This and only this

49 2 10
                                    

"Ba't ka absent kahapon?" tanong ni A kay J

"Lagnat." tipid na sagot naman ni J.

"Ah."  

*Deng deng deng denendeng deng deng denendeng deng dengdeng deng

Nang nagbell na ay nagsitayuan na ang mga estudyante at pumunta sa kani kanilang mga kaibigan. Pagkapunta ni A sa kanyag matalik na kaibgan na si Kai ay napakalaki ng ngiti nito. 

"Alam mo kaii! Nag usap kami! Syete otso nuebe! gsto kong magharlem."

2nd year pa kasi crush ni A si J. close na close sila. Minsan nga napagkakamalan mong mag noby at magnobya sila noong 2nd year eh. Parati rin silang magksama. Pero nung 3rd year ay hindi na sila magkaklase at dahil doon medyo lumabo ang kanilang communication.  Pero nung nag usap sila through text. May plano na talagang mag confess si A.

Through text nung 3rd year pa sila

A: Hi J!

J: Uy. Musta?

A: Ok lng. Eh ikaw? 

J: Ayos lang dn :)  

A: J may tanong ako.

J: Go.

A: Sino crush mo?

J: Bakit? 

A: Sino nga?

J: Bakit nga? 

A: A has no response.

J: Sge. Hwag mo sabihin kahit kanino ah? Si Chacha. Ang ganda ganda kasi at ang bait bait pa.

Natigilan si A sa kayang nabasa. Bakit may naramdaman siyang masakit sa bandag puso nia? Yung parang pinipiga?

A: Wow! Si Chacha! Yiee! Talagang mabait at maganda yun, bestfriend ko eh haha jk

J: Haha eh ikaw? Sino crush mo?

 

Kung ibang pagkakataon lang to. Kung hindi niya pa alam na may guto itong katext niya sa matalik niyang kaibigan edi sana kinilig nato sa text ng lalaki nato ngayon. Ngunit hindi eh. Nasabi na ni J kay A ang dapat niyang sabihin kaya ngumiti na lang siya ng mapait at nag type sa kanyang cellphone na hindi naman tatsrin gaya ng mga kabataan ngayon.

A: Hahahaha wala na akong pag asa dun.

J: Ha? Eh baka di mo pa sinusubukan?

A: Alam ko namang kahit subukan ko sa huli hulihan naman ako ay matatalo.

J: Eh sino ba kasi crush mo?

A: Si Luhan.

Wakas ng pagbabalik tanaw

Noon pa man ay mahal na mahal na ni A si J nung 3rd year pa. Talagang matalik sila na magkaibigan. Pagdating naman ngayong 4rth year ay naging magkaklase sila at dahil doon unti unting bumabalik ang pagtingin niya kay J. Hindi naman talaga nawala ang pagtingin niya kay J nung 3rd year, talagang nawili lang siya sa kanyang paligid at pansamantalang nakalimutan ang pag ibig niya pero kahit ganoon ay miss namiss niya naman ito.

Nang matapos ang recess ay nagsibalikan na ang mga studyante sa kani kanilang mga upuan. Pero si J ayun sa pintuan ng silid at kausap ang isang napakagandang babae na kaklase niya noon. Si Kara. Tahimik na lang na tinatanaw ni A silang dalawa, habang nagtatawanan ang mga iyon sa pintuan. Bgla na lang naisip ni A.

'Ganito ba talaga ang epekto mo sa akin?'

Kinabukasan

Lumipat nanaman ng upuan si J malapit kay A dahil si A ay malapit sa pisara at gustong gusto ni J ang malapit sa pisara gusto rin niya ang pwesto doon.

"Idol mo ang EXO diba?"  tanong ni J

"Oo." nakangiting sagot naman ni A

"Bakit niyo naman sila idol?" 

agad na sumagot si ng "Dahil talented sila dagdag mo pa ang gwapo rin." humihiling si A na sana magselos man lang si J pero parang wala lang naman ito sakanya. Nang dumating na ang kanilang guro ay nagsulat lamang sila sa kanilang kwaderno.

*Deng....

Hudyat non ay uwian na. Napag isip isip kanina ni A na sabihin na kay J ang kanyang nararamdaman. Gusto niya kasing mag move on, at ang unang hakbang niya sa pag momove on eh dapat ilabas niya ang nararamdaman niya. Huminga siya ng malalim.

"J.." lumingon si j ng nakataas ang dalawang kilay

"Crush kita nong 2nd year.. Ayun! Nasabi ko na Im free! Uyy wag kang mag alala ha? At lalong wag na wag kang maiilang sa akin. Friends parin tayo ha? Okay lag kahit di na gaya nung 2nd yr pa tayo. "

Agad na tumalikod si A at handa ng pumunta sa matalik niyang kaibigan na sina Mi at Kai. Ang mahalaga lang sa kanya ay nasabi na niya ang higit dalawang taong tinago niya sa puso niya. 

"Noon lang? Crush lang? Di pwedeng lumevel up sa love? Huy!" 

Dahan dahang napalingon si A habang nakabuka ang bibig at nanlalaki ang mga mata. END

True story nga pala po ito well except dun sa part na nag confess nang love si A. Dahil sa totoong buhay hanggang ngayon kinikimkim at dala dala parin niya ang pagmamahal para kay J. 

Lilayle

Crush A and JTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon