Some say true love waits forever, ‘yung tipong kahit ilang taon kayong hindi nagkita siya parin ang gusto mong mahalin habang buhay, pero paano kung isang araw malaman mo na ‘yong taong hinihintay mo ay may mahal nang iba, maghihintay ka pa ba?
First day at school bilang 3rd year high school.
“Okay class, I will be your adviser for a while, para naman hindi masayang ang pagpasok nyo ngaun, introduce muna natin ang sarili natin sa isa't isa, let’s start with you” sabi ni ma’am, with a serious face, she pointed at me, kahit medyo kinakabahan dahil may phobia ako na magsalita sa harap ng maraming tao, pumunta ako sa harapan, ilang secundo akong nakatayo sa harapan nila, walang sinasabi, hindi ako makatingin sa mga classmates ko, hindi ko alam kung anung sasabihin ko kaya tinanong ko si ma'am.
“Ma’am anu po ang sasabihin ko?”,
Nagtawanan sila, medyo nainis pero ‘di ko nlng sila pinansin ang akin lang matapos ko agad ito para makabalik na ako sa inuupuan ko.
Ma’am, “hmm let’s see, of course tell us your name, address, age, hobby, then kung magiging isang bagay ka, anu ‘yon at bakit?”,sabay ngnitian niya ako para bang pinapalakas ang loob ko.
“OK po ma’am,. Good morning classmates ako po si, Charlie Sky. Nakatira ako….. dyan lang, sa baba ng court, magtanong-taong lang kayo ituturo nila kung saan bahay namin." napangiti ang iba kaya medyo naging kumportable na akong magsalita sa harap.
"I’m 14 years old, mahilig akong kumanta,at kung magiging bagay ako, ako ay isang radyo, dahil lahat ng nararamdaman ko ay dinadaan ko sa kanta, (para skin kasi ang radyo ay isang mp3 player, kaya ‘yun ang sagot ko)…”, sabay ngiti sa mga classmates,
“Okay, you can go back to your place, next..”,
As expected naging boring ang first day ko, kasi nagpakilala lang eh, wala manlang akong kakilala sa room, wala manlang kumakausap sa akin, in other words loner ako that day, buti nalang ka-text ko ang girlfriend ko, sya ang nagpapalakas ng loob ko sa tuwing ganun ang nararamdaman ko, mahal na mahal ko sya, at alam kong mahal nya rin ako,
"Sana magustuhan niya 'tong hinanda kong surprise para sa kanya," masayang hawak hawak ang piraso ng papel, na kung saan isinulat ko ang tula na ginawa mo para sa kanya..it goes like this.
"Mula ng makilala ka,mundo ko'y biglang nag-iba
nang dahil sa iyo aking mahal ko
wala na 'kong hiling, pagkat ika'y nandirito sa aking piling
at kahit magkalayo ito ang laging sasabihin sayo mahal ko
wala na akong ibang
mamahalin kundi ikaw lamang mahal ko
dahil ikaw lang ang laging nasa isip
sinisigaw ng puso kong ito
sanay tandaan mo ito
handa 'kong masaktan para sayo mahal ko
dahil ayokong nakikita kang lumuluha at nasasaktan
dahil ika'y aking mahal ko."
Pero hindi nagtagal ang pagmamahal nya para sa akin,dahil nung anniversary namin, nakipaghiwalay siya, dahil hindi na daw niya ako mahal.
Sobrang nasaktan ako sa ginawa nya, siya ang first love ko, binigay ko kung anung gusto niya, pinupuntahan ko siya kahit na wala akong pamasahe, basta makita ko lang syang ngumiti, napapawi ang pagod ko, ang lungot ko sa tuwing magkakahiwalay kami. Pero wala eh, hindi sapat para sakanya ang effort ko, binalewala nya ang mga pangarap ko para sakanya,para sa amin, naiinis ako kasi hindi ko sya makalimutan. Sa sobrng inis ko sakanya, pinangako ko sa sarili ko na magsisisi sya at iniwan nya ako.