Dear Bestie,
Hiyang hiya ako sa araw na ito.
Kasi naman yung mga kaklase ko nung pumasok si Sir, bigla na lang silang nagtilian tapos sinisiko-siko pa ako nung katabi habang sinasabing anjan na si Sir.
Alam ko naman eh, may mata kaya ako at kitang-kita ko.
At ito namang si Jane, sumigaw ng "Sir, crush ka po niya" sabay turo sakin.
Medyo natakot ako nung oras na iyon dahil baka biglang magalit si Sir dahil sa nalaman nya. Ang ingay naman kasi talaga nitong si Jane. Di talaga pwedeng pagkatiwalaan ng sikreto siya, lahat mabubunyag.
Napanatag naman ang loob ko nung ngumiti lang si Sir sa akin.
Pero nahihiya pa rin ako dahil nalaman nya na crush ko sya.
Sabi nila kailangang di malaman ng crush mo na crush mo sya.Pero paano yun? Alam na ni Sir? Anong gagawin ko?
Kailangan nga ba talagang itago sa isang tao na crush mo sya? Bakit?
Di ko maintindihan. Pakiexplain naman sakin oh!
BINABASA MO ANG
Crush? Kailangan Ko Ba Nun?
AcakThis story was a real-life story because it was based on the real experiences of the author, WhiteFireAngel. This story title was inspired to the story, "Lovelife? Ano Yun?" by AegyoDayDreamer and the story structure was inspired to the story, "Love...