Chapter 1

12 4 0
                                    

Chapter 1.

Carl's POV.

"So ang sinasabi mo baka nga buhay pa si selene?" Ani hendrix. Nagkibit balikat lang ako sa tanong nya. Ano bang malay ko? Wala akong alam. "Alam mo bro, alam kong mahirap kalimutan si selene pero look patay na 2years ago."

"Yun na nga eh. 2 years palang, ang hirap parin bro first love ko yun eh. Halos buong buhay ko sya kasama ko na since elementary." Nagunahan nanamang magsitulo ang mga traydor kong luha. Inis kong pinunasan ang mga luha ko.

Hinagod naman ni hendrix ang likod ko. "Bro, makaka move on ka rin. Hindi man sya makalimutan pero matatanggap mo rin. Kung gusto mo ako nalang jowa mo." Bigla ko naman syang siniko sa huling sinabi nya.

"Pucha nakakakilabot ka talaga eh no hendrix." Bigla naman syang natawa.

"Kalma bro. Lalakeng lalake to no."

******

Angela's POV.

"Sigurado kaba dito?" Kinakabahang tanong ko kay patrick.

"Oo.." aniya.

"Pero masama tong gagawin natin."

"Alam ko. Pero wala na tayong ibang magagawa. Ayaw ng magulang mo sakin ayaw din ng magulang ko sayo."

"Pero kahit na patrick. Masama parin to."

"KUNG AYAW MONG SUMAMA BUMABA KA NALANG!!" Natigilan naman ako sa sigaw nya. Ngayon nya lang ako nasigawan. Gusto kasi nyang maglayas kami kasi tinututulan na kami ng magulang namin.

Lumapit sya sakin at pinunasan yung luha ko. "Sorry angela." Tinanguan ko lang sya. Pupunta kami ngayon sa quezon province. Magpapakalayo layo muna kami.


Halos 6 hours na kaming nasa byahe pero di parin kami nakakarating sa pupuntahan namin.

"Sigurado kabang dito yun?" Tanong ko kay patrick. Maging sya ay naiinis narin dahil paulit ulit lang kami sa dinadaanan namin.

"Baba na muna kaya tayo?" Aniya. Nilingon ko sya ng nagtatanong na tingin. "Magtanong tanong nalang muna tayo." Aniya. Tinanguan ko lang sya at bumaba na kami.

Medyo malayo layo na yung nilalakad namin ng biglang napahawak si patrick sa dibdib nya.

"Bakit by?" Nagaalalang tanong ko. Pero huminto lang sya saglit tapos naglakad na ulit. "Okay kalang ba?" Tumango lang sya.

Pero maya maya lang natumba sya. "Pat??!!!!" Sigaw ko tinatapik tapik ko yung mukha nya pero di sya nagigising. "Patttt!!!???"" Nagpapanic na ako.

"Anong nangyare?" Agad akong napatingala sa babaeng nagsalita.

Waiiittt???!!! "Ate selene?" Gulat kong tanong sa kanya, maging sya ay nagulat rin.

"Mukhang kaylangan mo ng tulong." Sabi nya at tumango lang ako. Tinulungan nya akong buhatin si patrick at sinakay sa kotse.

"Ihinto mo lang jan sa kanto." Sabi nya at bumaba sya maya maya lang may kasama na syang isang matandang babae ay tinulungan kaming dalhin sa bahay nila.

"Sabi ni inay gutom lang daw iyon kaya sya hinimatay." Aniya.

"A-ah.. salamat po. pwede po ba akong magtanong?" Tumango lang sya. "Ano pong pangalan mo?"

"Ako si Alianna celine santos." Aniya.

"May kamukha ka ate."

"Talaga?" Natatawang tanong nya. "Sino naman?"

"Girlfriend po ng ku—-"

"Ate selene????!!!" Nagulat ako ng biglang nagising si patrick at niyakap si ate alianna.

Agad ko naman syang nilapitan. "Pat!"

"Ate selene. Miss na miss na miss na kita wala na akong kakampi salamat bumalik ka."

"A-ah.."

Agad naman akong lumapit kay patrick at hinila sya.

"Ano ba hindi si ate selene yan." Agad naman tumaas ang kilay ni patrick. "Si Ate Alianna yan. Sya yung tumulong satin." Namula sya sa hiya.

"Pasensya kana ate ah." Sabi ko kay ate alianna tumango lang sya.



"Salamat po!" Nagpasalamat lang kami at umalis na.

"Seryoso by??!!! Hindi talaga si ate selene yun?" Nakokonsensya paring Aniya.

"Oo by. Pati ako naguluhan kanina kamukhang kamukha nya." Umiiling na sabi ko.

"Hindi kaya kagaya to ng mga nasa movie? Yung akala nating patay buhay pala talaga?" Aniya. Hinampas ko naman sya ng mahina.

"Bakla ka talaga. Malabo ha mangyari yun 2years ago ng patay si ate selene."

"What if?" Aniya. Binigyan ko naman sya ng Anong-iniisip-mo-look. "Ay mali. Pano kaya kung sabihin natin sa kanya na magpanggap syang si ate selene?"

Tinaasan ko sya ng kilay. "Ayos kalang??"

"Oo by ano ba. Pag naibalik natin si ate selene sa buhay nyo baka bumalik na si kuya carl sa dati at baka matanggap narin nila tayo."

Napaisip naman ako.

Tama oras na para sumaya ulit si kuya.


————————————

(A/n)
Sa mga gustong magtanong si Charmaine Angela Scheave bunsong kapatid po ni Carl.
Si John Patrick Go naman po ay Pinsan ni Selene Go.

I Love You, SeleneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon