[ Well, hello there! Yep, im still alive^^ just busy..T_T gosh I’ve missed writing/fangirling so much! It’s been ages haha:( there’s so much to do, but so little time..:3 I’m sorry! The last time will be ending soon, I promise, but no promises about the exact date hehe..D: sorry for writing only after three months! Fyi, I wrote this instead of chillin’ while taking a break because damn I just really miss imagining and writing. HuhuhuuT_T My only motivation right now is the thought that I just have 5 months to go before graduation aaahhh! Can’t wait to get over this, tbh.:3 anyway, I hope you’ll still like this puchu-puchu work of mine. Miss u:( ]
Pagkatapos ng second kiss,
Hindi ko na maalis
Ang ngiti sa aking labi
Tuwing ika’y nasa tabi
Mahal na pala kita,
Hindi ko lang nasabi dahil sa takot na nadarama
Pero ngayong hapon ng Agosto
Isang araw pagtapos ng anniversary niyo ng boyfriend mo
Plano ko nang sabihin sa’yo ang nararamdaman
Dahil sabi mo siya na’y iiwanan
Sa dahilang wala ka nang pagmamahal na kayang ibigay
Kaya ako naman sa saya’y halos mahimatay
Dahil sa wakas, ako naman ang bibigyan mo ng pagkakataon
Ito ay hinintay ko ng matagal na panahon.
Mahal na mahal kita,
At kung bibigyan mo ng pagkakataon, habang buhay kong ipadarama.
!!!
Usually, ganito talaga kami. Pagkatapos ng show, pupuntahan ko siya sa dressing room at sabay kaming kakain ng meryenda. Ako kasi ‘yung lagi niyang takbuhan e, sa mga problema niya, hinanakit, o kahit ano pa.
Sabi ko sa kanya, pwede niya akong diary. Pwede niyang sabihin sa akin kahit ano, at palagi ko lang siyang pakikinggan. Ihuhuli ko lahat para lang sa kanya. Kahit may taping ako o ibang appointment, basta tawagin niya ako nandun ako kaagad. Ayaw na ayaw kong maramdaman niyang mag-isa siya, lalo na’t hindi naman talaga, dahil eto ako, mahal na mahal siya.
Sobra.
Dati, nung una kong inamin kay Vhong na nahulog na ko sakanya, sabi niya kaagad “Edi sabihin mo na!” Pero ang sinagot ko ay “Hindi na importante pang sabihin sa kanya, kasi kahit naman sabihin ko sa kanya nang deretso, wala pa rin, may boyfriend pa rin naman siya, hindi naman niya ako ipagpapalit doon. Ang importante sa akin, maramdaman niya na kahit lahat tinalukaran na siya, ako mahal na mahal ko pa rin siya.”
Sino ba naman kasi ako para bigyan niya ng pag-asa ‘diba.
Hanggang nung last week…
Sabi niya, nawawala na raw yung spark sa kanila ni Yael. Napapagod na raw siya sa kakaaway nila, at tingin niya, nabigay na niya lahat pero wala pa rin, kaya sa anniversary nila, makikipaghiwalay na siya.
Agad agad, ang nasabi ko sa sarili ko,
Sasaluhin kita.
Nagpasya akong itake na yung risk.