Kabanata 50

0 0 0
                                    

Pinakawalan.
   

Hindi ko na kailangan ng mga bantay. Mas ligtas kami sa labas ng Buencamino Real. It's hard to believe, but they're totally unpredictable. Hindi namin inaasahan na tutulong sila sa amin.

  

Hindi ko na kailangan pang makipagkita sa kanya na may bantay o may mga matang nakapaligid.

  

Ito ang literal na malaya.

  

"What's her name? "

Nanlaki ang mata ko. Ako pa nga ang nagulat sa pag uungkat niya. "S-Segan. Paano mo nga pala nalam--"

"Noong ma-trap tayo sa talon. Naghubad ka sa harapan ko, iyon 'yong pangalawang beses na makita kita ng buo "

"Al! "

"May tahi ka. Cesarean " My lips trembled. "Wala ka namang tahi noon? "

  

Tanga! Why did i forgot that thing?!

  

Umiwas ako ng tingin. "May stretch marks ka na din? Samantalang ang kinis-kinis mo " Hindi na mapakali. Ayokong mapunta kami sa ganitong usapan, subalit hindi ko ata ito maitatago pa habambuhay. Alam kong darating sa puntong ito! Hindi ko lang napaghandaan na ganito kaaga! Damn, Al. Pinapakaba mo 'ko! "But i like your flaws "

  

Dahilan para mabalik sa kanya ang aking tingin.

  

"I like it, Buencamino. Alam mo kung anong ayoko sa'yo? "

  

Tumingin sa aking mata. Ng seryoso.

  

Napatikom ako ng bibig at tinanggap sa isipan na darating talaga ang pagkakataon na ito. Mas maaga, mas mabuti siguro.

"Your self confidence. Too high " Hanggang sa hindi ko namalayang umawang ito. "Buencamino kayo ng bansa. Itinatak niyo ang mga katagang 'yon sa isipan ng lahat. Na para bang 'pag narinig nila ang tungkol sa bagay na iyon, they must respect you... Worship you... Protect you... On top. Always on top. Can't be broken. Sobrang taas ng tingin niyo sa mga sarili niyo, Ssen. Na kahit 'yong mga lalaking mas mataas ang antas kaysa sa inyo, hindi matibag-tibag ang tingin na 'yan? "

  

Nahigit ko ang hininga.

  

Tumahimik siya pagkatapos banggitin 'yon.

  

Muli akong umiwas ng tingin at napahilot ng sentido. Huminga ng maayos at muling humarap sa kanyang mas mataas pa kaysa dati. "Siguro nga. O baka ito lang 'yong way na naisip ng angkan ko para hindi kami maliitin ng lahat? Mula sa lola ko, sa mommy ko, sa mga tiyahin ko, kamag anak, hindi nakaligtas sa masaklap na mundo ng pag ibig, Al. People around us, maybe laughing at us? O 'di naman kaya'y kinukutya kami ng palihim dahil kung sino pang mga babae, siya pang naghahabol sa lalaki? O, pwede ring sa sobrang yaman namin ay kasiyahan na pala sa iba sa t'wing nakikita nilang hindi lahat ng bagay... Nakukuha namin "

  

Naiintindihan mo ba?

  

Naiintindihan niyo rin ba?

  

Pwede bang itaas ko naman 'yong bandila ng pamilya Buencamino? Lugmok na kami't nasa ibaba dahil sa sinakop at nilapastangan naming lupain. Gaya nga ng sabi ko, hindi ito ang pagbagsak namin. Hindi dito natatapos ang lahat.

Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon