DAHIL SA NATUNGHAYANG PANGYAYARI KANINA ay minabuti nilang pumasok na sa bahay ni Lola Tory at doon ay ipinagpatuloy ang kanilang pag-uusap tungkol pa rin sa nangyari.
“Iba ang itsura ng lalaki kanina, guys. Hindi ko kayang tingnan” si Cathy na halatang nasindak sa nakitang itsura ng bangkay.
“Ako din naman. Yung tuyong balat at kulay ng lalaking nakahandusay kanina. At yung mga mata, halos lumuwa! Parang sinakal!” nanginginig pa ring sabad ni Karen.
Hindi naman nagsasalita ang mga kalalakihan. Mataman lamang ang mga itong nakikinig.
“Natatakot na ko…” pagkaraan ng ilang saglit na katahimikan ay nasambit ni Grace.
Bigla namang sumabad sa usapan si Lola Tory.
“Natatakot? Kayo? Akala ko ba mga matatapang kayo?” anang matanda habang may niluluto sa kalan na de-kahoy.
Walang nakasagot sa kanila.
Marahang natawa ang matanda.
“Tingin niyo ba? Aatake muli ang aswang mamaya?” nakatawang tanong ng matanda.
“Lola naman! Huwag niyo kaming takutin. Baka hindi kami makatulog nito mamaya.” seryosong saad ni Raphael.
“Binibiro ko lamang kayo. Masiyado ninyong iniisip ang nakita ninyo kanina. Baka mas ikamatay ninyo ang takot at pag-aalala kesa sa pag-atake ng aswang, kung mayroon man.” nakangiti pa ring tugon ni Lola Tory.
“First time po kasi makakita ng ganoong uri ng patay na tao, Lola. Hindi talaga normal. Hindi maipagkakailang gawa yun ng nakakatakot na nilalang” sambit ni Allan.
Lumapit sa hapag kainan ang matanda, kung saan sila naguusap-usap. Dahil sa liwanag ng lampara ay nakikita nilang nakangiti pa rin ang matanda. Hindi nila mawari kong pinagagaan lang ba nito ang sitwasyon at usapan o sadyang pinagtatawanan niya ang mga reaksiyon nilang lahat.
“Maiba ako...” umpisa ng matanda nang makalapit sa grupo. “Akala ninyo siguro’y, hindi ko alam ang tungkol sa binili ninyo kanina ano?” nakangiti pa rin ang matanda. “Binalot pa ninyo ng tuwalya ang gallon na pinaglagyan ninyo ng tuba” tumataas –taas ang kilay nito habang nagsasalita.
Nagkaitinginan na lamang silang lahat nang maalala ang tungkol sa plano nilang ‘palihim’ na inuman mamaya. Halos makalimutan na nila ang tungkol dito.
“Halata ngang nasindak kayo sa nakita ninyo kanina. Dahil naiwan ninyo ang gallon ng tuba sa labas at nakalimutang iuwi pagkakita ninyo sa namatay nating kapitbahay” nakatawa pa ring pagpapatuloy ni Lola Tory. “Balak niyong itago sa akin ang tungkol dito, ano?” pagkuway tanong nito.
Wala pa ring nakasagot sa kanila.
“Dahil sa nangyari, papayagan ko kayong mag-inuman mamaya. Para naman makatulog kayo. Baka kasi atakihin kayo sa puso dahil sa takot kapagka nakarinig lamang kayo ng kaluskos sa paligid. Kaya papayag akong mag-inuman kayo. Pero, sa isang kundisyon…” sinadyang bitinin ng matanda ang sasabihin.
Hindi pa rin nagsasalita ang grupo. Pero halatang nabitin sa sasabihin ng matanda tungkol sa ‘kundisyon’.
“Kasali ako sa inuman.” Kumikindat-kindat na pahayag ni Lola Tory.
Dahil dito ay tila naibsan ang tension ng magbabarkada at kahit papaano ay napangiti sa narinig mula sa matanda.
“Call??” maya-maya pa’y pagkukumpirma ng matanda.
“Call!” Halos sabay-sabay na turan ng magkakaibigan. Nakangiti na ang mga ito ng bahagya.
Dahil doon ay napanatag ng bahagya ang magkakaibigan.
BINABASA MO ANG
LIHIM NG SAN PATRICIO (Siete/Kuarenta Series)
Mister / ThrillerPag namatay daw ang tao... Mayroon siyang pitong araw na pananatili sa mundo. At kwarentang araw (40 days) ng paglalakbay ng kaluluwa sa isang mundong dapat mong malagpasan para makarating sa destinasyon mo. Kapag napagtagumpayan ang mga balakid...