CHAPTER 14: Nutrition Month Celebration
JIREH'S POV.
"PUPUNTAHAN ko si Lorianne Mae." Agad kong paalam sa apat na halos nakasabay ko lang sa pagdating.
"Ako na!" Sigaw ni Lyndon at nagtatakbo na.
Ha? Sya na ang... susundo kay Lorianne Mae?
Pangalawang linggo na ito mula nang magkita kami ni Lorianne Mae dito sa Hillcon. At mukhang magtutuloy tuloy na ang mga magandang araw ko. Sana nga.
Nagkibit-balikat nalang kami at sinundan si Lyndon.
Hindi kami gaanong napapansin dahil nangakasuot kami ng face mask at sumbrero.
Nagkalat na ang mga students and teachers. May mga kumakain sa ilang booths, may nagpi-picture, at sumasali sa ilang games.
Malayu-layo pa ay naririnig ko na ang malakas na boses ni Lyndon na nanggagaling sa room nila.
"Tara na! Ano pang ginagawa mo dito? Walang teachers na papasok, nagkakasiyahan na lahat. Come on! Nandon sila Ji, pupuntahan kana sana nila kaso---"
"Kaso nagtatakbo ka agad at inunahan mo kami," sabat ni Sky.
Nahihiyang ngumiti si Lyndon.
Wait, nahihiya?!
"T-Tara na!" Aya nya ulit kay Lorianne Mae. Tumango ito na sobra kong ipinagtaka. "Come on, Ji" napabaling ako sa tabi ko nang magsalita si Lyndon. Nandito na pala sila sa tabi ko nang di ko namamalayan.
Ngumiti nalang ako kay Lorianne Mae at doon sa apat saka na kami naglakad upang maglibot-libot.
Napunta kami sa gawi malapit sa cafeteria. Maraming mga estudyante ang nandoon at mukhang may palaro din dito.
"This is the game called, 'Eat Me'." rinig kong anang nag-e-emcee
Eat me? Pinag-isipan ba yon?
"Eto lang ang kailangang gawin natin, nangangailangan kami ng 10 participants from any grade or course, Senior o Junior, College or high school," binuksan kasi yung gate na naghahati sa highschool at college para sabay mag-celebrate ngayon ng Nutrition Month. "May 10 na nakatakip na trays dito sa harapan at lahat yan ay naglalaman ng pare-parehong pagkain na dapat nilang ubusin. Ang mananalo ay makakakuha ng trip to Paris package! Including free tickets good for 5, and free hotel accommodation!"
Naghiyawan ang mga tao dahil sa narinig.
"Makasali nga!" Sambit ni Sky. Napailing-iling sina Lyndon at Guiller. Alam din nila na hindi naman hinahangad ni Sky yung prize. Gusto nya lang magyabang.
BINABASA MO ANG
Don't Fall, She's Mine √
Novela Juvenil"Mae, hanggang kaibigan lang ba talaga?" --- Genre: Teen-fiction, action By:LOC-2nd Ps: I wrote this on my jejedays kaya patawarin nyo ko HAHAHAHA. But if you still wanna read this, feel free and enjoy. Wag ka sanang kilabutan tulad ko. Joke. *_^