FOUR IS ACTUALLY EIGHT

79 1 3
                                    

Lakad..Lakad..Lakad..

*hingal*

Takbo..takbo..takbo..

*hingal*

Lakad..Takbo..Lakad..Takbo..

Patuloy lang ako sa paglakad-takbo. Hindi alam ang patutunguhan. Teka. San nga ba ako patungo?

Bakit malabo ang aking paningin? Tila ang buhay ko ay nasa maling direksyon. Bakit hindi ko makita ang hinaharap? Patuloy pa rin akong hinihingal sa kasalukuyan. Patuloy pa rin ako sa pagtakbo sa nakaraan. Pero ayan na sila, sinusundan nila ko.. Hirap na hirap na ko. Ayoko na sa dating madilim kong mundo. Lakad pa rin ako ng lakad. Takbo! Takbo! Nalilito ako.. Dumudilim.. Nasaan ang liwanag? Buong buhay ko hinahanap kita,bakit hindi pa rin kita makita?

Aray! Nadapa na naman ako.. Hayan at may panibago na naman akong sugat. Hindi pa naghihilom ang dati kong mga sugat ngunit may panibago na naman.. mas masakit, mas mahapdi, mas malalim.. Bakit parang mas lalo akong nasasaktan? Mas lalo akong nahihirapan? Ayoko nang mabuhay sa kasinungalingan.. Ayoko nang mahulog pang muli sa balong malalim na iyon. Takot ako sa dilim. Ayoko doon. Mas gusto kong mamatay na lang nang matapos na ang mga paghihirap ko. At least mamamanhid na ang buong katawan ko. Hindi ko na mararamdaman ang sakit. Bakit ba ko nagkakaganito? Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Parang hindi ko na siya kilala. Unti-unti na siyang nalamon ng kadiliman at kasinungalingan..Akala ko kaya ko..Kaya kong mag-isa..Pero bakit ganun? Parang walang nangyayari sa buhay ko.. Takbo! Takbo! Maaabutanh na nila ko.

Ngunit napahinto ako..Mag-isa na lang pala ko. Ang dilim ng buong paligid at nasa gitna lang ako na para bang nasa akin ang spotlight.. Nasan ka na Liwanag? Sa patuloy kong pagtakbo mukhang lalo akong napalayo sa kanila at nag-iisa na lang ngayon. Paano na? Naririnig ko sila..Mabangis..Ang mga tawanan nila, umuugong sa aking dalawang tenga..Ang mga mapanghusga nilang mga mata. Tama na! Ayoko na! Tigilan nyo na! Napakasama ng aurang bumabalot sa mundo. Galit ako sa mundo!

Nagpatuloy ako sa paglalakad upang hanapin ang liwanag. Hindi ako makaalis sa kulungang madilim na iyon. Lakad..Lakad.. Lakad at nakarating ako sa isang lugar. Andaming tao ngunit parang hindi nila ko nakikita..parang hangin sa paningin at hindi nag-eexist sa mundo.. May mga taong nag-iinom, mga pulubing namamalimos, mga batang natutulog sa kalye katabi ang basurang iniipis, andaming naghihirap. Ito ang kabubulukan ng mundo at ito ang totoo. Iniisip ko, katulad ko rin ba silang madilim ang nakaraan? Hindi alam ang patutunguhan? Pero maswerte pa rin sila dahil kilala nila ang kanilang mga sarili, maging ang puso ko ay hindi na nagsasalita. Ano ba ang dapat gawin? May nakita akong isang batang bumili ng cotton candy sa Manong. Buti pa siya walang problema.. Kung naging bata na lang kaya ako, dadanasin ko pa kaya to? Buti pa ang mga ibon, malayang nakakalipad sa alapaap. Ang mga kuliglig, ahas, tipaklong, langgam, palaka na tahimik na namumuhay.

Lakad..Lakad..Gusto kong hanapin ang aking sarili. Gusto kong maintindihan lahat..Bakit ba tayo nabubuhay? Pagod na kong tumakbo..Pagod na pagod..Liwanag, san ba kita hahanapin? Andyan ka lang ba? Malapit na ko..Alam ko malapit na ko, maghintay ka lang mahahanap din kita. Hindi ako susuko..Wow! Unti-unting bumabalik ang dati kong lakas! Marahil ay malapit na ko sa liwanag. Lakas lang ng loob. Kaya ko to tiwala lang. Ngayon ay unti-unti na kong umaasa, na sana, tama na ang tinatahak kong landas, at makarating na ko sa tuwid na daan, patungo sa inaasam kong liwanag..Ang galing hindi na nila ko maabutan! Konti pa..Konti pang tiyaga..

Paltos na ang aking maalikabok na paa. Butas butas na rin ang aking sapin sa paa.. Ngunit patuloy pa rin ako sa paglalakad kahit walang kasiguraduhan, basta't ako'y UMAASA. Huminto ako at naupo sa isang bench. Isa yata itong parke..

Nakapukaw ng aking pansin ang dalawang lalaki at isang babae na naglalaro. Naghahabulan sila. Napapitlag ako kasi nadapa ang batang babae. Ngunit binalikan siya ng batang lalaking nakasando ng green na may batman na design at tinulungang tumayo. Pagkatayo ay hinawakan nito ang batang babae sa balikat. Marahil ay tinatanong nito kung okay lang ito.Hindi ko naman kasi sila naririnig. At pagkatapos noon ay pinagpagan ng batang lalaki ang siko at tuhod ng batang babae. Ang sweet. Sa kabila ng aking pinagdaanan ay bigla akong napangiti..Tila nawala ang bigat at dilim na bumabalot sa puso ko. Muli itong tumibok sa unang pagkakataon. Masaya ako! Masaya ako! May tumabi sa aking batang lalaki at inabutan ako ng palamig.

"Inom po muna kayo, mukhang pagod na pagod kayo ah, anlayo po siguro ng nilakbay nyo."

Tinanggap ko ang baso ng palamig at ininom lahat. Lahat lahat. Sa sobrang tuwa ko ay napaluha na lang ako. May mga bagay pa palang magaganda sa mundo hindi mo lang napapansin.

Lumiliwanag! Lumiliwanag! Ang madilim kong mundo ay lumiliwanag! Nahanap ko na siya sa wakas! Naiintindihan ko na. Tumayo ako at nagsimula muling  maglakad. Pero ngayon, alam ko na kung san ako patungo. Alam ko na ang gagawin ko. :) Salamat sa mga batang yon...

MORAL LESSON: Do not focus on the problem..look beyond and try to look around the world. Anumang problema ay hindi dapat tinatakbuhan bagkus ay hinaharap at hinahanapan ng solusyon. Hindi lahat ng pangit ay masama, minsan kailangan mong pagmasdan itong mabuti upang makita ang kagandahan ng isang bagay at ma-appreciate ito.

Isang mabuting halimbawa ang hindi pagsuko sa problema. Minsan ang pagkakadapa ang nagpapalakas sa atin at nagtuturo sa tama.

Palaging tatandaan na mayroon pang pag-asa.

Ang alas ay nasa 'ting mga kamay. Nasa atin ang "pagbabago". Anumang daan ang pinili mo, ikaw pa rin ang may kakayahang magpatakbo nito. Nasa 'yo pa rin ang ALAS!

09/25/12

-dedicated sa tatlong batang nakita ko sa Tanauan Plaza..

10:35 PM

-inspired by the movie "PATCH ADAMS"

Title: Four is Actually Eight...it is because when you look straight to your four fingers..try to look beyond and you'll see eight...

FOUR IS ACTUALLY EIGHTWhere stories live. Discover now