Astraea POV
It's already saturday in the morning, at nasanay na akong gumigising ng maaga.
Bago ako lumabas ng kwarto ay naghilamos at sipilyo muna ako. Alasais palang at tulog na tulog parin so kaiden dala na rin ng pagod sa mahaba habang byahe kahapon.
Bumaba ako at nagtungo sa kusina upang ipagluto si kaiden ng agahan.
Habang nagluluto ako ng almusal ay biglang sumagi sa isip ko si ate.
Si kuya darren at ate daisy... Sila parin kaya hangggang ngayon?
Ng matapos akong magluto ay bumalik ako sa kwarto upang gisingin si kaiden.
"KAIDEN!!!" Sigaw ko dahilan ng bigla niyang pag gising. Sumimangot lang siya at nagtakip ng tenga gamit ang unan.
"Gumising kana bago pa lumamig ang pagkaing niluto ko para sayo KAMAHALAN" Sabi ko.
"Bakit ba kailangan mong magingay sa tuwing gigisingin moko?" Reklamo niya.
"Okay lang sana kung may kasamang lambing e" sabi niya.
"Ewan ko sayo kaiden! Bumangon kana diyan!" Sabi ko.
Sumunod naman siya saakin pababa at sabay kaming kumain ng agahan.
"May pupuntahan kaba ngayon?" Tanong niya.
"Wala, magpapahinga lang ako" sabi ko.
Tumango tango nanan siya bago muling sumagot "i-text mo ako kapag may pupuntahan ka" sabi niya na tinanguan ko lang.
Pagtapos naming kumain ay inayos ko muna ang mga pinagkainan namin at hinatid na niya ako pauwi.
"Tandaan mo yung sinabi ko ah, wag kang aalis ng hindi ako kasama" sabi niya.
"Oo! Eto naman para namang may mangyayareng masama sakin" sabi ko.
"Mas mabuti na yung magingat" aniya.
"Hindi mo naman ako pababayaan" sabi ko sakanya.
"Hindi rin kita pakakawalan" dugtong pa niya.
Nakakailan na talaga ang lalaking to sakin.
Inihinto niya ang kotse sa tapat ng gate namin at pinagbuksan ako ng pinto.
"Salamat, magiingat ka pabalik" sabi ko sakanya.
Tumango tango naman siya sakin at muling nag salita "pupuntahan kita mamaya" sabi niya.
"Hindi kaba nagsasawa na palagi tayong magkasama?" Tanong ko sakanya.
"Kung mahal mo ang isang tao, hindi ka talaga magsasawang makasama siya araw araw. Minsan kulang pa ang isang araw dahil nabibitin ako gusto na nga kitang iuwi at doon ka nalang tumira samin kasama ako" seryosong sabi niya.
Dahil sa sinabi niya muli nanamang bumilis ang tibok ng puso ko. Alam kong hindi ko lang gusto si kaiden dahil sa nararamdaman ko palang alam ko ng Mahal ko na siya.
Napangiti ako sakanya habang siya ay seryosong nakatitig sakin.
Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga para pakalmahin ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
I HATE YOU BUT I LOVE YOU
Fiksi RemajaAng sabi nila the more you hate, the more you love... Posible bang mainlove ka sa taong kinaiinisan mo? Date Started: 4/4/19 Date Finished: 7/23/19 Cover By: Aoi Mendoza