Draft

2 0 0
                                    

Shaira Herrera
June 24, 2010

"Hoy, babae! Ano pang hinihintay mo diyan? Maglinis ka na ng banyo!" Nagising ako mula sa malalim na pag-iisip at pagmumuni-muni ng marinig kong sumigaw ang isang bruskong babae. Namataan ko ang palapit nitong bulto at nakita kong nakatingin ito sa akin ng masama at hindi ko alam kung bakit. Kumunot ang noo ko sa pagtataka.

Dali-dali naman nitong hinablot ang kuwelyo ng suot ko saka pilit pinatayo. Sinamaan ko ito ng tingin kaya naman nakatanggap ako ng isang malutong na suntok sa mata. Napatakip ako sa parteng tinamaan at naramdaman kong may dugo rito.

"Talagang palaban ka pa ha! Ke bago bago mo tatamad-tamad ka! Hindi pwede 'yan dito sa Daebolus Provincial Jail! Hala kilos!"

Pinagtulakan ako nito kahit na alam nitong masakit ang mata kong sinuntok niya. Sa kabila ng sakit na nadarama ay pilit kong sinulyapan ang I.D nito.

Aila Rivamonte huh?

Napaupo naman ako sa sahig ng bigla ako nitong itulak ng malakas. Ramdam ko ang sakit ng kanang tuhod kong malamang ay nagasgasan dahil sa biglaan at hindi inaasahang pagbagsak ng katawan ko sa lupa.

"Pu*eta babagal-bagal! Bilis-bilisan mo kilos mo rito kung gusto mong mabuhay ng matagal! Tumayo ka diyan, bilisan mo!"

Napapikit ako ng mariin. Why are they doing this to me? I don't deserve this! I don't deserve to be treated as an animal. Bakit? Bakit nga ba ako nandito? Simple lang naman ang gusto ko. Gusto ko lang maging payapa ang buhay ko. Tulad ng buhay ko noong hindi pa ako naipapasok rito sa nakasusulasok na lugar na ito.

Mapayapa, tahimik, malinis at simple. Apat na salitang lumalarawan sa bayan ng DaeFort City kung saan ako naninirahan. Gaya ng isang normal na estudyante, pumapasok ako sa eskuwelahan, may mangilan-ngilang kaibigan at nagsasaya. Masaya ang naging buhay ko sa bayang ito kasama ang mga taong itinuturing ko ng kapatid.

December 26, 2003

"Napasa mo na ba assignment mo, Shai?" Gulat naman akong napatingin sa direksiyon ng kaibigan kong si Mich. Sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha nito.

Katatapos lamang ng pasko ngunit may klase na agad kami. Dahil ilang taon nalang naman at graduating na kami kaya naghahabol sa lessons at paggawa ng projects, kinakailangan talagang pumasok kahit na holiday pa. Isa pa, this university knows no holiday. The timeline of this is school is very different from typical schools out there. April ang enrollment, May ang pasukan, and I heard February ang graduation.

"Oo naman no! Hindi pa naman ako baliw para ibagsak ang sarili ko kay Ms. Caguimbal. Terror pa naman nun. Kita mo naman, apelyido palang nakakagimbal na, nakakasindak pa" sagot ko na ikinalawak ng ngiti nito saka biglang natawa ng malakas.

Pagkatapos ay isang tango na may kasamang malawak na ngiti at bahagyang pag-iling nalang ang natanggap ko mula sa kaibigan ko bilang tugon sa sinabi ko. Pareho kaming nag-aaral bilang BS Nursing ni Mich, at parehas rin kaming nasa ikalawang taon. Balak kong kumuha ng Medisina, at Nursing ang napili kong Pre-Med course ko bago ako pumasok sa pagdodoktora.

"Siya nga pala pyutyur doktora, may nagpapasa rin pala sa'yo nitong papel. Mukhang nangangailangan ng pagkalinga mo ang isang 'yan." ika ni Mich habang nakangiti sabay bigay sakin ng isang tinuping papel.

"Ano to?" nagtataka kung tugon habang binubuklat ang papel. "L-love letter?! Galing kay... Jijo?!"

Hagalpak na tawa lang ang narinig ko kay Mich. Napapailing nalang ako dahil sa loob ng anim na buwan hindi pa din tumitigil sa panliligaw sa'kin si Jijo.

His name is Jiro Jomari Cordero. A student of BS Psychology, a 5 year-course and currently on his third year in college. Ahead siya ng isang taon sa akin. Masasabi kong he is an ideal man. Siya 'yung tipo ng tinatawag na "pantasya ng kababaihan" simply because halos nasa kanya na ang lahat. Matangkad, maputi, matalino, funny, may mataas na katungkulan sa politika ang mga magulang, at higit sa lahat, approachable.

He started courting me last March. We met each other accidentally sa cafeteria ng school noong minsang natapunan ko siya ng milk chocolate drink sa suot niyang uniform. I remember his face, kung gaano siya namumula sa galit habang isa-isang hinuhubad ang suot niyang pang-itaas until sa wala ng natira, sa mismong harapan ko! I never expected someone like him na gagawin ang bagay na 'yun. I thought magwowalk-out siya, pero hindi. We had an argument, an intense argument. And I hate him since then.

But then again, time flies so fast. Nagsimula siyang i-approach ako mga bandang April, kasalukuyan ng enrollment noon. He befriended me, then he already started courting me that time.

"Bakit hindi mo nalang kasi sagutin, Shai? Gwapo naman si Jijo ah. Nasa kanya na ang lahat! In short, full package na, ba't ba nag-iinarte ka pa? Sige ka baka mawala 'yan at mapunta pa sa iba. Alam mo naman walang pagsisising nasa umpisa." nagbabantang tugon ni Mich habang umiiling-iling pa ito.

"Oo nga. Pero...kinakabahan kasi ako eh. Gusto ko naman talaga sya pero nahihiya ako. Basta bukas...sasagutin ko na siya." maligayang tugon ko sa kaibigan ko.

December 27, 2003

"Kamustang exam? Okay ba?" nanunuyang tanong ko sa kaibigan ko. Narito kami ngayon sa cafeteria at kumakain ng lunch.

"Okay lang. 75 lang naman hinihingi ng gobyerno so, why bother?" pabirong tugon niya. Nagshrug pa ito na akala mo normal lang sa kanya ang lahat.

"Ay nga pala, nasabihan mo na si Jijo, Mich? Na sabay kaming maglalunch ngayon?" Kinindatan naman ako nito, senyales na makakasabay ko nga ngayong araw na ito ang pinakaunang lalaking nagpatibok ng puso ko. Nagsimula na namang magrambulan ang mga paru-paro sa dibdib ko nang maalala ko kung anong mayroon sa araw na ito. This is it, Shaira.

May plano sana ako. Gusto ko sanang maging memorable para sa amin ang araw na ito pero dahil sa kakulangan ng oras at budget, hindi ko na naisakatuparan pa ang balak ko. Gusto kong mag-effort, pero ginahol ako sa oras kaya dito, dito sa cafeteria, kung saan kami unang pinagtagpo ng tadhana, dito ko nalang siya sasagutin.

Hindi lingid sa kaalaman ko na maliban sa'kin ay may iba pang pinopormahan si Jijo. Alam kong hindi lang ako, kundi marami. Kalat kalat ang girlfriends niya rito sa campus, karamihan ay mga sikat, mayaman, mas better pa sa akin, kaya suwerte ko na mapansin ako ng isang tulad ni Jijo. Alam kong hindi lang ako, pero kahit ganon tanggap ko siya at gusto ko siya. Mali, mahal ko siya. Mahal na mahal. At gagawin ko ang lahat para mapasakin siya. If he says that the river is red, it is red. If it's not, I'll paint it red.

"Hi, Shai! Hindi ko inaasahan ang paanyaya mo sakin for lunch today." nakangiting pagbati ni Jijo sakin. Napatango nalang ako dahil tila napipi ang dila ko't walang maibigkas na salita. Nagsimula ng mamawis ng mga palad ko ng umupo na siya sa harapan ko.

"Pretty surprising, huh? Ako ang parating nangungulit sa'yo just to invite you over for lunch tas ngayon . . . hindi ka nangulit at ikaw na ang nag-invite sa'kin. What happened?" pagpapatuloy niya habang nakangiti na parang amaze na amaze.

Hindi ako nagsalita. Bagkus inilapag ko ang dalawang sampung pisong barya sa harapan nya. Bumakas ang pagtataka sa gwapo nitong mukha.

"Ano yan? Aanuhin ko ang bente?" kunot-noong tanong ni Jijo.

"Bili ka ng cornetto. Tanong mo doon sa tindera kung saan aabot ang twenty pesos mo." seryosong tugon ko. Napakurap-kurap ito habang nakatingin sa akin, naghahanap ng kasagutan. Pagkuwa'y nagsalita ito.

"Huh?" Bakas pa rin ang pagtataka sa maamo nitong mukha.

Natawa ako sa walang kwentang biro ko. Agad rin naman akong tumigil at kapagkuwan ay inayos ang aking hitsura bago nagsalita ulit.

"Anim na buwan na ang lumipas nung nagsimula kang ligawan ako. Y-yung d-dalawang barya s-sa h-harapan mo... yan na ang s-sagot, J-j-jijo" nakayukong wika ko sa harapan ng taong nagpapatibok ng puso ko.

Ilang sandali pa itong nag-isip at nakatitig lang sa mga barya. Akala ko ay magagalit ito pero nagkamali ako. Bigla ako nitong niyakap at paulit-ulit na nagpasalamat. Napatalon pa ito sa sobrang tuwang nadarama at pagkatapos ay banayad ako nitong hinalikan sa labi. Sa araw na ito, ay ipinauubaya ko na ang puso ko. Ngayong araw na ito, masasabi kong akin siya at sa kanya ako. I love him very much that if he says that the river is red, it is red. If it's not, I'll paint it red.

December 27, 2005

"Grabe bes, 2 years na kayo ni Jijo babes mo today!" maligayang bati ni Mich. Napangiti naman ako.

"Oo nga eh. Mamaya ibibigay ko 'tong relo. Pinag-ipunan ko 'to para sa espesyal na araw na ito." nakangiting tugon ko sa kaibigan ko na ngayon ay nakikiusyoso na sa hawak kong rolex wristwatch.

"Ay antaray, may parolex. For sure magugustuhan niya 'yan. Pero Shai, nga pala, I saw him earlier with...Ritchelle dun sa quarter ng mga basketball players. They're making---"

Pinutol ko na ang sasabihin ni Mich. Yes making out, they're making out. I knew all of it already but, who cares? Love is blind, and I love him very much. If he says that the river is red, it is red. If it's not, I'll paint it red.

"Okay lang, mahal ko eh. Tsaka sa'kin naman uuwi yun. Maaaring may iba siya pero sa'kin pa din naman ang bagsak niya. Lalo na ngayon na..."

"Na?" dugtong ni Mich.

"G-gagraduate na tayo! Makakapag-plano na kami for our f-future." pekeng siglang tugon ko kay Mich. Hindi naman na ito nagtanong pa dahil mukhang kumbinsido na ito sa sinabi ko.

Mahigit tatlong oras na akong naghihintay dito sa restaurant na pinabook ko for our anniversary dinner pero wala pa rin si Jijo.  Simpleng white dress at flat shoes lang ang suot ko. Nakalugay ang medyo kulot kong buhok at nag-apply lang ako ng light make up to compliment my fair skin.

Today seems different. It's kinda weird dahil ni minsan ay hindi na-late si Jijo sa mga date namin, ngayon lang, even if I know that he's just fooling me. Ipinagsawalang bahala ko nalang ang mga isiping namumuo sa utak ko. Ang again, I patiently waited for another 2 hours hanggang sa napagdesisyunan ko nalang na puntahan siya sa condo niya at doon nalang ibigay ang regalo kong wristwatch.

Bumili muna ako ng cake at after 20 minutes ay nandito na ako sa tapat ng unit niya kaya agad kong pinindot ang mga numerong 9-6-1-6-4. Yes, I'm excited and yes, I know his passcode dahil lagi akong nagpupunta rito, lalo na kapag free time ko since I'm the girlfriend.

The lights here are on, so I presumed he's here. Maybe he forgot about our anniversary, pero okay lang. Ang mahalaga, akin siya, sa kanya ako.

Sa kabila ng matagal na pag-aantay ay balak ko siyang salubungin at sorpresahin ng isang masayang bati ngunit sa pagbukas ko ng pintuan ng kwarto niya'y ako ang nasorpresa.

Bumungad sakin ang hubo't hubad na si Jijo kasama si....Rochelle, ang kambal na kapatid ni Ritchelle. Nabitawan ko ang cake na hawak ko at sa isang iglap ay nawala ang ngiting nakaukit sa mukha ko. Hindi manlang sila natinag sa ingay na nagawa ng pagbagsak ng cake na hawak ko. Hikbi lang ang tanging ingay na nagawa ko habang walang tigil sa pag-agos ang luha sa mga mata ko. Walang salitang lumabas sa bibig ko, tanging pag-uga lang ng kama ang maririnig na ingay kasabay ng mga ingay na silang dalawa lamang ang nakakaintindi.

Walang pagsidlan ang sakit na nadarama ng puso ko sa mga oras na ito, tila paulit-ulit nitong sinasaksak ang damdamin ko ngunit gayunpaman ay hindi ako gumawa ng hakbang para paghiwalayin sila sa pagniniig nilang dal'wa. Hinintay kong sila mismo ang makapansin sa'kin. Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Jijo ng mapatalon ito pagkakita sa akin, at wala namang mababakas na ekspresyon sa mukha ni Rochelle kundi tuwa, tuwa marahil sa nakikita niyang sakit na nararamdaman ko. Nakangisi pa ito habang minamasdan akong magdalamhati.

Nang mga oras na iyon ay nagising ako. Nagising ako sa katotohanang hindi lang si Jijo ang lumoloko sa akin, kundi pati na ang sarili ko. Kaytagal kong nagbulag-bulagan. Napakarami kong sinayang na pagkakataon para lang sa walang kwentang pagmamahal ko sa kanya.

Hindi ko na hinintay pang makapagbihis si Jijo upang habulin ako dahil nagkusa na akong umalis. Sa kabila ng panlalabo ng aking mga mata'y namataan ko si Jijo na humahangos papunta sa direksiyon ko ngunit bago pa man siya makatapak sa tapat ng elevator ay nagsarado na ito.

Niloloko mo ako Jijo, alam ko, matagal na. Pero ngayong sa mismong harapan ko na mo ito ginawa, hinding hindi ka na makakaasang maloloko mo pa akong muli dahil kasabay ng paglisan ko sa lugar na ito ay siyang pagtatapos ng nararamdaman ko para sa'yo.

January 27, 2006

"Uy? Alam mo na ba ang balita? Nagsuntukan ang XYZ mo at ang boyfriend ni Rochelle kaninang umaga tas kaninang lunch naman yung boyfriend ni Ritchelle ang nakasuntukan niya. 'Di ko inexpect na aspiring MMA fighter pala ang XYZ mo kaya lang lampa, 'di makaganti ng suntok sa boyfriend ng magkambal." tumatawang kwento ni Mich. Nagkuwento pa ito ng nagkuwento pero walang ni isa sa mga sinabi niya ang pinansin ko dahil kasalukuyan pa rin akong nagdadalamhati para sa puso kong nawasak na ng tuluyan.

Isang buwan na ang lumipas at nanatili akong tikom sa lahat ng nangyayari. Nasaktan ako at ang tanging bagay na hinihiling ko ay ang mawala na ang sakit na dulot ng unang pag-ibig ko. Nagpatuloy ako sa aking buhay hanggang sa nakapagtapos ako, kami ng kaibigan ko, kasabay ni Jijo.

Nag-iisa lang akong nakatira sa bayang ito, walang pamilya, walang ni isang kamag-anak samantalang si Mich ay nagdiriwang kasama ang pamilya nya. Gusto kong mapag-isa sa araw na 'to sa loob ng kwarto ko, para pagmuni-munihan ang mga dagok na dumating sa buhay ko.

February 10, 2006

Magdadalawang linggo na akong tulala, pilit kinakalimutan ang pangyayaring halos tumapos sa buhay ko noong araw na pinagtaksilan ako ni Jijo. Nakatulala lang ako habang iniisip kung ano ang dapat gawin lalo na ngayon na nasisiguro kong . . . buntis ako,  dalawang buwan na at si Jijo ang ama.

June 6, 2006

Kasalukuyan akong naghihiwa ng rekadong gagamitin sa aking niluluto ng biglang nakaramdam ako ng sobrang pananakit ng tiyan kaya naman kahit namimilipit ay agad akong dumako sa banyo. Hindi pa man nakakarating sa bungad ng pintuan ay naramdaman kong parang may lumabas sa puwerta ko. Nakapagtataka, hindi dapat ako dadatnan ng buwanang dalaw dahil buntis ako. Dinama ko ang kung anumang lumabas sa akin at . . . parang malaking bagay ito dahil may kabigatan ito at tila isa itong nabuong dugo.

Nanginginig na ibinaba ko ang aking salawal upang suriin kung ano ang bagay na iyon. Ipinagdarasal kong sana'y mali ang iniisip ko, ngunit napapitlag ako sa nakita. H-hindi m-maaari . . . HINDI MAAARI!!!

June 26, 2006

"Isang 24 taong gulang na lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa Daefort River kaninang alas dos lamang ng hapon. Kinilala ito bilang si Joseph Sanchez, anak ng dating alkalde ng bayang ito at base sa imbestigasyon, napag-alamang hindi pagkalunod ang ikinamatay ng biktima dahil makikitang tadtad umano ito ng saksak at may malaking wakwak sa bandang tiyan nito na itinahi rin ng kung sinumang gumawa sa karumal-dumal na krimen. Sinasabing pinaslang ito ngunit magpasahanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli ang salarin.

Walang kung anong bagay ang naiwan na makapagtuturo sa salarin tulad ng bagay na ginamit sa pagpatay, maliban sa isang wristwatch na inilagay nito sa winakwak na tiyan ng biktima. Base na rin sa autopsy report na nakuha ay sistematiko ang pagkakawakwak ng tiyan nito pati na ang pagkakatahi na halatang ginawa ng isang eksperto sa pagsasagawa ng medikal na operasyon tulad ng mga nauna pang biktima.

Sa ngayon, tinatayang aakyat na sa 200 ang may ganitong kaso ng pagkamatay at nakapagtataka dahil tila mga galing sa family of politicians ang tinatarget ng mga pumapatay. Ang mas nakapagtataka pa rito ay nag-iiwan ang mga ito ng relo sa kanilang mga biktima na maaaring may malalim na ibig-sabihin na ibig iparating sa publiko. Hinihinalang hindi iisa kundi isang grupo ang gumagawa ng ganitong uri ng krimen. Para sa higit pang impormasyon, patuloy lamang na--"

Hindi ko na pinatapos ang panonood ko dahil sawang-sawa na ako sa ganitong uri balita. Halos araw-araw ay may namamatay rito at nakakasurpresa dahil puro kabatch ko pa ang mga ito. Ang dating tahimik at matiwasay na pamayanan ng DaeFort ay nabalot na ng takot at pangamba. Ang lahat ay natatakot na sa maaaring mangyari at nawalan na ng tiwala sa isa't-isa ang bawat isa.

Dumaan pa ang mga buwan ngunit patuloy lang na nadaragdagan ang bilang ng namamatay. Naging delikado na ang paglabas sa gabi, naging mapanganib na kilos na maaaring gawin ng sinuman.

November 6, 2006

Narito ako ngayon sa sementeryo upang dalawin ang anak ko. Oo, nalaglag ang anak ko, limang buwan na ang nakalilipas. Hanggang ngayon ay nagdadalamhati pa rin ako sa sinapit ng sanggol sa sinapupunan ko, at hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Jijo ang na kung hindi niya lang sana ako niloko ng harapan, sana'y isang masayang pamilya kami ngayon. Sana . . .

Mapait akong napangiti habang hinahaplos ang lapida ng anak ko. Oo, kahit anim na buwan palang ito ay ipinalibing ko ito ng maayos. Wala akong ibang pinagsabihan. Sinarili ko ang sakit, ang pighati, at ang pagdadalamhati dahil para saan pa? Hindi rin naman nila maiintindihan.

"Anak, pasensiya ka na sa nangyari sa'yo. Hayaan mo anak, malapit na nating makamit ang hustisyang nararapat para sa'yo."

December 6, 2006

Aliw na aliw akong pinanonood ang taong nasa harapan ko ngayon. Tulad ng isang anghel ang kanyang hitsura lalo na kapag siya'y natutulog. Nawiwili akong pagmasdan ang magiging biktima ko.

Oo, biktima. Dahil hindi ako papayag na matapos ang araw na 'to ng hindi namamatay ang isang 'to. Para sa ikatatahimik ng budhi ko at ng anak ko.

Sinabuyan ko ang mukha nito ng isang basong malamig na tubig. Nagtunugan pa ang mga bloke ng yelong tumama sa iba't ibang parte ng mukha nito na nagdulot naman ng agarang pasa rito.

"Oh, I'm sorry. Did I wake you up?" mapang-asar na tanong ko rito. Nanlalaki ang matang tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa, tila hindi makapaniwala sa nakikita. Sinubukan niyang tumayo ngunit bigo siya. Hello, nakakadena ka kaya mula braso hanggang paa.

"S-s-shaira? A-anong . . . ?" hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil hinatak ko ang lubid na nakapulupot sa leeg nito. Pinagmasdan kong kapusin siya ng paghinga ngunit bago pa siya malagutan ng hininga ay binitawan ko na ang lubid. Kumawala ang maingay na ubo nito sa apat na sulok ng madilim na kuwartong ito.

"Hi babe. You miss me?" nakangising sabi ko. Tumayo naman ako at dumako sa parihabang bagay na malapit sa kinauupuan ngayon ng biktima ko ngayong gabi. Hindi naman ito nakasagot sa tanong ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makapaniwala sa nakikita.

"Oh, you didn't? Hays. Namiss pa naman kita. Kaya nga may regalo ako sa'yo eh. Ito oh!" sabi ko saka binuksan ang refrigerator na nasa likuran ko.

Tila naestatwa naman sa kinauupuan si Jijo ng makita niya ang laman ng refrigerator. Alam ko, alam kong nakikilala niya kung kaninong mga ulo ito. Dahan-dahang umagos ang luha sa mga mata niya. That's right sweetie, that's what I wanted to see.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 01, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Default Title - Write Your OwnWhere stories live. Discover now