Page 6

22 2 0
                                    

Dear Bestie,

Grabe pala magalit si Sir! Akala mo mangangain ng tao.

Paano ba naman kasi, itong mga kaklase ko habang nagtuturo si Sir, di nakikinig tapos paulit-ulit na inaasar ako kay Sir.

Ayun! Nagalit si Sir. Pinagalitan sila puro crush na lang daw ang lumalabas sa bibig nila. Mas maganda raw na imbes na crush ang intindihan, makinig na lang sa guro at mag-aral nang mabuti. Wala naman daw itong magandang maidudulot sa kabataan.

Ang nakakatakot pa, bago mag-walk-out si Sir, sinabi nya sa akin na pumunta muna ako sa faculty nya bago ako umuwi.

Nung pumunta naman ako, ang sabi nya ay bukas na lang daw ako pumunta sa kanya dahil pinapatawag sya bigla ng principal.

Kinakabahan tuloy ako.

Ano kayang sasabihin nya? Papagalitan nya rin ba ako?

Waaaahhhh! Wag naman sana!

Crush? Kailangan Ko Ba Nun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon