Let me know [4]

362 14 1
                                    

Magaalas otso na ng gabi ng mapagdecisyunan namin umuwi. Sinundo ni Jeron si Mika at sumabay na din si Kim sa kanila. Sinasabay na ako nila Mika pero sabi ko ay may kikitain pa akong kliyente sa parehas na coffee shop.

"Sige Ara mauna na kami." Pagpapaalam saakin ni Jeron.

"Sige Jeron, congratulations ulit sa wedding nyo" I said then they leave after.

Pinanood ko silang lumakad palabas ng coffee shop, wala naman talaga akong kikitain dito. Nahihiya lang ako sa kanila kasi after all these years ay hindi ko sila masyadong nakakasama at ngayon ko lang napag bigyan na kitain ako and besides I need time to sink in na magkikita nanaman kami ni Thomas.

Hindi naging maganda ang huling pagkikita namin ni Thomas dahil malinaw na nilahad nya saakin ang kagustuhan nyang makipagbalikan saakin. Siguro my old self would still consider it pero ngayon hindi ko na alam. Bakit kailangan nya pang palipasin ang apat na taon bago sabihin yun saakin. Napagod na ako kakahintay sa kanya.

Malapit lang naman ang condo ko dito sa coffee shop na pinagkitaan namin nila Mika kung kaya naglakad nalang ako. Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong saakin pagkalabas ng shop kung kaya't tinago ko ang mga kamay ko sa bulsa ko. Habang binabaybay ang high street patungo sa condo ko ay laman ng isipan ko si Thomas at kung alam ba nila Jeron ang kalagayan nya. Hindi ko man naamin kila Mika at Kim pero nag alala ako nung nakwento ni Mika na may mga panahong ginagabi si Jeron para samahan si Thomas.

Wala na kasi akong nabalitaan sa kanya matapos ng araw na binalik ko sa kanya yung engagement ring namin. Ilang araw matapos nun ay tumuloy na din ako sa Shanghai at nag tagal ako dun ng halos na dalawang bwan dahil humingi ako ng leave sa opisina at pinasyal si nanay sa bansang Tsina. Sa lahat ng nangyare saamin si Cienne at nanay lang ang nakakaalam ng panig ko. Hindi na din ako nag abalang kunin pa yung gamit ko sa condo nya sa may Mandaluyong dahil natatakot ako namag pang abot kami at natatakot akong marinig na sabihin nya saakin na kung gaano sya ka sorry sa nangyare. Tama na siguro ang nag daang apat na taon para pakinggan ko naman ang panig nya at isarado ang kung ano man ang nangyare saamin.

Binuksan ko yung pintuan ng unit ko at bumungad saakin si Tom.

"Kanina mo pa ba ako hinihintay dito, Tom tom!" Nag squat ako para ipet si Tom sa ulo at agad naman kumawag ang kanyang buntot sa pag haplos ko sa kanya at tumahol sya na parang sinasagot ang tinanong ko sa kanya.

Binuhat ko si Tom at hinalik halikan ito atsaka binaba nung nasa may kusina na kami. Si Tom ang alaga kong pug, mag iisang taon ko na din syang alaga. Pag nag o-out of town ako or out of country ay kay nanay ko sya iniiwan. Sa Cavite kalaro nya dun yung alaga ni nanay na Pomeranian.

Matapos kong pakainin si Tom ay kinuha ko sa bag ko yung invitation ni Mika at Jeron at binasa ang nakasulat duon. Best man ni Jeron si Thomas habang isa naman ako sa brides maid ni Mika. Pula ang motif ng kasal nila. Sinauli ko na yung invitation nila Mika at binuksan ang laptop ko.

Habang nag checheck ako ng emails ko ay nakita ko yung message ni Mika na this weekend ay kailangan pumunta ng mga brides maid nya for fitting at nakalagay na din nun ang schedule ng kanyang bridal shower. Matapos ng ilan pang pag check ng email ay sinarado ko na ang laptop ko at naghanda na para matulog.

Pagkapasok ko sa opisina namin ay nag file kaagad ako ng leave sa aming director para sa kasal ni Mika na gaganapin sa susunod na buwan. Okay na din itong maaga dahil baka maunahan pa ako makapag file ng leave ng mga kasamahan ko.

"This is the first time you are filing your mandatory leave, Ms.Galang."

"Ikakasal na po kasi yung high school bestfriend ko sir" I smile at him then he signs my leave. Kinuha ko naman iyun at umalis na sa kanyang opisina.

What if ThomAra happened?Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin