CHAPTER 15: Change

31 3 1
                                    

     

                    LYNDON'S POV.

MARAMING bumabati saamin habang pabalik na kami. Nginingitian ko nalang sila at tinatanguan. Pero si Sky...

"Hi, Sky!"

"Hello there, sexy!"

"Gosh, Sky, you're so handsome today!"

"Babe, don't be shock, it's everyday"

"Sky! You're really gorgeous"

"I know sweetheart."

Ang landi.

"Pa-picture my dearest Sky!"

"Hmm... puno schedule ko. Maybe next time."

Tsk! Napaka kapal!

Sa totoo lang, gawain ko rin yan dati.

Wow, hahaha... Maka-dati naman ako, parang two weeks ago palang nga yata yon? Or maybe three? Four? Forevermore? Hehehe.

"Bilisan mo nga!" reklamo ko na sakanya. Buti nalang at sumunod.

Binigay ko agad kina Mae at Jireh ang sa kanila. Na kay Sky naman ang kay Guiller at Raven.

Mabuti nalang at magkalapit lang kami ni Mae ng upuan kaya may chance pa akong matitigan sya.

Hayy... kung ganto ba naman kaganda yung nakikita ko araw-araw ay palagi na akong papasok nyan.

"Ji, you like?" Tanong ni Raven kay Jireh na ang tinutukoy ay ang mga sili. Mahilig din si Jireh sa maaanghang.

Huhuhu, parang gusto ko na silang ampunin dalawa--- si Jireh at Raven. Para talaga silang ginugutom ng parents nila eh!

Tumango sya at binigyan sya ni Raven ng lima. Adik talaga.

Pero nagulat ako nang pinisa nya yung dalawang sili sa soup na kakainin ni Mae!

Magrereklamo sana ako pero si Mae ay nagpasalamat pa sa kanya!

Pinisa ni Ji yung natitirang tatlong sili sa kakainin nya ring soup.

Batid kong nagulat din sila Guiller at Sky o baka pati na rin si Raven dahil mahilig rin si Mae sa maanghang.

Pero, sandali lang yung shocked reactions nila. Hindi katulad ko na hanggang ngayon ay nakatanga pa rin habang pinagmamasdan yung tatlo na parang wala lang yung anghang sa kinakain nila.

Bat ganun?

Malapit nang maubos yung mga pagkain nila nang siniko ako ni Sky.

"And weird nila no? Di na ko magtataka kung isang araw, magkaibigan na rin si Mae at Raven," bulong ni Sky.

Inikutan ko lang sya ng mata. Mga 360 degrees siguro yon saka ko sya dinilaan ng 1/2.

Pero oo nga, hindi lang weird kundi sooobbbrrraannnggg weird talaga. Sobbbrrrraaaaaaa.

Lalo ko pa silang pinagmasdan habang tuloy-tuloy na kumakain at walang nagsasalita saamin.

You know, ayaw ni Raven ang maingay lalo na kapag kumakain kaya kami na mag-a-adjust.

Don't Fall, She's Mine √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon