Kheyzer's POV
"Pwede ba Kai? Umupo ka na lang? Nahihilo kami sayo eh!" Maktol ni Frans habang naka hawak sa kaliwang sintido nya.
"Paano? Baka palayuin na naman ako ng mama nya sakanya! Hindi ko ata kakayanin 'yon!" Sambit ko habang nag lalakad ng back and forth. Hindi ako mapakali eh.
"Para kang nag aalalang boyfriend dyan." Saad ni Marco na nakangisi sakin habang sinasabi yun. Napatingin naman ako kay Nate ng humikab sya.
"Pwede ba, Marco? Nag aalala lang naman ako kasi bestfriend ko sya, yun lang. Saka may girlfriend na ako. At mahal ko ang girlfriend ko." Saad ko kay Marco na ngayo'y tumatawa.
"Fine! Sabi mo eh!" Buti nalang at wala rito si Mia, baka mag selos kasi yun at baka mag away pa kami na ayaw na ayaw kong mangyari.
Napatingin kami kay Frans ng tumunog ang phone nya na ibig sabihin lang ay may tumatawag. Tiningnan nya kami before she mouthed "Grace" , aagawin ko sana yung phone nya pero tinignan nya ako ng matalim kaya napasimangot ako.
Tinawanan naman ako ni Marco at Ron. Kaya ayun binatukan ko. Bwesit kasi ang pag mumukha. Ni loud speaker naman ni Frans yung phone nya kaya nakinig kami.
"Grace! Ano'ng nangyari?" Alalang sambit ni Frans, "Okey lang ako, anu ba kayo! Hahaha!" Napakunot ang noo ko sa sinabi nya sa tawag. Parang may mali.
"May ginawa ba si Tita? Sabihin mo!?" Nag aalalang bulyaw ni Ron sakanya, paiyak na nga ata ang gago. Napatingin ako kay Marco at Nate, nakikinig lang sila sa sofa. Binalik ko ang atensyon sa tawag.
"W...Wala! Anu ba kayo at ano ba yang nasa mga isip nyo?! Haha! Okey lang ako. Tinawagan ko lang kayo dahil alam kong nag-aalala kayo sakin." Lintaya nya na habang nag ka-crack ang boses. Umiyak ba sya?
"Si—?" Hindi natuloy ni Frans ang sasabihin ng mag salita si Grace sa kabilang linya. "S...Sige, mauna n...nako. Kita na lang tayo bukas." Sabay off nya ng tawag.
Naguluhan ako sa inasta nya.
Nag katinginan kami ni Frans at umiling sya, na parang sinasabing hindi sya okey. Alam ko Frans, alam ko.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at tinawagan sya.
"Your call is out of reach. Please try again later..."
Ay shit! Ba't di nya sinasagot?!
Kumabog ang puso ko dahil sa kaba. Kabang dulot nya. Bakit mo ba ako pinapakaba ng ganito, Grace?
BINABASA MO ANG
Sa ngalan ng pag-ibig...
Novela JuvenilBestfriend ko siya ever since we were little. Natatanong nga ang mga kaibigan namin kung hindi ba kami na fa-fall sa isa't-isa, sabi naman namin; "hindi" puro tanggi kasi ang lumalabas sa bibig ko pero ang totoo? I'm in love with him. I doubt that h...