The Perfect Guy

35 2 0
                                    

The Perfect Guy

© 2014

The Perfect Guy...

---

Siya si Perpekto, ang lalaking halos perpekto na, pero hindi talaga perpekto ang pangalan niya. His name is Erick Rio, isang lalaking ayon sa nasabi ko kanina ay halos perpekto na yata, gwapo siya, yung tipong--- magaganda ang mata at tipong nangungusap, ilong na matangos, labi na mapula-pula at sa aking palagay ay napakalambot, mga pilik na mahahaba, makisig, may kaputian, maganda ang hubog ng katawan, tama lang ang height na tipong hindi mas maliit sa isang babae at di rin naman napakalaki para sayo, at sa sinabi kong babae, ako ang tinutukoy ko do'n, siya yung tipong 'the Perfect Guy Next Door', ganun ba? At hindi lang Boy next door, napakabait niya, hindi man siya ganun katalino, nagsisikap siya ayon sa kaibigan ko na kaklase niya, kaya nga nung graduation namin, nakahabol siya at napasok sa top 10.

Siya yung tipong mabait ngunit nakikisabay din sa mga biruan pero hindi siya mabarkada, hindi siya nagninigarilyo, hindi nag-iinom at walang masamang bisyo, o diba, Perpekto? Kaya naman baliw na baliw ang mga babae sa kanya dito sa unibersidad namin.

Pero ewan ko ba kung ano ang meron sa'kin at ako pa ang napili niya, isang babaeng nagngangalang Megan, at kung gano ang ikanaperpekto niya, ganun din ang kinaimperpekto ko, isang babaeng napalakas ng tawa, hindi man palaaral pero nagsisikap na makapasa, isang babaeng hindi naman kagandahan, isang babaeng walang tinatagong talento.

Ipinakilala kasi ako ng kaibigan kong si Patricia sa kanya, wala pa kasi akong nagiging boyfriend eh. Pero ewan ko ba, simula no'n hiningi niya ang number ko at palagi niya na akong itinetext, tapos ang laman ng text niya 'Hi! Good Morning! Kumain ka na ba? Kung hindi pa, kain ka na! :) Reply ka naman, text ako ng text eh. :(' o kaya naman, 'Hello! :D Kumusta?' o kahit anong text na hindi ko man aminin ay napapangiti rin ako.

Lagi niyang hihintayin ang paglabas ko ng room, tapos mag-ooffer na ihatid ako sa bahay, No'ng una, siyempre hindi, kahit gwapo siya, hindi pa rin ako basta-basta nagtitiwala, pero nang lumaon ay natuto akong magtiwala, um-oo ako at napadalas yata ang paghahatid niya kaya inakala ng mga magulang ko na nanliligaw siya pero siyempre hindi ko alam kung nanliligaw siya kaya ang sinagot ko sa nanay ko, "Hindi po ma! Ano po ba kayo! Kaibigan lang po yun!" pero mukhang hindi siya naniwala at napangiti na lang. Pagkatapos noon ay lagi na akong inaasar ng mama ko sa kanya.

Minsan pa nga ay pinapasok siya ni mama sa bahay upang makapagmeryenda, makapagpasalamat lamang din daw dahil ligtas akong nakakauwi sa araw-araw. Natuwa ang nanay ko sa kanya dahil sa pagkamadaldal niya at pagkaaktibo, kaya naman hapon-hapon siyang nasa amin.

Nang minsan nga nang pagkatapos pagmeryendahin at pauwin ng nanay ko si Erick, naitanong niya, "Megan anak, talaga bang kaibigan lang o ka-i-bi-gan na?"

"Ma, kaibigan ko lang po yun."

Nagdaan nga ang ilang araw at naisipan kong liwanagin si Erick tungkol sa relasyon naming dalawa, hindi naman sa pag-aassume pero bakit niya naman ako ihahatid-hatid sa bahay at kikilalanin pa ang nanay ko diba?

"Erick, nanliligaw ka ba?" diretsahang tanong ko sa kanya.

"Kung pwede, bakit hindi?"

"Eh pwede, edi nanliligaw ka nga?"

"Oo, di pa ba halata?" ang diretsa naman nitong lalaking 'to, walang paligoy-ligoy, sabagay, diretsahan ko rin namng tinanong.

"P-pero bakit ako? Wala namang espesyal sakin."

"Merong espesyal sa'yo kaya nga nagustuhan kita eh, di pa lang natin naa-identify kung ano." Bakit biglang uminit? Mukha ko ba 'yon? Pero pwede ba 'yung sinabi niya?

The Perfect GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon