Part Two: The Special Assignment

1K 38 0
                                    

Nasulyapan ni Armie sa tabi ng ashtray ang isang brown na folder na may pangalan niya sa gilid. Tiningnan niya si Ma'am Judith. Tumango ito sa kanya. 

Pasimple muna siyang huminga ng malalim bago nagsalita. "I am Armida Mananquil, Sir. I am a Second Class Cadet of the Philippine National Police Academy. I am nineteen years old. I got in the academy two years ago because of Senior Inspector Judith Gungab, Sir." Lumunok muna siya saglit bago nagpatuloy. "My family is in Olongapo. I only have my mother, and two younger sisters, Sayuri and Neema. We have different fathers. And we don't know them. My father is from Peru. The father of my sister, Sayuri, is from Japan. And the father of my other sister, Neema, is from Sudan, South Africa. My Kuya... Ummm. He is dead already because of... drugs... but... his father is from Russia."

"Ano'ng trabaho ng nanay mo, Cadet Mananquil?" tanong muli ni Director Bongcales sa kanya.

"Ngayon po, tumatanggap ng labada. Dati po..."Saglit na napatingin si Armie sa rubbershoes na suot bago niya ibinalik ang tingin kay Director Bongcales. "Dati pong  'akyat-barko' ang nanay ko. Itinigil lang niya nung... Nung na-realize niya na ang nangyayari, nagkakaanak lang siya ng nagkakakanak sa iba't ibang lalaki. Hindi naman daw niya kami mapaampon o mapa-abort... Kaya ayun po, sir..." Wala sa loob na napasulyap siya sa katabing si Agent Sandejas. Derecho lamang ang tingin nito at walang reaksyong mababasa mula sa mukha nito.

Muling nagsalita si Director Bongcales. "Tell us, Cadet Mananquil, bakit mo ginustong pumasok dito sa loob ng academy?"

"Si Ma'am Judith po—uhm, si Senior Inspector Judith Gungab, Sir, ang nag-recruit sa 'kin for the academy nung ma-rescue nila ako sa isa sa mga bar sa Olongapo. May tatlong linggo rin akong nakapagtrabaho na... Ahm, Guest Relations Officer po dun. Kaso may mga kasama kaming... Nagla-live show... Kaya... Hinuli kami."

"I was still the head of the Women's Desk ng Olongapo that time, Sir," singit naman ni Ma'am Judith bilang suporta sa sinabi niya. "Napansin ko itong si Cadet Mananquil na palaban at pumapalag sa mga police officer na kasama namin. May nasuntok pa nga siyang isang officer, napatulog niya. Kaya ko dinala dito, isinabay ko na sa re-assignment ko. Sabi ko kasi sa kanya, Sir, sayang siya kung mananatili lang siya sa Olongapo."

Muling napatungo si Armie. Naalala niya ang naging pang-aasar sa pulis na napatulog ng straight jab niya. Hindi nabigo ang Tito Boy niya sa pagtuturo sa kanya ng boksing noong nasa elementary pa siya. Nag-angat siya ng tingin at nakitang mataman siyang ino-obserbahan ni Director Bongcales. "Tapos nabanggit pa, Sir, ni Ma'am Judith na bukod sa libreng aral, may allowance din na ibibigay sa pamilya namin buwan-buwan. Triple po yon sa kinikita ko bilang GRO sa 'Gapo kaya hindi na po ako nagdalawang-isip na sumama."

Tumango-tango ito. "Kaya naman importante sa 'yo na manatili ka dito sa academy, tama ba?"

"Yes, sir."

"Kaya kung bibigyan kita ng special assignment sa halip na mag-undergo ka ng summer training program, I'm sure you are more thank willing to do it?"

Kumunot ang noo niya. Tapos na kasi ang semester at naka-schedule silang mga incoming third year sa summer training program lectures sa loob ng academy. Pero ano kayang special assignment iyon? Bakit siya ang napili ng mga ito? 

"Ahm... Utang ko po sa academy ang naging pagbabago sa buhay ko, Director Bongcales, sir," ani Armie dito. "Kaya kung anuman ho ang maitutulong ko... Gagawin ko yun sa abot ng makakaya ko, sir. At sisikapin ko po itong mapagtagumpayan. Hindi ko po kayo bibiguin nina Ma'am Judith at ang mga naging teachers at commanding officers ko dito sa loob ng academy, sir."

"That is good to hear, Cadet Mananquil," sagot naman ni Director Bongcales sa kanya. Pagkasabi noon ay bumaling ito sa katabi niya. "Agent Sandejas, go ahead and brief what the S.O. will be to Cadet Mananquil."

Nilingon niya ang katabing si Agent Sandejas. Bumilis muli ang pagtibok ng puso niya nang salubungin niya ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Napalunok siya. Bahagya lamang pala ang pagkakahawig nito kay Marc Pingris. Maraming maituturing na mas guwapo rito sa loob ng academy, ngunit may kakaiba sa paraan ng pagtitig nito sa kanya na para siyang nama-magnet dito...

"We need you to go undercover in a certain beauty pageant, Cadet Mananquil. You'll pose as one of the contestants for Miss Global Beauty Philippines. You'll attend their trainings, events,everything that the said beauty pageant would require its contestants. All of that while you're serving as a close-in to Miss Yasmin Ignacio, daughter of NBI Director Francisco Ignacio."

The Queen of ShieldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon