It was a typical day sa Heartstring University, some student are waiting outside the corridor for their next class, some are sleeping in the study area, and in the cafeteria, some are in the library doing their research, some are just sitting in a corner listening to music, and some are bullying.
“Anu, papalag ka? Hinid mo ba ako kilala? Baka gusto mo yung kamao ko ang magpakilala sayo kung sino ako?”maangas na tanong ni Jake , hindi sumagot ang bagong estudyante sa takot na b aka sapakin sya nito.
“Sa susunod magiingat ka sa dinadaanan mo, kung ayaw mong matikim sakin, pasalamat ka mabait ako, kung hindi sinapak na kita.. Sige na bitawan nyo na yan, baka magbago pa isip ko”, takot na takot na umalis ang bata,
“iba ka talaga pre, lakas mo”,
“subukan lang nila”.
Sa‘di kalayuan seryosong nakatingin sa kanila si Carla,
“Grabe naman sila, wala ba silang awa, wala namang ginagawang masama sa kanila yung lalaki tapos.., hay naku, mga lalaki talaga, kapag napagtripan ang isang bagay o tao hindi nila titigilan, hay naku”pabulong na sinabi ni Carla sa kanyang sarili, napansin sya ni Jake na nagsasalita mag-isa, nagkatitigan sila, tinignan ng masama ni Carla si Jake na para bang may gustong sabihin. Napaisip si Jake, nagtaka, inalala nya kung sino sya, pero binalewala nya na lang, ang importante sa kanya ng mga oras na ‘yun ay ang sarili nya.
“So can anyone tell me a brief explanation what is Philosophy?”,
“Sir.”
”Yes, miss?”
”De los Reyes po sir”
”Yes, can you tell us in your own understanding, what is Philosophy?”
”Sir, Philosophy is, the study of ideas about knowledge, truth, the nature and meaning of life, for example sir, my philosophy is to do no harm o anyone”, pagkatapos na pagkatapos magsalita ni Carla pumasok sa classroom si Jake, nagulat si Carla dahil hindi nya inaasahan classmate nya pala ang mayabang na lalaki yan, “aba, nag-aaral pala sya, hindi halata”bulong ni Carla sa sarili nya.
“Mr. Cruz, you’re here”, hindi pinansin ni Jake ang snabi ng kanyang professor ant dumeretso na sya sa kanyang upuan.
“where were we? Ah yes, thank you Ms. Delos Reyes”, bago umupo si Carla ay tinignan nya ulit si Jake sabay bulong sa sarili “ang yabang talaga nito, mmm kakainis”, bago pa man nya matapos, nahuli nanaman sya ni Jake na bumubulong, sabay bulong sin sa sarili “anung problema nitong babaeng toh?”, sabay naalala nya na hindi iyon ang unang pagkakataong na nahuli nyang bumubulong ang babae habang nakatingin ng masama sa kanya, nagtinginan sila ng masama sa isa’t-isa.
Pagkatapos ng klase dali-daling lumabas ng classroom si Jake para puntahan ang kanyang tropa, habang si Carla naman ay pasimpleng sinundan ng tingin si Jake, pero nahuli sya ni Jake, at dali daling umalis papalayo, pupuntahan na sana ni Jake si Carla para kausapin pero tinawag na sya ng mga ka tropa nya,
“oh, pre san ka pupunta? Anu tara na”,
“sige, sige tara alis na tayo”, habang naglalakad papalayo, tinignan pa nya si Carla pero hindi na nya ito nahanap, ang hindi nya alam nasa gilid lang pala ito, at sinisilip din sya.
Nakikitira lang si Carla sa kanyang tita sa may Manila, pagkauwi nya tutulong agad sya sa gawaing bahay bago sya gumawa ng mga aralin nya, habang nagaaral kasama nya ang kanyang maliit na manika na ginawa nya bago sya pumunta dito sa Manila, ito daw ay para mabawasan ang pangungulila nya sa mga magulang nya habang malayo sya sa kanila.
“Hay naku, nakakapagod pala dito sa Manila noh, pero kaya natin toh, kailangan matapos natin toh, para kela mama. ”sabi nya habang hinahaplos ang buhok nito na gawa sa yarn. “nga pala, nakita mo yung mayabang na lalaki kanina? Nakakainis noh, akala mo naman kung sino, porket gwapo sya ganun na lang, pero hindi talaga eh, nakakainis yung ugali nya, ang yabang”.
Samantalang kabaliktaran naman ang ginagawa ni Jake, imbis na umuwi deretso sya kasama ng mga kaibigan nya sa bar, at hanggang gabi doon lang sya naglalagi, ang dahilan nya, wala naman syang kasama sa bahay kaya uubusin nalang nya ang oras nya sa pag-gimik. Habang nagsasaya ang mga katropa ni Jake, tahimik sya sa isang sulok at nagiisip,
“Bakit kaya ganun sya tumingin? Parang galit na galit sa akin.” sabi ni Jake,
“sino pre? Gusto mo upakan na namin?”,
“Hindi! Wag,. Wala ‘yon”.sabay inom ng alak, “sino kaya sya?”