. SKY'S POV.
"GUSTO mo lang yatang magpapansin kay Mae, hindi mo kaagad sinabi," ani Guiller at hinila si Lyndon papunta sa stage.
Pinaghawak nila ng gitara si Lyndon at nagsimulang tumugtog ng mabagal at tila malungkot na tono.
"Ako to si Guiller..." itinuro nya pa ang sarili nya. "At ito... Ay liham ko sayo sinta. Alam kong... masyadong mahaba kaya't hiling koy pagtyagaang pakinggan mo sana..."
"Mahal kong A..."
A? Sino sa mga A na naging girlfriend nya ang tinutukoy nya? Si Argon? Angel? Alicia? Azra?
Hay.... Ang hirap mag-isip. Siguradong nagloloko lang naman sya. Wala naman syang minahal sa mga ex nya, liban nalang sa nagsisimula na S...
"Buwan na naman ng nutrisyon... na hindi naging kasing lusog ng lumipas nating relasyon..."
Naghiyawan ang mga tao habang may mga hawak na camera ang iba upang mag-video. Minsan lang to... Ang lumabas ang pagiging makata ni Guiller, hehehe...
.
.
.
.
.GUILLER'S POV.
"Habang lahat ng mga tao ay nagdiriwang sa ganitong kasiyahan, ako naman ay malungkot dahil naaalala ko kung paano ako nasaktan." tinuro ko pa ang tapat ng dibdib ko.
"May nakita akong maraming pagkain... Na sa malalaking lamesa nila'y nakahain. May isda, karne, prutas, gulay... Ang daming pagpipilian! Pero... Hindi ba pwedeng ako lang?" Lalong nagkaingay ang lahat at nakita kong maging sina Jireh at Mae ay nasaamin din ang atensyon.
BINABASA MO ANG
Don't Fall, She's Mine √
Teen Fiction"Mae, hanggang kaibigan lang ba talaga?" --- Genre: Teen-fiction, action By:LOC-2nd Ps: I wrote this on my jejedays kaya patawarin nyo ko HAHAHAHA. But if you still wanna read this, feel free and enjoy. Wag ka sanang kilabutan tulad ko. Joke. *_^