Dumating si Venus sa classroom. Gusto ko klaruhin ang lahat, gusto kong hilingin sa kanya ang isa pang pagkakataon na maitama kung may mali man ako.
Lumapit ako sa kanya.
"Pwede ba tayong mag-usap sa labas," tanong ko.
"Sure," tapos tumayo sya at naglakad palabas habang nakangiti pa.
"Hindi ko kaya ng wala ka Venus," sabi ko nung makalabas kami.
"Im sorry," yun lang ang sagot nya.
"Shall I have 1 more chance?" tanong ko.
"Im sorry, hindi ikaw ang nagkamali. Ayoko na, hindi na ako masaya," sabi nya.
"Pero sayo lang ako masaya, mahal kita."
"Im sorry. Hindi na ako masaya sayo," tapos pumasok na ulit sya.
Bumalik nanaman yumg sakit na naramdaman ko kahapon. Bigla akong nanghina at naiyak.
Pumunta ako sa cr para ayusin ang sarili ko at bumalik sa room.
Naabutan ko si Rae sa tabi ng upuan ko. Umupo ako sa armchair ko at bumulong. Yung tipong kami lang ni Rae ang makakarinig.
"Musta na ang Feasib natin?"
"Ok naman, medyo mahirap pero kaya naman natin to," sagot nya.
"Basta tawagin mo lang ako kapag gagawa na tayo."
"Sige ba. May problema ka ba?" tanong nya.
"Wala, gusto ko lang na matapos tayo agad."
Wala ngayon tung prof namin. Buong period namin gagawin yung ibang parte. Kaya busy kami lahat. Hindi nga ako tumitingin kay Venus kasi baka maiyak lang ako ulit.
Natapos na yung first period namin. Hindi ko alam kung saan na ako pupunta. Kasi nasanay ako na dumidiretso sa canteen para kumain kasama si Venus.
Dumaan sa harap ko sina Rae at Marian. Sumabay ako sa kanila tutal lalabas sila para din kumain.
"Bakit hindi mo kasama si Venus?" tanong ni Marian habang kumakain ako.
"Wala na kami," sagot ko.
"Oh my gee! Bakit kayo nagbreak?" tanong ni Rae.
"Wag mo nga sya tanungin! Hurt na hurt pa yan," sabi ni Marian.
"Oo nga. Sorry Akashi," sabi ni Rae.
"Ok lang. Ayoko muna sagutin yung tanong mo," sabi ko kay Rae.
Tapos tumahimik kaming tatlo, walang nagsasalita habang kumakain kami.
Natapos na akong kumain at lalabas na sana nang pigilan ako ni Rae.
"Intayin mo kami, gagawin natin yung FS."
Kaya inintay ko silang matapos para sabay na kaming pumasok at gumawa ng FS. Habang naglalakad kami papasok, may sinabi sakin si Rae.
"Ok ka lang ba?"
"Oo, bakit naman hindi magiging ok?" tanong ko.
"Kasi nasaktan ka sa break-up nyo ni Venus," sagot nya.
"Hindi lang naman kay Venus umiikot ang mundo ko."
"Tama," tapos binilisan na lang namin yung paglalakad para makarating agad sa room.
Pagdating ko, hindi ko na hinanap si Venus. Nababadtrip lang ako, imbes ay nagpakabusy nalang ako sa pagtulong kay Rae. Matatapos na ako nang naisipan kong tumingin sa aking paligid. Nakita ko siya na nagpapakabusy din kasama si Mark. Ewan ko ba kung bakit ako nasasaktan. Dapat nga akong matuwa dahil alam kong mapagkakatiwalaan si Mark. Siguro naiinggit lang ako. Na ako sana yung katabi nya habang nagsusulat. Pinagsisisihan ko na hindi ko ginustong maging partner sya. Hindi sana kami umabot sa ganito.
Naiinis akong isipin na iniwan niya ako ng walang magandang dahilang. Hindi manlang ako nakumbinsi ng kanyang paliwanag.
Hindi lang naman talaga sa kanya umiikot ang mundo ko. At hindi naman ito titigil ngayong wala sya. Marami naman dyan na ibang tao na nangangailangan sakin. Katulad nalang ni Rae, kailangan niya ang tulong ko para matapos ang aming gawain.
Hindi katulad ni Venus na hindi basta na lang nangiwan sa mga panahon na kailangan ko siya.
At ako naman na nagmamahal ay patuloy paring umaasa na babalikan niya ako at hihingi ng tawad. Pero sa palagay ko, hindi yun mangyayari. Sa isip ko lang yung maaari, sa realidad ay imposible.
Kahit ganoon, walang akong magawa. Minahal ko sya ng sobra pero para sa kanya ay madali lang palang kalimutan.
-------------------------------------------------------
Dont forget to VOTE guys. It is much appreciated, by me...:-)

BINABASA MO ANG
Bakit Bawal ang Alien sa VENUS
Teen FictionDito malalaman kung bakit walang alien na tumitira sa venus.