Chapter Three: She's in Trouble
Misha's POV
Maingay, patay sinding ilaw. Nasa loob ako ng isang bar kung saan magkikita kami ng friendly witch na si France, actually she's a white witch, a good one.
Nagtataka ba kayo kung bakit may kaibigan akong witch, iniligtas ko si France noon sa mga bampirang humahabol sa kanya kaya kami nagging magkaibigan.
Inilibot ko anpaniinngin ko sa buong paligid at nakita kong kumakaway sa akin si France.
Pinuntahan ko siya agad pero natigilan ako ng bigla ng may kasama pala siyang isang lalaki.
Tumingin ako kay France ng nagtatanong.
"Oh, Drake this is Misha and Misha this is Drake a vampire," halos pasigaw na sabi ni France dahil sa lakas ng tugtog.
Napatanga ako sa sinabi nya.
SHIT!
Bigla kong hinila si France at tumingin dun sa Drake.
"Excuse us!" pagkasabi ko nun kay kinaladkad ko si France papunta sa Restroom.
Pagdating namin sa loob nun ay agad kong binitawan ang kamay nya.
"What are you doing?" tanong ko sa kanya.
"Hey, magpapaliwanag ako," sagot nya sa akin.
"Explain now!" demand ko.
Nakita ko munang huminga siya ng malalim bago siya nagsalita.
"It was an accident, sumugod siya sa bahay ko at ng atakihin nya ko tumapon sa akin ang ilang potion na ginagawa ko para sa mga kliyente ko at ng naghalo-halo yun sa katawan ko, pagkatapos ininom nya ang dugo ko, nag-iba siyang bigla, kahit anong paliwanag ko sa kanya ayaw nya akong pakinggan, sinabi ko na sa kanyang kaaway nya ako pero imbes na atakihin nya ulit ako ay niyakap nya at sinabihan na mahal nya ako, sa ngayon hinahayaan ko siya sa tabi ko habang humahanap ako ng spell na makakapagtanggal nun,"
"Wait! Paanong nainom nya ang dugo mo, hindi ba lason para sa mga vampira ang dugo ng isang witch?" parang naguluhan ako dun.
Totoo namang lason para para sa mga vampire ang dugo ng isang witch, kapag nakainom o kaya ay mapatakan lang ang isang vampire ng dugo nila ay parang nagiging asido iyon, unti-unting lulusawin ng dugo nila ang katawang lupa ng vampire hanggang sa ito ay mamatay.
"Yeah, it was true, but his a legendary phoenix, kwento na pinagpasa pasahan na hindi ko akalaing totoo pala, ang alam ko napatay ko na siya dahil ako mismo ang bumaril sa kanya na may dugo ko, pero nalampasan nya yun at ngayon wala ng silbi ang dugo ko sa kanya, para na lang dugo ng ordinaryong tao ang dugo ko para sa kanya,"
"Ahh--" hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil may kumatok sa pinto ng restroom.
Maya-maya ay nakarinig kami ng isang boses.
"France, ayos lang ba kayo diyan?" baritone ang boses nun.
Napatingin ako kay France.
"Si Drake yun, lumabas na tayo bago pa siya pumasok dito," pagkasabi nya nun ay binuksan na nya ang pinto.
Nakita kong agad na pumulupot sa bewang ni France ang isang braso ni Drake.
Lumabas na rin ako sa pinto.
"Misha, anong gusto mong inumin?" tanong ni France sa akin habang papunta kami sa mesa namin kanina.
Tumingin muna ako sa kanilang dalawa bago ako nagsalita.
"Beer," maikling sagot ko bago ako umupo sa upuan.
Makalipas ang ilang minute ay may waiter na nagserve sa amin.
BINABASA MO ANG
I'm Not Yours, Mr. Alpha
WerewolfMisha is a rebellious, ang tingin sa kanya ng lahat ay walang pakielam sa kahit na kanino o ang magkaletse-letse man ang buong mundo. Jacob is the next alpha, sa unang pagtatama pa lang ng mga mata nila ni Misha ay alam na nyang ito ang mate nya. Pe...