Chapter 6: Anong kalokohan 'to?!!!
8:00 ng umaga ng magising ako. Sunday ngayon kaya umalis sina Fate at Mama para magsimba. Di na nila ako ginising. Siguro pansin nilang masarap ang tulog ko. Pasukan na nga pala bukas. At last year na namin bilang highschool. Sabagay, okay na yun. Sa anim na taon kong kasama sa school ang mga kaklase ko nakakasawa na din ang mga pagmumukha nila.
Isa pa, gusto ko na ding mawala sa paningin ko sina Ken at Cherry. Masyadong masakit sa tuwing nakikita ko sila, parang paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko yung nakita ko nung araw na yun. Siguro naman magkaiba na kami ng papasukang University.
Isang taon na lang Casey. Isang taon pa ang tiisin mo at mawawala na sa paningin mo sina Ken at Cherry. Pati na din ang mga alala nyo ng magaling mong ex. Napaisip ako. . .
"Isang taon? Ganun ba yun kabilis?" napabuntong hininga ako.
Bumaba ako ng salas at naabutan si Gab na nakaupo sa sofa at nanunuod ng TV. Hindi man lang nya ako nilingon. Psh! Galit nga kaya sakin ang mokong? Pero ano namang dahilan? Sya nga 'tong winalk-out-an na naman ako kahapon e.
"Kumain ka na?" tanong ko sakanya pero hindi nya ko sinagot, "Hoy, kumain ka na ba?" mas nilakasan ko ang boses ko pero hindi man lang nya ako tingnan. Aba aba. . . Ang kapal neto ah.
Lumapit ako sa kanya at dinampot ang remote. Pinatay ko ang TV at hinarap sya. Masama ang tingin nya sakin.
"Can't you see? I'm watching!" sigaw nya
"Ay! Sorry ha! Nagsasalita lang naman kasi ako pero di ka man lang sumasagot. I'm trying to be nice here at alukin ka ng breakfast pero dinededma mo lang ako." sabi ko at nagpameywang. Kumunot ang noo nya na halatang inis na.
"Akin na nga yan!" dumipa sya para hablutin ang remote sa kamay ko pero agad ko naman yung itinaas.
"Ayoko."
"Akin na!" utos nya saka tumayo at tinunguhan ako since hanggang balikat lang nya yata ako. Ugh! Maliit ba ako o talagang matangkad lang 'tong mokong na 'to. "Akin na o akin na Casey Suarez?" wow ha? Pinagkaiba non? pinanlakihan nya ako ng mata at saka ko naman itinago ang remote sa likod ko.
"B-Bakit? TV namin yan at remote naman 'to!"
"Ganyan nyo ba tratuhin ang bisita nyo?" mas lumapit pa sya sakin at pinukulan ako ng masamang tingin. Nagulat ako nang ikulong nya ako sa braso nya at yakapin ng mahigpit. Ugh! Bakit kahit bagong gising ang bango bango nya?!! What's with the fucking smell?! That fuckin trying to seduce me. Amoy nya lang yun ha. Pero ngayon pang yakap nya ko parang gusto ko na lang mahimatay.
"Hoy hoy! Anong ginagawa mo?" takot kong tanong sa kanya.
Pilit nyang inaabot ang remote sa kamay ko na nasa likod ko at palipat lipat.
"Hindi mo ibibigay sakin yan!!??" binelatan ko lang sya saka tumakbo ng mabilis papunta sa kusina. Hinabol nya ako at nasa gitna namin ngayon ang dining table namin. Para kaming nagpapatentero.
"Ano bang problema mo ha Tomato Girl?!!"
"Wag mo nga akong tawaging ganyan!!" patentero parin kami. Hiyad dun, hiyad dito. Inaanalisa kung san tatakbo ang isa. Kanan? Kaliwa?
"E ano ba talagang problema mo?!"
"Galit ka ba?" napatigil sya sa tanong ko. Tumigil na rin ako sa pakikipagpatentero at sumeryoso ang mukha. "Sabi ko kung galit ka ba sakin?"
BINABASA MO ANG
I Love my Rebound
Teen FictionGaano nga ba kahirap mag move on mula sa taong sobra mong minahal? Gaano kahirap makalimutan ang taong halos araw-araw mo namang makikita dahil wala kang choice? Gaano ba katagal ang kailangan? Okay. Let's rephrase the question. Paano nga ba mag mov...