ONE SHOT

6 1 0
                                    

Gio

Ako yung tipo ng tao na halos lahat ng tao sa paligid ko ay kasundo ko...

Mula sa bahay, hanggang sa schools na pinasukan ko.

At hanggang ngayon sa trabaho, minsan lang ako napaaway dahil, pinagbintangan nya ako na sipsip daw ako. Kasalanan ko bang friendly ako and at the same time ay magaling ako.

Pangatlong kumpanyang napasukan ko na itong pinapasukan ko ngayon at ganun pa rin, halos lahat ng mga katrabaho ko ay kasundo ko.

Maliban lang sa isa. Si Barry, napakatahimik at mejo may pagka weirdo ang taong ito. Sya yung tipo ng tao na kung di mo kakausapin hindi ka din kakausapin tapos isang tanong isang sagot lang sya. Tapos pag nakakasalubong mo sya sa daan, ni-tingin o tango man lang ay hindi ka nito tatapunan.

Palagi itong nakayuko at kailanman ay hindi ko pa ito nakitang nakipag eye to eye pag may kausap.

At madalas, ay nagsosolo lang sya pag free time.

Kaya wala din masyadong kaibigan ito sa amin.
Wala ding nakaka alam ng background nya kundi ang
Management lamang.

Nang minsan na may birthday ang isa sa mga boss ay,
Nag-blow out ito, nagaya ng uminom sa bahay nila.

Sinubukan naming ayain si Barry, pero as expected, tumanggi ito.

Bago kami umalis ay hinanap sya ng may kaarawan,
Hindi ito pumayag na hindi sya sumama.

Kaya sya na mismo ay nagpumilit na isama ito.

At syempre, dahil boss na ang nagaya ay wala na itong nagawa kundi ang sumama.

Sa bahay ng boss namin ay napakaingay namin at masaya talaga ang lahat.

Maliban kay Barry, nilapitan ko ito upang, kausapin at subukang makipag kaibigan.

Nagdala ako ng dalawang bote ng beer, tapos sisig para pulutan. Iniabot ko sa kanya ang isang bote ng beer nuong una ang akala ko ay tatanggihan nya, kaya natuwa ako nung tanggapin nya ito, ibig sabihin ay may pagasang makipag usap sya sakin.

Uy pre, amg tahimik mo naman, ang saya saya ng mga kasama natin oh. Bati ko sa kanya.

Okay lang ako. Sagot nito.

Ganito lang talaga ako.
Pasensya na.
Dagdag pa nito

Unang beses yon na magsalita sya ng dalawang sunod kaya talaga nakakatuwa.

Mula doon ay tuloy-tuloy na ang paguusap namin.

Ng maalala kong wala pa nga palang sili at kalamansi ang sisig namin, kaya kumuha ako.

Nang hiwain ko ang kalamansi ay aksidente kong nahiwa ang aking daliri dahilan para magdugo ito.

Dala na rin siguro ng kalasingan, pero wala lang iyon sa akin at hindi ko ininda.

Kaya nagulat ako ng biglang hawakan ni Barry ang kamay ko at akmang siaipsipin ang dugo sa aking daliri.

Mabilis ko ito naiiwas at hinila ko ang aking kamay.

Te, teka pre. Hiwa lang naman to ng kutailyo at hindi kagat ng ahas kaya walang kamandag na kailangan sipsipin.
Pabiro kong sabi sa kanya na mejo may pagkabigla pa din.

Ay, pasensya na. Ganun kasi ang ginagawa ko pag nasuaugatan ako. Pasensya na.
Tugon nito.

Napansin ko na napatakan ng maraming dugo ang pulutan namin kaya naman, kinuha ko ito para palitan sana.

Subalit pinigilan ako ni Barry, hinawakan nya ang kamay ko, at nanlalaki ang mga mata nitong nakatitig sa sisig.

Bakit pare? May problema ba?
Takang tanong ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GIO | ASWANG STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon