LYNDON'S POV."GOOOODDDD morning Philippines, good morning World!" Pagkagising at naghubad ako ng damit at nag push-up sa gilid ng kama ko.
"34... 35... 36... konti nalang." Malapit na akong bumagsak pero pinipigilan ko. Kailangan kong maka-fifty! "37... 38... kaya pa---39... 4--0," napadapa na ako ng tuluyan.
Di bale na, next time ko nalang susubukang maka-fifty. And hirap kaya no! Isang kamay lang gamit ko e.
Lunes na naman! Na-cancel yung pasok nung nakaraan tas dumaan pa yung Sabado at Linggo. Miss ko na talaga si Mae, na-miss nya rin kaya ako? Buti nalang may pasok na ngayon.
"MAAEEE!" di ko na pinansin pa yung pagbubulungan ng mga kaklase ko. "Tabi!" sabi ko sa lalaking nakaupo sa desk ko. Mang-aagaw!
Nagmamadali syang umalis at kahit di nya makita, dinilaan ko sya.
"Good morning, yowzxs!"
"Morning."
"Anong morning, Mae? Anong morning? Di mo man lang ba ako babatiin?"
"Happy Birthday," aba at natututo nang mang-asar?
Hindi sya tumitingin saakin kahit habang nag-uusap kami. Anyare dito? Tuturuan ko nga sya minsan ng good father and right tacktack.
"Hindi ko birthday no!" Napanguso ako. Pilosopo na sya. Binaha ba to nung bumagyo?
"Alam ko. Biro lang."
"B-biro?" Nanlaki ang ko. Bigla akong tumawa. Pinilit ko. Yung super tawa talaga. "HAHAHA! J-joke pala! Kaya pala na---hahaha... kaya pala n-nakakatawa!"
"Ogag."
"Aba't--- sandali nga, so super friends na talaga tayo ngayon?" Bigla syang lumingon at napansin ko ang medyo mapupula nyang mata at meron din syang eyebags."B-Bakit---"
Iniwas nya sakin yung tingin nya.
"Andyan na si Ma'am," lalo akong sumimangot.
ANG ganda-ganda pa naman ng panaginip ko kaya good mood ako. Akala ko naman whole day na. Kaso, di ko naaya si Mae sa Music Room. Kahit nga si Ji yung nagyaya, di pa rin sumama. May importante daw syang gagawin. Absent naman si Raven ngayon dahil sa di ko pa malamang kadahilanan. Pero sabi naman ni Tito Jeonald, nasa bahay lang daw yung anak nya kaya di na namin kailangan pang mag-alala sakanya.
Nagse-cellphone silang lahat. Nakangiti pa nga si Guiller at Jireh. Yung totoo, anong nangyayari?
"Ano ba yang ginagawa mo?" Tamad na tamad kong tanong kay Skyler.
"Nagwa-Wattpad. Hay, ang sakit sa puso!" nakita ko sya na parang maluha-luha pa. Tuleg talaga.
"Anong binabasa mo?"
"Taste of Sky by ventreCanard"
BINABASA MO ANG
Don't Fall, She's Mine √
Novela Juvenil"Mae, hanggang kaibigan lang ba talaga?" --- Genre: Teen-fiction, action By:LOC-2nd Ps: I wrote this on my jejedays kaya patawarin nyo ko HAHAHAHA. But if you still wanna read this, feel free and enjoy. Wag ka sanang kilabutan tulad ko. Joke. *_^