CHAPTER 9

730 16 0
                                    

Mika's POV...

.

.

.

.

.

Andito kami ngayon sa bar ni Ara bonding with friends, pero hindi ko alam na kasama at kakilala pala ng barkada si Jessey. Ang tagal ko narin kase hindi sila nakasama at mabuti pala at naisipan ko makipagbonding narin sa kanila this time, sobrang meant to be talaga kami, hahaha. Sobra namiss ko ang barkada.

Naramdaman ko na lang may umakbay saken, at napatingin ako dito si Kim lang pala.

"waf baka matunaw si Jessey kakatitig mo" nakatingin din sya sa taong tinitingnan ko. Napangite na lang ako sa sinabi nya.Kasama ni Jessey ang Kambal, si Mela at Ara. Habang kami ni ate Kim nakabukod ng table sa kanila. At mukhang nasa hot seat ang bf ko.

Hindi ko alam dahil nakabukod kami ang tagal ko na palang nakatingin kay Jessey habang umiinom ng cocktail. Ang ganda nyang pagmasdan bawat buka ng bibig nya at kilos lahat tinitingnan ko para bang pag kumurap ako ng ilang segundo mawawala syang bigla. Ang ganda nya, namiss ko sya kahit pa palagi kaming magkatext at magkausap sa phone.

" Sya na ba?... sa tagal namin na hindi ka nakakasama ang dami na pala namin hindi alam tungkol sayo" seryosong sabi ni Kim. " Hindi naman ako nagagalit,...hmmp,medyo nagtatampo lang." sabay ngite. Tinanggal ko naman sa balikat ko ang kamay nya at humarap ako sa kanya. Nagshot muna ako ng isa at seryoso narin akong tumingin sa kanya.n

" I know ang dami ko na atraso sa inyo mga occasions na hindi kayo nakasama,.....bilib nga ako sa inyo sa tagal na binalewala ko kayo hindi parin nyo ako sinukuan. Thank you Waf na lagi kayong nandyan para saken "

" Syempre naman mahal ka namin eh." inakap pa nya ako at sabay pinisil ang pisngi ko, namiss nya talaga ako. " Ang drama mo Dams, sa laki mong yan hindi bagay sayo...hahahaha" sinalinan nya ang shot glass ko pati ang sa kanya ng iniinom nyang alak  black label, mukhang mapapainom ako ah. okay lang namiss ko  rin to ang makipagtoma sa kanila. " Pero seryoso, naintindihan ka talaga namin alam namin kung ano ang nangyari sa inyo at napakahirap ng pinagdaanan mo kaya hindi rin kami nagkaroon ng sama ng loob sayo."

"Oo nga eh, halos mababaliw ata ako...hahaha...pero at least eto ako ngayon sa harap mo kasama nyo at masasabi kong I'm totally move on." nakangite kong sabi sa kanya. " At dahil dyan... tinaas ko ang hawak kong shot glass ... Cheers!..." tinaas din nya ang sa kanya at nagcheers kami. Bottoms up, ang sarap ng feeling..

" Pero teka, kala mo nagkakalimutan na tayo ha...yong tanong ko sayo, sya na ba?"nanunukso nyang ngite saken.

Muli lumingon ako kay Jessey na nakatingin din pala saken. Sabay naman kami napangite at kumaway pa sya kala mo naman ang layo namin sa kanya..hahaha.. Humarap ako kay Kim at sinagot ang tanong nya.

" Noong una ko sya nakita, I felt weird, para bang gusto ko makita ang mga ngite nya kahit nakikita ko sa mga mata nya ang lungkot. Ewan ko ba para akong tanga na pinagdadasal na sana bumalik sya sa resort dahil hindi ko man lang nakuha ang number nya. At ng bumalik nga sya alam mo yong may kulang ka sa pagkatao mo pero nung makita ko sya, ang mga mata nyang nakangite abot hanggang tenga, para bang ang saya saya ko rin. I feel complete again. Kung ano man ang meron kami ngayon masaya ako at ngayong nakikita ko ulit sya mas lalo pa akong sumasaya" sa mga sinabi ko naintindihan na nya siguro ang ibig ko sabihin hindi ko man derektang sinabi ang sagot.

Totally Unexpected (Jeka Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon