naniniwala ka ba sa fate?
nakita mo na ba soulmate mo?
totoo ba yung first love never dies?
ako kasi ayoko sana maniwala kasi parang imposible..
sabi naman ng iba totoo daw yun..
yung iba nga ang nagkakatuluyan yung mga magchildhood sweethearts eh..
pero sa panahon ngayon bihira na lang ang ganun..
lalo na kung matagal ng hindi nagkikita..
posible bang mangyari sa akin yun?
ikaw natatandaan mo pa ba yung childhood sweetheart mo?
..............................................................................................................................................................................
grade four pa lang kami nung magkakilala kami..doon kasi nagcombine yung morning section and afternoon..
dati kasi morning section ako at sya naman ay afternoon section..naging magkatabi sa upuan at nagkakilala..
hindi pa man kami ganun kaclose lagi na nya ako binubully..
sinisira nya mga gamit ko..tinatapunan nya lage ng basura yung bag ko at ang hindi ko makakalimutan ay noong itinapon nya yung mga bago kong color pens sa bowl at flinash..
napakabaet diba..lage akong nagsusubong at umiiyak noon sa teacher namin..
minsan nga after nya ko awayin uunahan na nya ako magsabi ng "ma'am si jayron oh inaaway nanaman ako!"..sanay na kasi sya sa araw-araw na pangaaway nya sa akin..kahit ako minsan namamanhid na sa pangbubully nya eh..
pero dahil sa pangbubully nya naging frenemies kami..yung tipong hindi plastic ah..nagaaway padin kami at the same time friends kami..no choice eh..isang buong taon kami magkatabi at magkagroup..at one time nalaman ko na nung grade three lang pala sya lumipat sa school namin at nanggaling sya sa school kung saan nagaaral yung ate ko at yung bestfriend ko..small world diba..
pero may isang bagay lang akong napansin sakanya..sa kabilang side ko kasi ang katabi ko naman ay yung bestfriend kong lihim ko na crush?hehe..ang pangit naman kasi kung lihim na minamahal ang bata bata pa..hehe..ayun..napaka galing nyang magdrawing..sobrang sweet at baet..sa kabaitan ay madaming babaeng nahuhumaling sakanya..at sa batang edad ay chicboy na sya..oh diba..at isa na ko sa mga babaeng nagkakagusto sakanya..at isang beses ay nahuli kong nakatingin ng masama sa amin si jayron..hmm..alam nyo ba naiisip ko?hehe
magbestfriend din si richard at jayron..kaya ayun..ayun na nga..tuloy padin ang pangbubully ni jayron sa akin..
"ma'am si jayron oh pangasar!inayos ko na yung upuan ginugulo nanaman!;("nakakainis na ah..gusto ko ng umuwi eh..tatlo na lang kaming nasa room..bat ba kasi ayaw pa umuwi neto..kaasar!
"hala ma'am hindi po kaya..inaayos ko nga po eh.."depensa ni jayron na halata namang ng aasar
"hay nako shiela may crush lang sayo yan kaya yan ganyan..:)"
hala naman to si ma'am..nangintriga pa..pero bakit hindi ata tumanggi tong si jayron..hmm
at ayun na nga natapos din ang school year na puno ng pangbubully ni jayron..
grade 5 na kami..hindi ko alam bakit naiilang ako kay jayron..bakit ayaw ko syang pansinin..ang weird..kahit sya nagtataka bakit hindi ko sya pinapansin..ang dahilan ko na lang sa mga kaibigan namin galit ako sa pangbubully nya..
"ok class so go now to your respective groups.."
hay..kagroup ko si richard yes!hehe..kaso kagroup ko din si jayron..manahimik na nga lang..