CHAPTER 21: Broken

30 1 0
                                    

            GUILLER'S POV.

*PLAY music

"It's the start of a new day
But it feels as though everything's ending
Still pickin' up pieces
from the broken love you gave to me."

Tiningnan ko ang wall clock na nakasabit dito sa kwarto ko. 11 am. Kakagising ko lang. Nagmamadali pa akong tumayo paglamulat ng mata ko kanina pero nang makita ko ang oras---10:38--- alam kong hindi na 'ko aabot tutal half day lang.

Well, ayaw ko rin naman talagang pumasok, kelan ko ba ginusto?

Hmm..?

Hanggang sa mahagip ng mata ko ang kalendaryo... July 24

Nanlumo ako bigla. Humiga ulit ako at nagpatugtog, hanggang ngayon nga ay nandito pa rin ako.

"My Earth, feels, like it's stop turning
And my sun, feels, like it's stop burning..."

Sapul na sapol ako kahit na anong ipatugtog ko. Pero ito na yata ang isa sa mga pinakamasakit na kanta.

"Have you ever seen the sun,
after the heartbreak
Frozen somewhere in time...
Have you ever seen the stars
After the wor---"

Tumigil saglit ang kanta. Ito ang pang walong text ni Jireh na nabasa ko ngayong araw.

*1: Guiller, papasok ka ba ngayon?

*2: Pre, alam kong hanggang ngayon nasasaktan ka pa rin, pero sana ay hindi ka gumawa ng anumang ikakapahamak mo

*3: Hindi ka pumasok. Ingat ka pre, yung bilin ko.

*4: okay ka lang ba dyan? Kanina pa ako nag-aalala sainyo ni Lyndon. Mabuti nalang at pumasok sya ngayon.

*5: Sana naman ay okay ka ngayon. Reply-an moko kapag na-receive mo na tong message ko.

*6: Guiller? Nasan ka ba ngayon? Nag-aalala na ako pre.

*7: Just don't think too much. Don't stress your self. I'm hoping you're okay right now.

*8: Yung bilin ko ha? Sana okay na bukas. Take care. See you tomorrow.

Hindi ko alam kung anong magiging reaction. Hindi sya mahilig mag-text pero tuwing may mga problema ako ay palagi syang ganyan.

Pati sa iba kong mga kaibigan ay may mga texts din galing sa kanila. May 20 missed calls pa nga galing kay Skyler.

Binasa ko ang texts nya.

*1: Good morning Philippineeeeesssss!

Don't Fall, She's Mine √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon