Chapter 16

3.1K 165 5
                                    

Akala ko umalis na si Kleo, pero nagulat ako ng makita siya sa dining. Bakit nandito pa siya? Kaysa mag sayang ng oras, doon nalang sana siya kay Yelena. Baka dapuan yun ng langaw at baka mahimatay.

Maraming niluto si Mama dahil sa pagkapasa naming dalawa ni Kuya. Tuwang tuwa pa nga sila ni Papa dahil sa pagkapasa ko. Naupo ako sa tabi ni Mama. Habang kumakain, hindi ko sinulyapan si Kleo. Galit nga kasi ako! Masaya naman sana ako eh, kung nakipag date siya!

Tutulong sana ako sa pag ligpit ng pinagkainan pero hindi ko na ginawa ng makitang nakaupo pa siya sa upuan at mukhang walang balak na umalis.

"Ma, akyat na ako."

"Sige, mag pahinga kana."

Tumango ako at nag lakad na palabas ng dinning. Paakyat palang ako ng biglang may isang kamay ang humawak sa braso ko at pinigilan ako sa pag akyat.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako." Tinabig ko ang kamay niya pero muli niya iyong ibinalik sa braso ko.

"Kleo—"

"Let's talk." He said seriously.

Tinaasan ko siya ng kilay bago umiling.

"Bakit hindi si Yelena ang kausapin mo, tutal call mate naman kayo." I said angrily. Buong lakas ko ding tinabig ang kamay niya.

"Keisha—"

"Don't talk to me!"

"Let's talk or else.." Matagal ko siyang tinitigan bago inirapan. Or else mo mukha mo, gago!

"Or I'll kiss you senseless."

My eyes widened in shock. He come closer to me and whisper. "Choose." Nag tayuan ang mga balahibo ko ng maramdaman ang kanyang pag hinga sa tenga ko.

"Baby.." He whispered again. Napapikit ako ng maramdaman ang pag bilis ng tibok ng puso ko.

"Choose. Let's talk or I'll kiss you sense—" I cut him off. Tinulak ko din siya at mabilis na humakbang paakyat.

"Bastos!" Sigaw ko at nag patuloy sa pag akyat. I heard him laughed. Gustuhin ko mang lingunin ang kaso natatakot akong makitang nakatingin siya saakin.

Dahil sa nangyari, hindi agad ako nakatulog. Kinabukasan, maaga akong nagising. Nag prepared nalang ako at ng matapos, umalis na ako ng kwarto.

"Oh, maaga ka."

"Gusto ko pong maaga ng pumasok, Ma."

"Bakit may pupuntahan kaba?" Iling naman ang sinagot ko. Hinayaan na din ako ni Mama na mag breakfast. Saktong pag tapos ko ay ang pag pasok nila Papa at Kuya. Nag paalam na muna ako sakanila bago kinuha ang mga gamit ko at umalis.

Pag labas ko ng bahay ay tumama agad ang tingin ko sa lalaking nakatayong nakasandal sa pinto ng kotse. Ibinaba niya ang shades niya ng makita ako.

"Get in." Sabi niya at binuksan ang pinto ng front seat.

I shook my head. "Mag tataxi ako." Sabi ko at pumara ng taxi. Pasakay palang ako ng mapatili ako ng bigla nalang akong binuhat ni Kleo at pwersahang ipinasok sa front seat ng kotse niya.

"Ano ba, Kleo!" Nang maikabit niya ang seatbelt ko ay agad niyang sinara at nilock ang pinto ng front seat. Akala ko iikot siya para sumakay sa driver seat pero nag kamali ako. Nilapitan niya ang taxi na hindi pa din umaalis. Nanlaki ang mata ko ng makitang binayaran niya ang taxi bago ito pinaalis.

Dahil nga hindi ko siya pinapansin, hindi na ako nag komento pa sa nakita ko ng makasakay siyang driver seat.

Kleo sighed heavily and glanced at me. "I'm sorry." He said sincerely. I remained silent.

"Let's have a date later."

Nag didiwang na ang puso ko ngayon dahil sa sinabi niya. Pero nanatili ang tingin ko sa daanan.

"Keisha.."

"Hey."

Nanlaki ang mata ko ng makita ang kamay niyang unti unti nilalapitan ang kamay kong nakapatong sa aking hita. Bago pa niya mahawakan, itinago ko na ang kamay ko.

I glared at him. He chuckled. "Chansing ka ah!"

"Hindi ko pa nga nahahawakan, chansing na?" Hindi ako sumagot at sinamaan lang siya ng tingin.

"So, let's date later."

"Mag isa mo!" Naiiritang sabi ko bago bumaba at padabog na isinara ang pinto ng kotse niya. Mabuti nalang at nandito na kami sa University.

Kung good mood ang mga kaklase ko, bad mood naman ako. Idagdag mo pa ang mga chismis na naririnig ko kanina.

Tulad nalang ng kung hindi mag on si Yelena at Kleo bakit concern sakanya si Kleo kahapon at dinala pa siya sa clinic. Samantalang ako, iniwan niya.

Maraming nag sasabi na si Yelena lang ang may gusto kay Kleo kaya ipinag kalat nitong in a relationship sila, lalo na maraming nakakitang mag kasama sila nang isang gabi. Naalala ko yun, ibinanggit ni Ryan yun ng paakyat sila ng hagdan at umamin si Kleo na mag kasama sila.

Yung totoo? Anong meron sakanila? Wala na ba talaga—

"Keisha." Napatingin ako kay Jack. Itinuro niya ang labas. "Andyan si Kleo."

"Uyy!" Inirapan ko lang sila. Lakas mang asar dahil walang love life.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Let's go." He said at me. Tumaas ang kilay ko at nag pameywang sa harapan niya.

"At bakit? Sagutin mo muna ako. Anong meron sainyo ni Yelena, huh? Kung hindi kayo bakit mag kasama kayo—ano yan, huh?" Nagulat ako ng mag labas siya ng packing tape at may kasama pang gunting.

"Hoy! Anong gaga—hmp hmp." Shit! Tinape niya ang bibig ko bago ngumisi. Tatanggalin ko sana pero sinamaan niya ako ng tingin.

"Shut up. Let's go." Wala akong nagawa kundi ang mag pahila sakanya. Narinig ko pa ang tawa ng mga hangal. Aba. Mukhang tuwang tuwa sila. Narinig ko pa ang sinabi ni Andy. "Salita kasi ng salita." He said and laughed out loud.

Lahat ng mga taong napapatingin saamin ay nag tataka, lalo na dito sa tape na nakatapal sa bibig ko.

"Anong nangyari kay, Keisha?"

"Bakit nakatape yung bibig niya."

Deretso lang ang lakad ni Kleo patungong parking lot. Hindi niya pinapansin ang mga bulungan kaya ganon din ang ginawa ko.

Akala ko tatanggalin na niya yung tape pagkasakay namin ng kotse pero hindi. Kundi inabutan niya ako ng bond paper at marker.

"Where do you want to go?" He asked. Napakunot ang noo ko at napatingin sa inabot niya. Dito sa bond paper ako sasagot? What the hell?

"Use that." He said.

Tss. Fine.

Pinanood niya ako habang nag susulat. Todo tayo pa ako sa bond paper para hindi niya makita. Nang matapos ako ay ipinakita ko na sakanya.

"Fast-food?" He asked. I nodded. Nag sulat ulit ako.

'Sa park'

Matagal niya pa akong tinitigan bago tumango at pinaandar na ang kotse. Habang nasa byahe, nasa daan lang ang tingin niya. Napangisi ako ng may maisip na kalokohan. Kung akala niya tatahimik na ako dahil nakatape ang bibig ko, nag kakamali ka mahal ko.

Nang maisulat ko na ang gusto kong sabihin, kinalabit ko siya.

'Baby, I love you.'

Muntikan na akong masubsob dahil bigla siyang napapreno. Hindi ako makasigaw dahil sa tape na nasa bibig ko. Ang tanging nagawa ko ay samaan siya ng tingin. Dali dali akong nag sulat at galit na pinabasa sakanya.

'Papatayin mo ba ako?!'

He shook his head. "No. You shocked me." He said.

'Ginulat kita? Saan?'

"You said, I love—damn. Never mind."

Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon