miguel, nalaman kong kasali siya dito kaya naman eto ako ngayon, dalidaling nag audition.
Tumayo ako at hinawakan ko yung pendant ng kwintas na suot-suot ko. Isa itong G-clef pendant na bigay ng kababata ko at nagsisilbing lucky charm ko.
‘Please, sana maging maayos ang pagkanta ko’ bulong ko sa G-clef.
Kinuha ko yung gitara ko atsaka ako umakyat sa stage. Tinignan ko yung panel of judges na nasa harap ko.
Yung nasa gitna si Ate Alyanna. Siya yung president namin ngayon ng theater club. Sa kanan niya ay si Kuya Red, ang boyfriend-slash-parekoy niya na siyang nag hahandle sa music and sounds para sa theater club. Sa kaliwa naman niya ay si Dane.
Classmate namin siya and secretary ng theater club at siya din ang nakakauha ng lead role. Sa tabi naman niya ay si… Napalunok ako bigla, Si Miguel. Siya ang vice-president ng theater club at the same time siya din yung nakakuha ng lead guy role.
“Okay Maui, what did you prepare for us?” tanong saakin ni Kuya Red
“Uhmm k-kakanta po ako at tutugtog”
“Okay you may start now” sabi naman ni Ate Alyanna.
Umupo ako sa upuan sa harap then inayos ko na yung gitara ko. Bago ako kumanta ay tumingin muna ako kay Miguel. He gave me an encouraging smile.
Kinikilig ako! OMGGGGG!!!
Hay naku Maui! Umayos ka nga! Kailangan mong makakakanta ng maayos ng matanggap ka naman sa theater club at mas makasama mo si Miguel!
Inayos ang sarili ko then nag simula na akong mag strum ng gitara at kumanta.
“Bakit kaya nangangamba
Sa tuwing ika'y nakikita
Sana nama'y magpakilala”
Confident na confident ako habang kumakanta. Aba naman, talagang nag practice ako ng husto para makuha ako sa audition na to. Isa pa, ito kasing kanta na to ay para kay Miguel. Sabi kasi ni mama, mas gumaganda ang pagkanta ng tao pag kinakanta niya ito para sa iba.
“Ilang ulit nang nagkabangga
Aklat kong dala'y pinulot mo pa
'Di ka pa rin nagpakilala”
Hindi ko maiwasang mapangiti sa part ng kanta na ito. Paano ba naman kasi naalala ko dati, sinadya kong ihulog yung mga libro na dala-dala ko nung magkasalubungan kami ni Miguel kaya lang pagkahulog ko nun sakto namang may tumawag sa kanya kaya hindi niya ako nakita.
“Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin”
Napalingon ako kay Miguel pero this time hindi na siya nakatingin saakin. Busy na siya makipag kwentuhan kay Dane. Medyo na discourage tuloy ako ng onti pero pinag patuloy ko ang pagkanta dahil gustong gusto ko talagang matanggap dito.
“Bakit kaya umiiwas
Binti ko ba'y mayroong gasgas
Nais ko lang magpakilala
Dito'y mayroon sa puso ko
Munting puwang laan sa 'yo
Maaari na bang magpakilala”
Pumikit ako at inalala yung mukha ni Miguel kanina ng bigyan niya ako ng encouraging smile. Ma-imagine ko pa lang yun, bumalik na ulit ang confidence ko kaya naman pinagpatuloy ko ang pagkanta habang nakapikit.
“Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin”
Siguro sa ngayon, wala ang atensyon saakin ni Miguel kundi na kay Dane. Syempre kahit pa maganda ang boses ko, di hamak naman na mas maganda ang mukha ni Dane saakin. Walang sinabi ang boses ko sa ganda ni Dane. Pero isinantabi ko muna ang pagiisip ng ganun at tanging mukha lang ni Miguel ang inisip ko para makakanta ako ng maayos.
“Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin”
Ilang clubs pa ba ang sasalihan mo Miguel? At sa ilang clubs pa ba kita dapat sundan para mapansin mo ako?
“Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin”
Kung sabagay, kahit nga naman lagi ko siyang sundan, kahit lagi akong magpapansin, at kahit lagi akong nakabuntot sa kanya, kung di ako magkakalakas ng loob na magpakilala, walang mangyayari.
Sinubukan ko idilat ang mata ko at tumingin kay Miguel at halos mapatalon ang puso ko sa galak ng makita kong seryoso siyang nakikinig habang kumakanta ako
“Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin…”
“Maui!!” tumakbo papalapit ang best friend kong si Mae saakin ng makalabas ako sa theater room
“Anong nangyari sa audition! Pumasa ka ba ha? pasa ka ba? Bat ganyan ang mukha mo, parang nalugi? Uy! Teka don’t tell me bumagsak ka?!” O___O
Tinignan ko si Mae then bigla akong ngumiti at nagtatalon “PASADO AKO!
NATANGGAP AKO! YEHEY!!”
“UWAAA talaga?! Talaga?! Waaaaaaaah!!”
Nagyakapan naman kaming dalawa habang tumatalon talon kaming dalawa.
“Yehey! Kasama ko na ang best friend ko sa theater club!” sabi ni Mae saakin.
“Yehey! Masisilayan ko na araw araw si Miguel!” sagot ko naman sa kanya.
Biglang huminto sa pagtalon si Mae “hmpf! Si Miguel lang ba dahilan ng pagsali mo dun?!!” sabi niya habang naka pout. Medyo natawa naman ako. Kasali din kasi si Mae sa theater club at isa din siya sa mga dahilan kung bakit ako sumali.
Inakbayan ko si Mae “Syempre isang dahilan din ang napakaganda kong bestfriend!”
Nginitian niya ako “talaga? Maganda ako?”
“teka sabi ko bang ikaw ang tinutukoy ko?”
“ikaw ang sama mo! halika na nga at ilibre mo na ako ng lunch tutal natanggap ka naman!” sabi ni Mae sabay hatak saakin papunta sa canteen.
(after 2 weeks)
Two weeks na akong member ng theater club at ngayon ko lang narealize na hindi pala biro ang ginagawa dito. Medyo malaki kasi ang production na ginagawa namin dahil ipapalabas ito during our school fair. Lahat ng highschool students ay required manuod kaya naman lahat kami ay nape-pressure dito. Talagang pinili namin ang magagandang locations para mag shooting. Tinulungan din kami ng mga teachers namin sa pag gawa ng script at pag edit ng videos.
Isang romance movie ang plot namin. Sa story, magkababata si Jester na ginagampanan ni Miguel at si Sidney na ginagampanan naman ni Dane tapos nagkahiwalay silang dalawa at after ilang taon ay nagkita ulit sila. Pero this time, may amnesia si Sidney at hindi na niya nakikilala si Jester. On the other hand, nainlove naman sa kanya si Jester at ginawa niya ang lahat para napansin siya ni Sidney kaya lang kahit anong pagpapapansin niya ay hindi siya mapansin pansin nito. Feel na feel ko nga masyado yung flow ng story eh kasi nakakarelate ako sa character ni Jester.
Dahil pilit akong nagpapapansin sa lalaking gumaganap sa character niya. At kung mangaasar nga naman ang tadhana, ang title ng movie ay “Kailan” Ako pa nga ang kakanta ng theme song eh.
Pero kahit napaka madugo ng production na to, masaya parin ako kasi araw araw kong nasisilayan si Miguel. Araw-araw ko siyang nakikita ng mas malapitan. Hindi ko na siya kailangan i-stalk pa para lang masilayan ko ang maganda niyang ngiti at napaka sigla niyang mga tawa.
“Maui, ready ka na bang kumanta?” tanong saakin ng teacher namin na nag didirect ng production “Isasama kita sa scene mamaya. Ayos lang ba sayo?”
Medyo natuwa naman ako sa narinig ko “Opo! Ayos lang po!”
Uwaaaaa kasama daw ako sa scene mamaya? Ibig sabihin nun makakasama ko si Miguel sa scene? Masayang masaya na ako! Kahit kasi magkasama na kami sa theater club ay hindi parin naman talaga kami ganung ka-close ni Miguel. Ang tanging paguusap lang namin ay “hi” tapos “good morning” tapos “ingat sa pag uwi, bye” Mga ganun lang. Pero yung makakwentuhan ng matagal? Hindi pa talaga. May mga times na gusto ko siyang lapitan at kausapin kaya lang lagi naman akong tinatamaan ng hiya! Pero ngayon, nabigyan ako ng chance na makasama siya sa isang scene! Tapos may lines pa kaming dalawa! At least kahit sa ganitong paraan ay makakausap ko si Miguel.
Binasa ko yung mga lines na sasabihin ko sa script. Maiikli lang naman ito kaya naman madali ko siyang nakabisado. After nun, nag practice narin ako sa pagkanta.
“Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin
Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin…”
“uy”
Napatigil ako sa pag tugtog ng may kumalabit saakin. Nilingon ko naman ito.
“Mi-Mi-Miguel?!” O___O
Halos lumabas ang mata ko sa sobrang panlalaki nito ng makita kong nakatayo si Miguel sa likod ko. Umupo siya sa tabi ko tapos inabutan niya ako ng mineral water.
“inom ka muna para di ka mamaos” sabi ni Miguel saakin habang nakangiti.
Nakatulala naman akong inabot yung mineral water “s-salamat”
“makaka-scene pala kita mamaya? Goodluck satin ah!”
Tumango lang ako sa kanya
“sige mag kakabisa muna ko ng lines mamaya na lang” sabi ni Miguel saakin “bye bye”
“ba'bye!”
After that tumayo na siya at naglakad papalayo saakin kaya lang bigla siyang huminto at lumingon saakin.
“by the way, I love your necklace”
Napahawak naman ako bigla doon sa g-clef kong necklace then tumingin ako sa kanya at nginitian siya “s-salamat”
He just smiled at me at naglakad na siya palayo.
T-teka, totoo ba to? K-kinausap ako ni Miguel at inabutan pa niya ko ng tubig! Teka lang, pwede na kong mamatay ngayon! As in pwede na! de joke lang, tsaka na pag asawa ko na siya, bwahahaha.
Hinawakan ko ulit yung necklace ko. Hay lucky charm ko talaga to! Actually bigay saakin to ng isang mahalagang tao sa buhay ko and simula ng binigay niya saakin to, lagi ko na itong suot-suot.
Tinitigan ko yung mineral water na binigay saakin ni Miguel at pinaghahalikan ko to.
I love you Miguel! Waaaaahhh! (Author'sEpal: Todo kilig ka maui ah! HAHAHA)
“okay, everyone’s ready? And action!”
Nandito kami ngayon sa school canteen para i-shoot yung scene kung saan kasama ako sa scene. Sa scene kasi, busy makipagkwentuhan si Sidney (Dane) sa mga kaibigan niya habang tinitignan naman siya ni Jester (Miguel) mula sa malayo. Ako naman ay nakaupo sa hindi kalayuan kay Miguel habang kumakanta.
“bakit kaya nangangamba sa tuwing ika’y nakikita
Sana nama’y magpakilala..”
Nakita kong nag buntong hininga si Miguel
“ilang ulit ng nagkabangga, aklat kong dala’y pinulot mo pa
Di ka parin nagpakilala..”
“Ang ganda ganda talaga niya” bulong ni Miguel habang nakatingin kay Dane
“bawat araw sinusundan
Di ka naman tumitingin
Anong aking dapat gawin?”
“HEH!”
Napahinto ako sa pag kanta ng sumigaw si Miguel at tumabi siya saakin “nangaasar ka ba? Kita mo ngang broken-hearted tong tao tapos yan pa kinakanta mo?” T____T
Halos matawa naman ako sa itsura niya kasi bigla siyang nag pout doon kaso pinigilan ko dahil umaarte kaming dalawa.
“eh bat ka ba kasi brokenhearted?” tanong ko sa kanya
“eh kasi naman eh may babae akong gusto. Actually kababata ko siya kaya lang nagka amnesia siya at hindi na niya ako maalala.”
“hmm eh bakit hindi mo ipaalala ang sarili mo sa kanya?”
Bigla na naman nag pout si Miguel at talagang inubos ko ang buong lakas ko mapigilan lang ang sarili kong wag kiligin dito kasi naman ang gwapo gwapo kaya ng ka-eksena ko! kaloka!
“paano pa ko makakalapit doon eh sikat siya sa campus! Ni-anino ko nga di makalapit”
Nginitian ko siya “lalaki ka di ba?”
“h-huh?”
“ang sabi ko lalaki ka di ba? kung tunay kang lalaki at mahal mo talaga ang taong yung, gagawin mo ang lahat makalapit lang sakanya. You’ll do whatever it takes para maalala ka niya at mapaibig mo siya. Kung panghihinaan ka agad ng loob without even trying then she don’t deserve a guy like you” after kong sabihin yun ay kinuha ko na ang gitara ko at iniwan ko siya.
“okay cut! Very good! I like your facial expression at the end Miguel, very realistic!” puri ni director sa kanya
“ah, hehe salamat po” sabi naman ni Miguel
Napangiti lang ako then dumiretso na ako kay Mae.
“hoy bestpren! Ikaw ah umaariba ka! May scene ka with papa Miguel mo!” bulong niya
saakin
Siniko ko naman siya “shh Mae! Baka may makarinig sayo!”
“sus! kinikilig ka lang!” pangaasar niya saakin kaya naman napangiti ako “kinikilig talaga ang bruha!”
“eh kasi! Ano ba! Kinikilig ako! Hahahaha”
“ang landi mo te!”
“grabe kinikilig lang hahaha!”
“Maui!”
Napatigil kami ni Mae sa paghaharutan ng marinig namin yung boses ni Miguel na tinatawag ang napakagandang pangalan ko. (Joke lang)
“Mi-Miguel b-bakit?” nauutal kong tanong sa kanya gawa ng sobrang pagka kilig.
“uhmm pwede ba kong manghingi ng favor sayo?”
“h-ha? o-oo naman!”
“ok good then, please go out with me on Sunday. Ok lang ba?”
Napatango na lang ako habang nakatulala dahil sa sinabi niya.
“ok good then kita na lang tayo sa tapat ng school ng 9am”
Tumango lang ulit ako sa kanya. Nag paalam na siya umalis then humarap ako kay Mae
“b-b-b-bestpren… t-tell me, a-ano nga ulit yung favor ni Miguel? Hindi ko masyadong nag sink in sa utak ko eh”
Iniharap ako ni Mae sa kanya then hinawakan niya ang mukha ko
“sabi ni Miguel, please go out with me on Sunday”
“paki ulit”
“please go out with me on Sunday”
“isa pa”
“please go out with me on Sunday! please go out with me on Sunday! PLEASE
GO OUT WITH ME ON SUNDAY!!” tili ni Ilay kaya naman bigla na lang din ako napatili habang nagtatalon!
“waaaaaaah!! Sabi niya yun?! sabi talaga niya yun?! please go out with me on Sunday?! Waaaaaaaaaah!”
“oo bestpren! Sabi niya yun! please go out with me on Sunday!!”
“Waaaaaahhh!” sabay naming sigaw ni Mae habang magkahawak kami ng kamay at nagtatatalon
“teka! Hindi to panaginip di ba?! Hindi to panaginip?!” tanong ko sa kanya. Bigla bigla naman akong kinurot ni Mae sa singit kaya naman napahawak ako sa singit ko “aray ko!! it hurts!!” T___T
“masakit? Ibig sabihin hindi ka nananaginip!” sabi niya saakin
“oo nga no? uwaaaaaahhh! Totoo talaga yun! totoo talaga!! please go out with me on Sunday! Waaaaaaaaaa!”
Nagtatatalon ulit kami ng nagtatatalon ni Mae doon na parang sira pero wala akong paki!
Sobrang saya ko lang talaga! Aba naman, hindi ko aakalaing yayain ako ni Miguel makipag date! Ibig sabihin ba nito ay mahal din niya ako? Pag nagkataon ako na ang pinaka masayang babae sa buong mundo!
Dumating ang Linggo. Sobra talaga akong naghanda sa araw na ito. Todo paganda ang ginawa ko at talagang nag ayos ako ng husto para naman mag mukha akong tao sa harap ni Miguel. Isinuot ko din yung g-clef na necklace ko. Bago ako umalis sa bahay nag dasal muna ako kay God na sana maging maayos ang araw na to. Hinawakan ko din yung g-clef necklace ko. ‘Please give me luck today’
Nung makarating ako sa tapat ng school namin, nakita ko na agad si Miguel doon na nagaantay. Again, hindi na naman maiwasan na bumilis ang tibok ng puso ko the moment na nakita ko siya. Pero ngayon, may halong saya na ang bilis ng pagtibok ko. Magkahalong saya at kilig.
Lumapit ako kay Miguel at nung makita niya ako ay nginitian niya ako agad. This time mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko na akala mo eh nakikipagkarera sa mga kabayo.
“Hi” bati niya saakin
“h-hello, k-kanina ka pa ba?”
“no kadadating ko lang din. Thank you nga pala sa pag punta ah”
“w-wala yun!”
“so let’s go?”
“ok”
Naglakad kami ni Miguel sa may sakayan ng jeep then sumakay na kami. Bumaba naman kami sa mall malapit sa may school namin.
“ano una nating gagawin?” tanong ko kay Miguel
“hmm tulungan mo muna akong pumili ng regalo”
“Regalo? Para kanino?”
Biglang napakamot ng ulo si Miguel at nakita ko ang pamumula ng mukha niya “a-actually kaya ako nagpasama sayo dito k-kasi gusto ko sanang magpatulong”
“m-magpatulong? Na ano..”
“y-you see, m-may nagugustuhan kasi akong babae at b-balak ko sanang bigyan siya ng regalo. K-kaso hindi ko alam ang gusto niya kaya gusto ko sanang magpatulong sayo” BOOM.
Parang biglang nawala lahat ng saya at kilig na nararamdaman ko at napalitan ito ng sakit. So ito pala ang favor na hinihingi niya saakin? ang tulungan siyang bilhan ng regalo yung babaeng mahal niya? Akala ko kaya niya ko niyaya dito kasi gusto niya ako. Buong akala ko ay may date kami ngayon. Yun pala nag assume lang ako. Masyado lang akong advance magisip.
Nakalimutan ko, isa nga lang pala akong anino na hindi pinapansin ni Miguel. At kahit kailan, hindi niya ako mapapansin. Sino nga naman ba ako di ba?
Hindi ko alam yung istura ko nung sinabi saakin ni Miguel yun kaya naman agad-agad akong ngumiti.
“i-ikaw ah! may pinopormahan ka p-pala! Sino yan ha!” kunyaring pang aasar ko sa kanya
“Si Sidney…” sabi ni Miguel
“Si Sidney? You mean si Dane?”
Nginitian lang ako ni Miguel pero bigla na namang namula ang tenga niya. Halata nga namang magugustuhan niya si Dane. Syempre maganda yun at matalino. Talented pa!
Isa pa masyado na silang naging malapit dahil sa production na ito at idagdag mo pang love team sila. Malaking possibility naman talaga na magustuhan siya ni Miguel.
Wala na nga talaga akong pag-asa. Ang sakit :’(
“s-so, tingin mo ano ba dapat ang ibigay ko sa kanya?” tanong saakin ni Miguel
“uhmm bat hindi mo siya bigyan ng chocolates or flowers or the usual stuff na binibigay ng mga lalaki sa babae”
“eh kaso alam ko hindi naman siya mahilig doon eh. Ikaw ba, kung ikaw ang bibigyan ng gift ano gusto mo?”
“tweety bird na stuff toy!!” walang pagdadalawang isip kong sagot sa kanya “ay hehe sorry mahilig kasi talaga ako sa tweety bird. Kaso baka hindi naman gusto ni Dane yun”
“hmm kung bilhan ko na lang siya ng kahit anong stuff toy? Tingin mo?”
“s-siguro..”
“let’s go..”
Pumunta kami ni Miguel sa blue magic at nagtingin tingin siya ng stuff toy para kay Dane.
Ang swerte swerte naman talaga ng babaeng yun. Bakit ba kasi hindi ako pinanganak na maganda, matalino at talented? Bakit ba merong mga taong sadyang pinag pala at meron din namang sadyang pinag kaitan—tulad ko.
Bumili ng isang malaking teddy bear si Miguel then sinunod narin niya yung payo ko na bumili ng flowers at chocolate. Siguro kung saakin ibibigay yan ni Miguel, magiging ako na ang pinaka masayang babae sa buong mundo. Kaso wala, hanggang pangarap na lang ako.
After mamili, niyaya naman ako na kumain ni Miguel. Ililibre daw niya ako tutal daw sinamahan ko siya ngayon pero sabi ko kailangan ko ng umuwi ng maaga kasi may dadating kaming mga bisita. Pinilit niya rin ako na ihatid pero sinabi kong wag na. Gusto ko na lang talaga na makalayo kay Miguel ngayon.
Pagkauwing pagka uwi ko, sumalampak agad ako sa kama ng kwarto ko at doon nagiiyak. Pakiramdam ko kasi parang ang tanga tanga ko para mag assume ng ganun.
Nahihiya ako sa sarili ko. At the same time, nasasaktan ako dahil parang isinampal saakin ngayon na wala na talaga akong pagasa kay Miguel, na kahit anong gawing pagpapapansin ko, kahit kailan hinding hindi niya magagawang lumingon saakin.
For the first time, doon ko lang narealize na para akong tanga sa mga pinag gagagawa ko. sa pag iistalk ko sa kanya, sa pagpapapansin ko sa kanya, sa pagsunod ko sa lahat ng clubs na salihan niya, mukha lang akong desperadong tanga. Ayoko na. Gusto ko ng itigil to.
Kinabukasan sa shooting namin sa production, tinanong ako ni Mae kung kamusta ang ‘date’ namin kaso nung makita niya ang malungkot kong mukha, hindi na niya itinuloy yung tanong. Malamang ay nakaramdam siya na may hindi magandang nangyari.
Buong araw, sinusubukan kong iwasan si Miguel na makausap o makasalubong manlang.
Hindi rin naman ako masyadong nahirapan nun kasi busy siyang makipag kwentuhan kay Dane. Malamang siguro ay naibigay na niya yung gift niya dito, at malamang din sila na. Ang sakit talaga T___T
Mga bandang hapon nung papunta kami sa park kung saan kami mag sho-shooting, bigla namang sumama ang pakiramdam ni Dane kaya naman napauwi siya ng di oras.
Dapat hindi na kami tutuloy doon pero sabi ni director, pumunta narin kami para makita namin yung location and makapag practice ng lines.
Nung makarating kami sa park na pag sho-shootingan namin, biglang may nag flashback sa memory ko. Dito sa mismong park na ito ko nakuha ang g-clef necklace ko.
Natatandaan ko pa nung mga araw na yun kung saan ko nakilala ang isang batang lalaking nanga-ngalang Pepot. Well hindi ko alam kung iyon ang tunay niyang name pero yung ang tawag ko sa kanya dati. Nung mga panahon na yun, nag-away si mama at papa at narinig ko sa usapan nila na maghihiwalay na sila. Sobra akong nasaktan nun at takot na takot dahil ayaw kong maghiwalay sina mama at papa. Tumakbo ako nun sa mismong park na ito at nagtago sa likod ng malaking puno. Doon ako umiyak ng umiyak habang kumakanta para kahit papaano ay mawala yung sakit na nararamdaman ko. Nagulat na lang ako ng may isang batang lalaki na biglang sumulpot sa harap mo.
“bata ang ganda sana ng boses mo kumanta pero kung hindi lang sana puro sipon yang ilong mo mas mabuti” sabi niya saakin
Pinunasan ko yung mga luha ko nun “h-hindi naman sipon to eh! l-luha to!” pahikbihikbi kong sagot sa kanya.
“eh bat ka ba kasi umiiyak?”
Ikinuwento ko sa kanya yung nangyari kay mama at papa. Nakinig naman siya saakin nun at pilit akong pinapakalma.
“ah alam ko na!” sabi niya sabay may dinukot siya sa bulsa niya na kwintas at isinuot niya saakin “eto ang lucky charm ko! pero ibibigay ko na yan sayo. Mag wish ka lang palagi diyan at tutuparin niya ang wish mo”
“t-talaga? Akin na lang to?”
“oo naman!”
Yumuko ako habang hawak hawak ko yung g-clef necklace "sana magkabati na si mama at papa" bulong ko dito
"sigurado ako magkakabati na sila! Di ka bibiguin ng necklace na yan"
Nginitian ko siya “Salamat ah? a-ano nga palang pangalan mo?” tanong ko sa kanya
“pepot. Eh ikaw?”
“ako si titot” sabi ko sa kanya. Yun kasi yung palayaw ko dati nung maliit ako.
After ko makilala si Pepot at nung ibinigay niya sa akin yung necklace, pagkauwi ko nun sa bahay ay nagulat na lang ako na bati na sina mama at papa. Hindi na sila nag away ng ganun simula ng araw na yun. Naging kaibigan ko rin si pepot kaya lang nung nasa grade 5 na kami, bigla na lang silang lumipat ng bahay kaya naman hindi ko na siya nakita simula noon.
Hay kamusta na kaya siya?
Tinignan ko ulit yung g-clef necklace atsaka ko ito hinawakan. ‘please, alisin mo yung sakit na nararamdaman ko ngayon’ bulong ko dito.
“Maui, please come here for a sec” tawag saakin ni director kaya naman agad
agad akong lumapit sa kanya “mag pa-practice tayo ng mga lines today but since wala si Dane, kindly help Miguel with his lines”
“s-sige po” kung mamalasin ka nga naman. Iniiwasan ko yung tao pero eto, pilit kaming pinaglalapit T___T
Kinuha ko yung script at binasa ko ito. Kung mangaasar nga naman si tadhana, eto pa yung scene kung saan magtatapat na si Jester kay Sidney. Bakit ba ang malas ko?
Mukhang naubos na ata ang luck power ni necklace T__T
After ng ilang minuto, pinapwesto narin kami ni Miguel para sa practice. At napakaganda nga naman, doon pa sa mismong puno kung saan ko unang nakilala si Pepot kami naka pwesto.
“and.. action!” sigaw ni director
“uhmm a-ang ganda ng park na to no?” sabi ni Miguel saakin
Binasa ko naman yung nasa script “oo nga eh. Bakit mo pala ako dinala dito?”
“kasi gusto ko sanang ipakita sayo ang lugar kung saan ko unang nakilala ang babaeng mahal ko. Dito sa mismong punong to, nakita ko siyang umiiyak dati.
Dito rin sa mismong punong to ko naging kaibigan ang taong yun”
Tinignan ko lang si Miguel habang nag de-deliver ng mga lines niya. Parang medyo familiar yung scene na to saakin ah.
“kaso alam mo ba, nagkahiwalay kaming dalawa nung mga bata pa kami tapos after ilang years, nagkita ulit kami, sa kasamaang palad nga lang, hindi na niya ako naaalala. Pero dahil sa sinabi saakin ng isa kong kaibigan na kung tunay daw akong lalaki, gawin ko ang lahat, maalala lang ako ng taong mahal ko. Dapat gawin ko ang lahat para mahalin din niya ako.
At kung pinanhihinaan ako ng loob ngayon, ibig sabihin nun, hindi ako worth it para sa babaeng yun. Sa totoo lang tinamaan ako doon. I want to be a guy that is worthy for that girl”
Lumapit si Miguel saakin at nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang mga kamay ko
“t-teka Miguel, w-wala sa script na hahawakan mo si Dane. Dapat nandiyan ka lang at nakatayo tapos after mong magtapat sa kanya, hindi niya tatanggapin yung proposal mo kaya naman tatakbo ka palayo” pag correct ko sa kanya. Tsaka tofu naman, wag niya kong hawakan sa kamay, baka mahulog na naman ako ng paulit ulit dito sa lalaking to.
Pero nagulat ako ng mas hinigpitan ni Miguel ang hawak niya sa kamay ko. Tinignan ko sina director pero hindi sila nakikielam saamin at pinapanood lang kami. Teka ano to?
“Gusto kong ipaalala ulit sa taong mahal ko ang lugar na to. Pero bago yun kilala mo ba kung sino siya?”
Kahit litong lito na ako sa nangyayari, sinunod ko yung next line sa script
“s-sino?”
“Si titot”
Halos matulala ako sa sinabi ni Miguel “t-teka dapat Sidney ang sasabihin mo” halos pabulong kong sabi sa kanya
“hindi ka naman si Sidney di ba? Ikaw si Maui di ba? ikaw ang Titot ko na matagal ko ng gustong gusto”
Naramdaman ko ang panginginig ng buo kong katawan at pakiramdam ko ay parang may lalabas na luha sa mga mata ko “I-ikaw si Pepot?”
Nginitian ako ni Miguel “ako nga” At ng pagkasabing pagkasabi niya nun, bigla na lang bumuhos ang luha sa mata ko.
“g-gusto mo ko? paanong nangyari yun! sabi mo si Dane ang gusto mo!”
“sabi ko si Sidney ang gusto ko”
“pero si Sidney si Dane di ba?”
Umiling si Miguel at mas lalo siyang lumapit saakin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi “Si Sidney ay ang Titot ko.
Si Sydney ay si Maui Ulibas na matagal ko ng mahal kaya lang hindi niya ako napapansin.
Ako yung sumulat ng story para sa production na ito. At alam mo ba kung bakit ko to sinulat? Baka kasi sakaling, marealize mo na ako yung kababata mo. Baka sakaling maalala mo ang mga pangyayari dito. Baka sakaling, sa pamamagitan nitong production na to, maiparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal. Baka sakaling mapansin mo na ko.”
Mas lalo akong napahagulgol sa sinabi ni Miguel. Parang kahapon lang sobra akong nasasaktan ah? Parang kahapon lang halos maubos na ang luha ko kakaiyak sa sobrang sakit. Pero tingnan mo ngayon, umiiyak ulit ako, pero this time ay dahil sa sayang nararamdaman ko.
Bigla na lang ako nagulat ng magtayuan ang mga taong nanonood saamin at parepareho nila kaming pinalakpakan dalawa.
"hay sawakas nakapagtapat narin siya" dinig kong sabi ni Kuya Red mula sa malayo
"ang sweet nila no!" sabi naman ni Ate Alyanna
Nagulat na lang ako ng makita ko si Mae at si Dane na may dala-dalang flowers, chocolate At isang malaking stufftoy na tweety bird.
Inabot nila ito kay Miguel. Bago umalis si Mae kinindatan niya naman ako sabay sabing "way to go bestpren!"
Lumapit si Miguel saakin at inabot yung stuff toy.
“siguro ngayon alam mo na kung sino ang pagbibigyan ko nito?” hinawakan niya ang kamay ko “Maui, I love you. This time ako naman manghihingi ng wish sa g-clef necklace mo” hinawakan niya yung necklace ko “sana, maging girlfriend ko na si Maui”
Tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha ko to the point na hindi na ako makapagsalita. Ayaw mag sink in sa utak ko ang mga nangyayari at parang pakiramdam ko ay nananaginip lang ako.
This is so good to be true. I swear. Sobrang saya ko.
Bigla ko na lang niyakap si Miguel atsaka ako bumulong sa kanya" WISH GRANTED "
The End!
(A/E: Hiii Readers!! Thankyou sa pagbasa! :)) God Bless You All! :D )
BINABASA MO ANG
Gitara : Kailan (One-Shot)
FantasyUso pa ba ang 'GITARA?' para magamit bilang pang- 'HARANA'? Parang dito sa kwento, HINDI.