60 SECONDS
*ding dong*
"Ellie, mag-wiwindow shopping kami nila Anne, gusto mo sumama?" tanong sa akin ng best friend ko, si Genina.
"Hindi na, sige mauna na kayo, may gagawin pa ako eh"
"Ui ikaw aaahhh! Purket may ka Boyfie ka na...bigla ka na lang naging busy"
"Hindi naman..." I smiled at her. Bitterly.
Ellie, get a hold of yourself. Naglakad ako patungo sa labas ng building namin. Huminga ako ng malalim. Kaya mo to.
"Ellie, andyan ka na pala"
"B-byron"
"Oh? ok ka lang ba?" sabay lapit sa akin. Lumayo ako out of instinct.
"O-ok lang ako, uwi na tayo?" I asked him while smiling. Sana naman di halatang pilit lang...
"OK!! HALIKAAAA" sabay akbay sa akin.
Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming naglalakad. Wala ni isa sa amin ang nag-sasalita. May ka-text kasi siya. At alam ko kung sino. Pero sa totoo lang sana di ko alam...sana di ko na lang nalaman.
Huminto ako sa paglalakad.
"Byron" Huminto siya sa pag-tetext saka humarap sa akin. Halatang halata sa expression niya na wala siyang kaalam alam sa mangyayari.
"Bakit?"
Tumingin lang ako sa kanya. Magsasalita na sana ako ng bigla na lang umulan. Biglang tumakbo si Byron para humanap ng masisilungan. Napatingin ako sa baba. Di man lang niya ako hawakan sa kamay.
"Bhe!! dali mababasa ka!!" sigaw niya habang tumatakbo.
Sumunod ako sa kanya. Sumilong kami dun sa may waiting shed. Wala ni isang tao ang nandito. Kami lang. Mas maganda to.
Tumingin ako sa kanya. Nakita ko siyang tinutuyo ang sarili niya gamit ang panyo niya. Napatingin ako sa sapatos kong basang-basa. Sa totoo lang inaasahan ko siyang punasan rin ako ng panyo niya. Pero mukhang imposible yun.
"Byron" sabi ko habang tumitingin sa sapatos ko.
"Ano yun?" tanong niya. Hinigpitan ko ang hawak ko sa t-shirtt ko, saka ko binitawan.
"May...may gusto ka pa ba sa akin?" this time tumingin ako sa sa kanya. Lumaki ang mga mata niya. Halatang nagulat sa tanong ko. Lumingon siya sa iba.
"Oo naman" Sinungaling.
"Ok" sabi ko. Tumingin naman ako ngayon sa kalsada. I stretched out my left hand. I felt the rain pouring down through my hand. Sinubukan kong ipunin ang tubig sa kamay ko. Kaya lang kasi may mga butas kaya sinubukan kong gamitin yung isa ko pang kamay para i-catch ang tubig na nahuhulog.
Wala talaga. Kahit anong gawin ko. Ayaw manatili ng tubig sa kamay ko. Kahit anong ayos ang gawin ko wala pa rin.
"Byron..."
"Oh?" nakikipag-text ulet siya.
"Could you...hug me?"
"Hah? bakit naman? ok ka lang ba talaga Ellie?"
Tumingin lang ako sa kanya. Binulsa niya yung phone niya. Saka siya lumapit sa akin at niyakap ako.
"Oh ayan, masaya ka na?" I'm going to miss this.
"mhm, Byron, can we do this for 1 minute?"
"Ang weird mo ngayon ah..."
"Please?"
"Ok"
"Byron, Do you still like me?"
"Yes" Di ako tumingin sa kanya. Yinakap ko lang siya ng mahigpit. Alam ko kasi na pag tumingin ako sa kanya...malalaman ko na nagsisinungaling siya...
"Am I-"napahinto ako. Huminga ako ng malalim.
"-still special to you?" kaya kahit ngayon lang sana...kahit ngayon lang...kahit na alam kong linoloko ko lang ang sarili ko...gusto ko sana maramdaman na, na ako lang ang babae para sa kanya.
"Yes. You're my one and only"
60 seconds is all I need. To forget the pain I felt when I saw you and my best friend kissing. 60 seconds is all I need to erase the memories of you cheating on me. Just this once, I want to feel like you DID love me.
"Ayan. Tapos na ang 1 minuto" sabi ko sa kanya. Binitawan ko na siya.
"Byron, I'm letting you go" I stepped out of the waiting shed. Humarap ako sa kanya at saka sinabing.
"Thank you"
This time. I'm letting you go. Binilisan ko ang paglalakad ko. Isa-isang tumulo ang mga luha ko. Aaminin ko, sa loob loob ko gusto ko na sana nas likuran kita, hinahabol ako, sinasabing 'Ellie, please wag mo akong iwan'.
Huminto ako sa paglalakad. Pagtinngin ko sa likuran ko. Wala ka.
Tumingala ako sa kalangitan. Hinayaan kong basain ng ulan ang mukha ko. Lumabo ang paningin ko. Hanggang ngayon ayaw pa rin huminto ng mga luha ko.
Ellie, ang tanga mo talaga