Chapter 5: "The unexpected truth"

71 11 7
                                    

Augost 29,2019

Tuesday

9:00

Magkasama kaming pumasok ni Jake sa school. Pinaguusapan namin ang tungkol sa Pamilya Thombson na kinabibilanga ni Jake.

"Kami ay mga Night Hunters na gumagamit ng Mahika. Kakaunti lang sa angkan namin ang gumagamit ng mga espada at iba pang armas. Kami ang mga Salamangkero sa mga Nigt Hunters. Kung may kakilala ka pang iba na gumagamit ng mahika, asahan mong konektado sila sa amin. May ibang angkan na tinuruan ang aking ama kung paano gumamit ng mahika. Kasama na dito ang matutong magbasa ng mga kasulatan at libro na galing pa sa underworld. Kaya madali kong nabasa ang libro ng mama mo." kwento sa aking ni Jake. "paano naman nakilala ng ama mo ang mama ko?" tanong ko sa kanya. "matagal na silang magkasama sa paglaban sa kasamaan dito sa mundong ibabaw. Ang mga magulangmo ay matalik na kaibigan ng ama ko, nagkakilala sila sa underworld. Sabi sa akin ni ama, sila ay mga tagapag bantay ng daan patungo dito at sa underworld, kasama ang mga magulang mo. Nagkaroon ng kaalaman tungkol sa itim na mahika ang piling mga tao, natutunan nilang buksan ang lagusan patungo sa underworld na dapat sila ama lamang ang may alam. Nang makapasok ang mga tao, nagkaroon ng malaking gulo na umabot na buong underworld. Sinamantala ito ni Satanas na nagdulot ng digmaan laban sa mga tao. Tayo namang mga Night Hunters, ang lahi natin ay galing sa Borden. Ang Borden ay matatagpuan sa underworld. Kaste, Retsu at Habil, yan ang mga lugar na pwede nating puntahan sa underworld. Ang Bundok Arctus naman ay matatagpuan sa Krokus, o kilala din sa tawag na impyerno. Kaya alam kong mapanganib ang gagawin naten" paglalahad ni Jake ng mga natutunan nya sa pagbabasa ng libro ni mama.

Nasa loob na ako ng classroom. Si Jake naman ay nasa kabilang room dahil magkaiba kami ng subject ngayon. Nakaupo ako sa likod may likod malapit sa bintana. "hindi naman siguro sila masamang tao. Alam ko namang may dahilan ang lahat ng ito." sabi ko sa sarili ko habang nakadungaw sa binta.

Malapit nang mag eleven thirty, simula na yun ng lunch at gaya ng usapan namin ni Jake magkikita kami sa cafeteria para makapagusap ng ayos.

Nakita ko si Jake na nakaupo sa kaliwang parte ng cafeteria.

"Storm!" pupuntahan ko na sana si Jake nang bigla akong may narinig. Isang pamilyar na boses na tumatawag sa pangalan ko. Paglingon ko sa lugar kung saan nagmula ang pagtawag ay naroroon si Mary na parang kanina pa akong hinihintay. Ibinaling ko ang tingin ko sa lugar kung saan nakaupo si Jake at nagtungo sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Mary, ngayon pa at nalaman ko na ang sikreto ng pamilya nila kaya pinili ko na lamang na wag itong lapitan. Pilit kong tinitiis na hindi tingnan si Mary, dahil ayaw kong mas mahulog pa ang loob sa kanya.

"Tol, ok ka lang ba? Kanina ka pa kasing hindi mapakali dyan" nagaalala nyang tanong saken. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko, nagkamali yata ako ng desisyon sa hindi pagpansin kay Mary.

Ang Watsons Family, sila ang tinutukoy ng ama ni Jake na gumagamit ng black magic. But its a good thing na pumanig sila mabuti. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko na baka kagaya nila ang dahilan kung baket nangyari yun kay mama.

Isa sa mga kakayahan nila ang buksan ang lagusan patungo sa underworld na natutunan nila sa pamamagitan ng pagsamba kay satanas nung unang panahon. Pero kailangan namin ang tulong nila para makarating sa labilang mundo.

"pano natin makukumbinsi ang mga Watsons para tulungan tayong makatawid?" tanong saken ni Jake. May naiisip na akong ideya at ito nalang ang nagiisang paraan.

"kailangan nating pumunta sa bahay nila Mary, at kumbinsihin sila sa balak natin. Kahit ano pa ang mga balakid na naghihintay sa atin, gagawin ko pa rin ang lahat para lang kay mama" yan ang sabi ko kay Jake. Sobrang determinado na akong gawin ang lahat. Kahit anu pa, maibalik lang sa dati si mama.

Nasa harap na kami ng bahay nila Mary. Hindi na kami pumasok ni Jake, mas mahalaga pa ang gagawin namin kesa sa school.

Nagtuturuan pa kami ni Jake kung sino ang pipindot ng doorbell. Hangang sa inabutan na kami ni Mary sa harapan ng pinto nila. "anung ginagawa nyo?" nalilitong tanong nya sa amin. "gusto sana naming makausap ang mga magulang mo" si Jake na ang nakipagusap kay Mary. Nahihiya kasi ako sa mga nangyari kanina sa cafeteria.

"ah, sige pasok kayo" naunang pumasok si Mary habang nakasunod naman kaming dalawa ni Jake.

Tingin ako ng tingin sa mga bagay na nasa loob ng bahay nila. Sa pathway na nilalakaran namin may mga painting na nakasabit sa wall. Ang isa ay naglalarawan ng isang digmaan, mabuti laban sa masama. May isang painting na matatagpuan sa living room nila. Ito na yata ang pinaka malaki sa lahat ng nakita kong painting sa paglalakad ko sa loob ng bahay nila. Nakapinta ang isang lalaki na may hawak na tungkod sa kanang kamay at isang libro naman sa kaliwa.

Ilang sandali lamang ay bumaba na si Mary galing sa kwarto nya. Kasunod nya ang isang lalaki na kamuka ng nasa malaking painting.

"anu ang pakay nyo at napunta kayo dito?" tanong na lalaking bumaba galing sa hagdan.

"matutulungan nyo po ba kami na makatawid sa kabilang mundo?" lakas loob kong tanong sa kanya.

"Hindi ko mapagbibigyan ang kahilingan nyo. Matagal ko ng tinalikuran ang kakayahang magbukas ng lagusan papunta sa kabilang mundo. Kaya hindi ko kayo matutulungan" pagtangi ng papa ni Mary.

"tulungan nyo po kami,alang ala sa mama ko. Kayo nalang po ang natatanging pag-asa namin para makarating sa underworld." pagmamakaawa ko sa kanya.

Napatingin ako kay Mary habang may ibinubulong sya kanyang ama.

"wala na sa posesyon ko ang medalyon na kasangkapan para buksan ang lagusan. Pero kung maibabalik nyo ang medalyon sa mga kamay ko ay siguradong tutulungan ko kayong makatawid" sabi ng ama ni Mary pagkatapos nyang bulungan ito.

"saan po namin makukuha ang medalyon na tinutukoy nyo?" tanong ko.

"makukuha nyo ito sa mga itim na salamangkero na patuloy na sumusunod sa mga gawain ni Satanas. Isa lang sa kanila ang may hawak ng medalyon kaya medyo matatagalan kayo sa paghahanap" seryosong paglalahad nya sa amin ng impormasyon.

"maraming salamat po" sabay naming pagpapasalamat ni Jake.

"sasama po ako sa kanila ama!" pasigaw na pagmumungkahi ni Mary sa ama nya. "madami akong nalalaman tungkol sa hahanapin nilamg mga salamangkero, kaya kung maaari ay payagan nyo sana ako ama" pagpapaalam ni Mary sa ama nya. Kauri nga pala nila ang kailangan naming hanapin kaya mas mapapadali kung kasama namin si Mary.

"Pasensya ka na sa inasal ko kinina sa cafetiria. Hindi naman pala kayo masama gaya ng iniisip ko. Sori talaga ha" paghingi ko ng tawad kay Mary.

"Ok lang yun, naiintindihan ko naman ang pinagdadaanan mo. Lalu na yung nangyari sa mama mo" sabi ni Mary sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. Mas nahiya tuloy ako sa ginawa ko.

Si Jake naman ay binabasa ang libro, nagbabakasakali na may bago syang matutunan na makakatulong sa amin.

Nakasuot ako ng jeans, t-shirt at leather jacket. Habang dala dala ko ang espada at medalyon na pagmamay-ari ni mama. Si Jake naman ay may dalang magic stick na gamit nya sa upang makapgcast ng mga spell. At si Mary, sa kabila ng kasanayan ng angkan nila. Bow and arrow naman ang specialty nyang gamitin. Sama sama kaming naghintay sa isang lugar na sa pagkakaalam ni Mary ay madalas buksan ang lagusan.

Mga apat na oras na kaming naghihintay nang biglang nagliwanag ang pader sa harap namin. Mabilis kaming nagtago sa pagkakaalam na malaking grupo ng halimaw ang kasama ng salamangkero na pakay namin. Ilang sandali lamang ay lumabas na ang hinahanap naming salamangkero. Nakatakip ang muka nito at nakasuot ng itim na balabal. Kagaya ng gintong balabal na suot ni Mary. Sa leeg nito ay nakasabit ang medalyon na kailangan naming makuha. Tama nga ang sabi ni Mary, kasunod ng salamangkero ang labingdalawang halimaw. Lahat sila ay may mabuhok at malalaking pangangatawan. Habang ang kanilang mga mata ay nanlilisik na kulay pula. Tahimik lang kaming nagmamatyag habang sinusundan sila. Hangang makarating kami sa isang abandonadong minahan sa may paanan ng bundok.

*****

Thank for reading this story. :)

Sana patuloy nyo pa ring basahin ang kwento ko, kahit na medyo boring. Haha!!

Please!! Keep reading the "Slice of Life" thank you so much! :D

Slice of life (Super Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon