CHAPTER 16: Isip-Bata

41 4 0
                                    

     

                    MAE'S POV.


PALIHIM na tumatawa sina Guiller at Sky nang bumalik si Lyndon sa upuan nya. Tinanggal namin ang paningin namin sa kanya.

"Katangahan..." Bulong ni Sky saka bumungisngis. Ganon din ang ginawa ni Guiller."Oh, sarap ng sili no? May sakit ka talaga e no?"

"Wala kang pake!"

"May pake ako dahil tao ako!"

"Bat, sinabi ko bang hayop ka?Ikaw yata may sakit eh!"

"Lol! Baka nga!"

"Talaga naman ah! Tatanggi mo pa!"

"Tumigil na kayong dalawa dyan." Sa wakas ay inawat din sila ni Guiller na natatawa pa rin.

Grabe, pawis na pawis si Lyndon. Naka sando sya at parang di lubos natanggap ng sistema ko ang sinabi ng babae kanina.

"Gosh, look at his muscles."

Kaharutan. Gayong wala akong makitang muscle sa payat n'yang katawan.

Tapos na akong kumain pati sina Sky at Raven, sina Jireh, Guiller at Lyndon nalang ang di pa natatapos.

Nakita ko ang pasimpleng sipa sana ni Lyndon kay Sky sa ilalim ng mesa pero inusog nito ang paa.

"Mahal tong sapatos ko na to no! Tsaka, paborito ko to!" Reklamo nito.

"So? Bilhan pa kita ng sampung ganyan eh!" Ganti ni Lyndon.

Seryoso, di ba talaga sila matatapos sa pag-aasaran at pagkukulitan nila?

"Mayabang ka talaga!"

"Mana lang sayo, Sky!"

"Di ako mayabang no!"

"Edi hindi rin ako mayabang, matapat lang."

"Ulol ka pala---"

"Stop."- Ji

Tumigil na ulit sila pero nagpapalitan sila ng masasamang tingin sa isa't-isa.

Parang kulang nalang at may lumabas na kuryente sa mga mata nila.

"Nyenye nyenyenye!"- nagsimula na naman si Sky.

"IH! Nakakabwisit ka talaga!"

"Stop! Masyado kayong mga isip-bata," halatang pikon na sa kanila si Raven.

Nabakas ang takot sa mga mukha nila.

Naks, isang Raven Hillson pala ang katapat ng mga isip-bata na to!

Don't Fall, She's Mine √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon