Chapter Two: Transfer Students
Misha's POV
DAMN.
Yan na lang ang paulit ulit na umiikot sa isip ko habang naglalakad ako sa hallway ng Wildford's Academy.
Inaantok pa ko dahil hanggang ngayon ay napapanaginipan ko pa rin ang nangyari sa akin noong Birthday party ni Claudia.
Parang isang masamang panaginip lang iyon na hindi ko makalimutan.
Naghihikab pa ko ng makakita ako ng isang tumpukan ng estudyante sa pinakadulo ng hallway.
Nilapitan ako dun at saka ko kinalabit ang isang estudyante.
"Anong meron dyan Miss?" tanong ko ng kalabitin koi sang babaeng estudyante.
"May binubully na naman kasi si Claudia," sabi nung babaeng estudyante na hindi man lang tumingin sa akin.
Napataas ang isang kilay ko dahil doon.
Si Claudia nambubully na ngayon, bago yun ah, siguro dahil ngayon na lang ulit ako pumasok ng school.
"Padaan," pagkasabi ko nun ay tinabig ko yung babae.
"Ano———-" sinamaan ko siya ng tingin.
Hindi na nya itinuloy ang sinasabi nya at agad na napaatras siya at halos mawalan ng kulay ang mukha nya.
Nagpatuloy ako sa pagpunta sa harap ng tumpok ng mga estudyanteng naroon.
Hanggang sa makarating ako sa harapan.
Nakita ko nga si Claudia sa gitna nun.
Ang kapal ng mukhang mambully ng babaeng to eh ni hindi nga siya makaporma sa akin.
Nang sasampalin na nya yung nerd na binubully nya ay nagsalita ako.
Hindi nya kasi ako napansin dahil nakatalikod siya sa akin.
"So, ganyan pala ang ginagawa mo dito habang wala ako dito Claudia?"
Biglang napatingin si Claudia sa akin at halos mawalan ng kulay ang mukha nya, nakita ko rin ang takot sa mga mata nya.
"Misha?!"
"Oh, Hi, Bitch, gusto mo bang maranasan ang kung anong ginagawa mo sa kanya? parang gusto kong iparanas sa iyon," pagkasabi ko nun ay sinampal ko siya.
Halos tumumba siya sa lakas ng sampal ko sa kanya.
"Masakit ba?" tanong ko sa kanya.
Masama lang siyang tumingin sa akin habang nakahawak ang isang kamay nya sa pisngi nya.
Hindi siya sumagot sa akin.
Nilapitan ko siya at inilapit ang bibig ko sa tenga nya at mahinang nagsalita.
"Ikaw na pala ang nagrereyna-reynahan dito, sisiguraduhin kong magiging isang living hell ang buhay mo sa school na to, ilang buwan lang akong nawala kung ano-anong kababalaghan na ang ginagawa mo, welcome back to me," pagkasabi ko sa kanya nun ay tumingin ako ng diretso sa mga mata nya at ngumiti ng matamis.
Nakita ko namang mas namutla siya sa sinabi ko.
Tumingin naman ako sa buong paligid.
"Ano pang itinatanga nyo dito?"
Agad namng nagsipulasan ang lahat ng estudyante doon at naiwan ako, yung nerd na binubully at si Claudia.
Oh by the way hindi ko pala nasabi sa inyo na ako ang president ng student council.
Wala naman silang magagawa dahil takot silang lahat sa akin.
Tumingin ako kay Claudia.
"Ikaw ano pang itinatayo-tayo mo dito, gusto mo pa ba ng isang sampal?" nakataas ang isang kilay na tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
I'm Not Yours, Mr. Alpha
Loup-garouMisha is a rebellious, ang tingin sa kanya ng lahat ay walang pakielam sa kahit na kanino o ang magkaletse-letse man ang buong mundo. Jacob is the next alpha, sa unang pagtatama pa lang ng mga mata nila ni Misha ay alam na nyang ito ang mate nya. Pe...