Isang Linggong Pag-ibig

1.4K 12 1
                                    

''Isang Linggong Pag-ibig''

SHARED STORY BY ONE OF OUR READERS.

《《《《《《《《》》》》》》》》》》

Ako po si Red. Gusto kong ishare ang story na to sa kadahilanang hindi ako makatulog ng maayos gabi gabi. Ang hirap sa pakiramdam. At sa tingin ko, ito ang magandang paraan para madali ko itong makalimutan.

---

Linggo

Sa Facebook. Mahilig akong magbasa ng mga Kwento sa iba't ibang Page.

May nakita akong conversation ng mga readers sa isang page.

Like ako ng Like sa mga Comments nila kasi nakakatuwa itong basahin. May kinakantyawan kasi sila, Siya si Blue.

Mukhang palaban si Blue at halos hindi siya nagpatalo sa iba pang readers. Kaya ayun nga ni'like ko ng ni'like yung mga comments niya. 

Tapos maya maya may nag add sakin, si Blue pala. at inaccept ko naman ito agad.

Ni'like ko din lahat ng post niya bilang pasasalamat sa pag add.

Nag wallpost siya. 

"thanks sa FL "

Agad naman akong ng pm sa kanya para sabihing walang anuman at salamat na din sa pag add. Pero seen zone lang 

Lunes

Di na nga siya nagreply.

Pero nagl'like pa din ako ng mga posts niya kasi puro post niya yung nakikita ko sa News Feed.

At feeling ko inlove siya. Ang swerte naman nung taong mahal niya, sabi ko sa sarili ko.

Kinagabihan, may update na yung Story na binabasa namin. At nabasa ko dun yung pangalan niya.

Kaya naman nag pm ulit ako sa kanya para magbigay ng complement. 

Martes

Seen zone 

na naman.

Okay bahala siya. Isnabero. Nainis ako nun sa sarili ko kasi para akong tanga.

Pero hindi ko inaasahan na mag ppm siya sakin.

"Hi "

at dun nagsimula yung unang conversation namin. Mas matanda pala ako sa kanya ng isang taon. At yun nga, Getting to know each Other. 

Maloko siya, nagpapadala ng mga Sweet Sticker, pero di naman daw yun para sakin. Kainis.

"Typing", nakita ko nag t-type siya. Pero biglang nawala. 

Na seen zone na naman ako 

︶︿︶

Miyerkules

Nag PM na naman ako kay Blue.

Nagpapatulong ako sa kanya maghanap ng Lalaki na willing makipag Relationship sa FB. May gusto kasi akong pagselosin. At sa tingin ko pag nakita ng lalaki na yon na may karelasyon ako, baka pansinin nya ko ulit.

Si Blue lang kasi yung alam kong pwede makatulong.

Kasi may kakilala akong iba, pero alam ko busy naman. Kaya hindi ko na inabala.

Sabi ni Blue wala daw siyang kilala. Pero may sinabi siya, magpatulong daw ako kay Black.

Natawa ako kasi crush ko ng konti si Black.

Sabi pa ni Blue na mag group chat daw kami mamaya.

Sabi ko wag na kasi nakakahiya kay Black. Saka mukha kasi siyang Suplado.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isang Linggong Pag-ibig (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon