CHAPTER 24.5 : Manhid (PART 2)

25 1 1
                                    


                  MIKA'S POV.

"NAH. Ayoko nang makipagbalikan pa sakanya. Tsaka, aanhin ko naman si past kung nasa harap ko na si present na makakasama ko hanggang future?"

"W-what do you m-mean?"

Imbes na sagutin ay tumayo sya at lumapit. Hinila nga ang kamay ko para mapatayo ako. Yumuko pa sya ng konti hanggang sa magpantay ang mukha namin.

Wait, emeged, hihimatayin ako. Whoahh! Oxygen please! I need oxygen!

"Manhid ka talaga no?"dagdag nga pa. Nanlaki ang mga mata ko.

Jusme! This is it na ba?

"Ano ba talagang---"

"Hindi ko yan sasagutin. But I'll show you."

Pagkatapos non ay nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang labi nya sa labi ko.

Panaginip na ba ito? Wag nyo kong gisingin, please lang !

Waaahhh! Ang lambot ng labi nya! Bat ganun?

Kyaaahhh!!! I can't take this anymore.

"Nakuha mo na ba ang ibig kong sabihin?"

Wait, ano nga palang pangalan ko?

"Tsk! Mukhang nanakawan ka sa itsura mo. Pfft," nagpigil sya ng tawa. " sige na nga, ibabalik ko na," tapos hinalikan nya ulit ako.

Hindi na talaga ako makahinga, Shemay!

Feeling ko anumang oras ay hihimatayin na ako! Footspa naman! What to do? What to do?

"Mukhang manhid ka nga talaga. Pero kahit mukhang nagets mo na ngayon, sasabihin ko pa rin." Huminga sya ng malalim saka tinitigan ako ng matiim "Mahal kita, Mikaela Joey Jimenez," banggit nya sa buo kong pangalan.

Umamin na sya! Nakaka-inlove laloooo!!!

Shemay! Naiiyak ako! Naramdaman ko nalang na tumulo na yung luha ko.

"M-Mahal din kita Kurt... I love you too."

Pumikit ako ng pagdikitin nya ang mga noo namin.

"MIKAAA!!! HUY!" Sigaw ni Kurt na tila nawi-weird-an sakin. Winagayway nya pa ang kamay nya sa harapan ko. "Anyare? Bat ka umiiyak?"

Kumurap-kurap ako.

Nakaupo pa rin ako sa sofa at magkaharap pa rin kami.

So, ibig sabihin... Hindi totoo ang lahat? Walang past, present at future? Walang tayò-tayô? Walang higit? Walang lapit? Walang kiss? Walang 'I love you'?

Don't Fall, She's Mine √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon