Nasa hintayan ako ng jeep papunta ng La Salle. Papasok na ako. Kaso, nahihilo ako. 'Di ako makahinga.
"Miss, okay ka lang?"
"Hindi po."
"Halata nga. Ang putla mo e."
Nakatungo ako pero nakita niyang maputla ako? Matignan nga kung sino 'to.
*Q*
Ang gwapo shit. Pero, wala akong oras sa ganyan. Nahihilo ako.
"May tubig ka ba, Miss?"
"Wala din po e."
"Bibili lang ako ah? Para maginhawaan ka."
"Sige po."
At umalis na siya. Wala, kinapalan ko na ang mukha ko. I really need help.
Pagbalik niya, pinainom niya na ako ng tubig.
"Feeling better?"
Pfft! Nag-english pa. Sa isip-isip ko. Tumango nalang ako.
"I am Clifford, and you are?"
"Anne."
"Hmm, saan ka nga pala pupunta, Anne?" Tinignan niya 'yung I.D. ko.
"Ay, saan school mo?"
"La Salle po."
"Wag ka na kaya pumasok?"
"Naku, di po pwede e. Tsaka mawawala na rin naman po itong hilo ko maya-maya lang."
"Hmm, para makasigurado, ihahatid na kita."
-------
Papunta na kami ngayon sa LRT. Grabe, hiyang-hiya na talaga ako.
Nandito na kami at pasakay na.
"Excuse me po, pwede po bang mauna na kami? Nahihilo po kasi 'yung kasama ko."
Grabe. Ang bait bait niya. 'Di ko maiwasang hindi mapahanga sa kanya.
Wala ng upuan ng makapasok kami. Haaay. 'Di ko kayang tumayo. Nahihilo ako.
Lumapit kami sa isang lalaki.
"Kuya, pwede po bang paupuin natin siya? Nahihilo po siya e. Kahit wag na ako. Siya na lang."
Aww. So sweet.
-------
Nandito na kami sa clinic ng La Salle. Dito ko na rin nalaman kung saan siya nagaaral. Sa Adamson University.
"Mauna na ako Anne. May klase na rin kasi ako e."
"Naku, salamat po talaga. Super thank you po."
"Wala yun. Nga pala, ano number mo? Para makamusta kita."
Nanginginig pa ako nung kinuha ko 'yung cellphone niya. After that, na-save ko na ang number ko at ibinalik sa kanya ito.
Hinawakan niya ang ulo ko na parang bata.
"Ingat ka Anne, ah? Una na ako."
"Opo. Salamat talaga, Clifford."
"Sige."
'Di pa siya nakakalayo sa clinic ay nagtext na siya sa akin.
From: Clifford
Ingat ka :)
-------
Nandito ako sa sakayan ng jeep papunta ng La Salle. Papasok na ako. 7 months na ang nakakaraan simula nung ma-meet ko si Clifford. 'Di ko siya makalimutan nung time na 'yun. 'Yung sa clinic, iyon lang ang una't huling text niya sa akin. Tinetext ko siya pero walang reply. Tinatawagan ko din pero walang sumasagot. Miss ko na siya. Ewan, pero nung araw na 'yun, he stole my heart. Oo, nainlove ako sa kanya. Gara, noh? Isang araw lang 'yun pero inlove agad. 'Di niyo ako masisisi. Ang bait niya, sobra. Good-looking pa. Sino bang 'di maiinlove sa kanya?
Nakaramdam na naman ako ng hilo. Shit, parang ganito rin yung nangyari dati.
"Miss, okay ka lang?"
"Hindi po."
"Halata nga e. Ang putla mo."
Nakatungo ako pero nakita niyang maputla ako? Matignan nga kung sino 'to.
O_______O
Si Clifford.
*****
First one shot story. Dedicated to ate Venice. 'Yung first part nito ay true story niya. Pero binago ko 'yung baba. Hahahaha.
Thanks for reading, guys! :)
BINABASA MO ANG
Hilo (One-Shot Story)
Teen FictionNahihilo ka? Baka 'yan na ang way to find your soulmate. What do you think? ;)