Chapter 5: Dirty little freak
Pumila kami sa registrar office at nagfill up para sa enrolment. Tumagal din ng 30mins ang proseso. Masaya naman ang mokong at nalaman nyang magclassmates kami.
Ugh! This is going to be a long school year!!
Naisipan namin dumaan sa cafeteria para bumili ng makakain.
"Anong oorderin nyo?" tanong ni Joy na lagi namang bumibili ng pagkain namin
"Spag and burger na lang sakin." - Erika
"Same here." sabi ko at tumingin naman ako kay Gab na katabi ko at nakatingin lang din sakin.
"Ganun na lang din." sagot nya sa tingin ko at saka ibinaling ang tingin sa mga grupo ng kababaihan na panay ang titig sakanya.
Nginitian nya ang mga ito dahilan para magsigawan ang mga hurindat ng kababaihang ito sa kakiligan.
Ang lalande naman ah-ah!!!
"Oh, selos ka naman kaagad?" napabawi ako ng tingin sakanya nang malaman kong masama pala ang tingin na binibigay ko sa mga hurindat na babae.
Nakita kong napangisi si Erika sa tapat namin na nagbabasa ng libro.
"Ang hangin mo talaga e 'no? I feel sorry for them lang kasi di nila alam kung ganu kahangin ng tinitilian nila."
"Asus. Di mo lang aminin na inggit ka sakanila kasi binigyan ko sila ng pamatay kong ngiti."
Ayan na naman po ang hangin. Buwisit! Madadala na ako sa lakas!!!
Tumawa si Erika na sya namang ikinakunot ng noo ko.
"Ang lakas lang din ng bilib mo sa sarili mo 'no? Excuse me, Mr. Mahangin! Hindi kita type. At isaksak mo yan sa kokote mo!" sinigawan ko sya para marinig nya.
Inilayo nya ng bahagya ang tenga nya saka sumimangot.
"Watch this." nagsmirk sya saka umalis sa mesa namin at naglakad patungo sa dereksyon ng mga kababaihang kulang na lang matunaw na si Gab sa titig na binibigay.
"Psh! He's unbelievable!" sabi ko habang pinapanuod syang papalapit sa mga babaeng hurindat.
"But handsome." sinamaan ko lang ng tingin si Erika at ibinalik ang tingin sa dereksyon ni Gab.
Ano kayang gagawin ng mokong na 'to?
Umupo sya sa mesa ng mga kababaihan saka nagsalita. Di ko alam ang sinsabi nya pero bigla na lang nagtawanan ang mga babaeng halos kita na ang kaluluwa sa mga suot.
Bored na kong panuodin sila nang biglang hawakan ni Gab ang pisngi ng babaeng nasa tapat nya dahilan para magblush ang babae. Saka naman isinampay ng isa pang babae na may kutis labanos ang kanyang braso sa balikat ni Gab. Aba ang mokong talagang nage-enjoy sa nangyayare.
"Woah! Is that Gab?" tanong ni Joy na kakababa lang ng tray sa mesa saka umupo sa tabi ni Erika.
"Yes. Ipinapakita nya kay Casey kung ganu sya kalakas sa mga babaeng haliparot na yun. At base sa analization ko, talaga ngang lapitin sya ng mga babae." sagot ni Erika.
They're doing their conversation pero nakapukol parin ang tingin ko sa direksyon ni Gab na kasalukuyang nakikipaglandian. Nang sulyapan nya ako. Ipinakita ko ang 'Bored' look ko.
Nagulat ako ng inilapit nya ang pisngi nya sa babaeng nasa tapat nya na parang hinahalikan ang leeg nito.
Wait? Did he just kissing her neck?
BINABASA MO ANG
I Love my Rebound
Teen FictionGaano nga ba kahirap mag move on mula sa taong sobra mong minahal? Gaano kahirap makalimutan ang taong halos araw-araw mo namang makikita dahil wala kang choice? Gaano ba katagal ang kailangan? Okay. Let's rephrase the question. Paano nga ba mag mov...