Umiinit na ang maalinsangang panahon sa ilalim ng tumitinding sikat ng araw. Walang gaanong kaulapaan sa kalangitan kaya patuloy pa ring namamayani ang Haring Araw ngayong umaga ng Lunes sa ikalawang linggo ng Agosto.
Masukal ang daan papunta sa natatanging puno ng loteng kinatatayuan ng establisimyentong naabandona na. Bagamat ito'y napapaligiran ng cogon, mababakas pa rin ang daanan sapagkat halatang hindi gaanong naookupa ng mga cogon at iba pang damo ang inaapakan namin. Sa wakas ay narating na namin ang puno at dali-dali akong umupo sa isang malaking ugat nito sabay kuha ng pamaypay at panyo habang naisipan na lang ni Markus na tumayo at kinuha ang phone niya. Mabuti na nga lang ay presko ang lilim nito at hindi na gaanong napapaligiran ng cogon ngunit dalawang metro lang mula rito ay nakatayo ang isang mataas at mahabang pader na animo'y naglilimita sa lawak ng loteng kinatatayuan namin.
Ngayong kami lang dalawa rito ni Markus sa punong ito, bigla ko'ng naisipan ang pagtakas ko para hanapin si Ela, sa paraang hindi ako mapapansin nitong gangster na kasama ko lalo na't naging busy siya sa kakatingin sa kung anong nandiyan sa screen ng phone niya. Tumingin-tingin ako sa paligid para sa magiging daanan ng pagtakas ko. Tiningnan ko ang magkabilang dulo ng pader sa likuran namin ngunit pareho silang napupuno ng matataas na cogon. Inobserbahan ko naman ang dinaanan namin kanina sa harap papunta sa building at dali-daling nakita si Veronica kasama ang mga kasamahan niya na seryosong nakatingin sa 'min mula sa doorframe ng establisimyento. Kahit na mga limang metro ang layo nila sa 'min at puno ang cogon ang paligid, kitang-kita pa rin nila kami dahil mataas ang lupang kinatatayuan nitong punong mangga.
Ngumiti ako kay Veronica. Inirolyo niya ang kanyang mga mata bilang ganti niya sa 'kin. Napangiti na lang ako at naisipan ko'ng magsign language. Tinuro ko si Markus na nakatalikod sa 'kin at nagsenyas ng isang puso gamit ang dalawa ko'ng kamay sabay turo sa sarili ko. Nagulat si Veronica at ang mga alipores niya. Natawa ako sa mga reaksiyon nila. Ngumiti ako gamit ang matulis ko'ng nguso at pinilit na ipakita ang mga dimples ko sabay nagpose na parang nagdadalagang Pilipina. Dahil do'n, nakita ko yung mga kasamahan niya at bumulong ng kung anu-ano sa kanya habang may namumuo na ng 'sama ng panahon' sa mukha ni Veronica. Tumawa na lang ako at inulit ang pagdadalagang Pilipina.
"Stop doing that. You look like a duck fetus", sabi ni Markus habang nakatingin sa screen ng phone niya. "You're tryna make it worse. Magtatampo na naman ang babaeng yun."
Tumigil ako at napatingin sa kanya.
"Teka, ano ba'ng ginagawa mo?", tanong ko sa kanya.
Hindi umimik si Markus. Biglang nabalot ng katahimikan ang paligid. Tanging ang hangin lamang na sumasayaw kasama ang cogon at ang mga nahuhulog na dahon ng mangga ang tanging naririnig ko.
Huminga ako ng malalim. Tumalikod ako nang dahan-dahan para hindi ako mapansin ni Markus at kinuha ang phone ko sa bag na dala ko. Tiningnan ko ang mga messages ko at nasulyapan ang mensahe sa 'kin ni Ela.
*Ela: Nasaan ka na? Kanina pa kami kakahintay dito sa main building. Kasama ko yung nerd na tumulong sa 'tin kanina. Pls. reply ASAP... Mon. 9:58 a.m.*
Tumingin ako kay Markus na nakatalikod sa 'kin at halatang busy pa sa kakapindot sa screen ng phone niya. Tiningnan ko yung time sa phone ko.
*Shocks! 10:26 na. Mga 28 minutes pa siya nag-message sa 'kin.*
Bumalik ulit ako sa messages at nireplyan si Ela.
[Need help, Ela. Andito ako sa may naabandonang bldg. sa isang masukal na lote. Hindi ko alam kung nasaang lupalop ako ng mundo. Pls. Ask for help na lang if ever na may ma...]
Nagulat at napatigil ako sa kakatype ng reply ko kay Ela nang biglang magsalita si Markus.
"Hello!" "Hello!"
Tumingin ako sa likod ko at nakita si Markus na may kinakausap sa phone niya. Kahit na hindi tapos, sinend ko na lang ang reply ko kay Ela para hindi ako mapansin niya at diretsong itinago ang phone ko sa bag na nakaipit sa tiyan at balakang ko. Nakinig na lang ako sa mga sasabihin niya.
"O, where is she?"
"Of course the lady that you've been chasing now?"
"What!!? Madame Porscha?!"
"What happened to her?"
"Just a stupid frog?"
"And the girl?"
"Nevertheless, you should have put your eye on her!"
"S***. Just leave that fat woman alone. May tutulong naman sa kanya diyan."
"What?! Even your clothes are now dirty? Sige I'll send some guys na lang from here for back up."
"Sige."
Pagkatapos ng pagtawag ay napakunot ng noo si Markus at huminga ng malalim.
"Tungkol saan yung pinag-usapan niyo?", tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa 'kin at saka nagtanong. "Where is she?"
"Sino?"
"Of course, Akeelah! Now where is she?", usisa niya.
"I don't know", sagot ko nang mabilis.
"Where... is... she?", tanong ulit niya with full conviction.
"Nasa campus nga, sabi ni Veronica. Hinahanap raw ng mga alipores niyo."
"So ngayon ko lang nalaman na you are currently studying here."
"Bagong transferees kami dito. Pero dahil andito ka, lilipat na lang kami ni Ela sa ibang university", kutya ko sa kanya.
"Ah, eh. Please don't. Magsosorry nga pala ako sa kaniya at sa 'yo about what I did a long time ago", amin niya with sincerity.
"Long time ago? Eh 2 years ago lang naman yung break up niyo ah. Tsaka 'wag ka na sa 'kin mag-apologize, kay Ela lang. Pero wait, totoo ba'ng nagsosorry ka na?"
"Yes. I am sincerely asking for any glimpse of forgiveness from her", sabi niya.
"Eh. Eto na naman tayo. Mahirap nga lang na patawarin ka ni Ela dahil napakasakit talaga na iniwan mo siya sa ere."
Biglang tumahimik ang paligid. Napaupo si Markus sa isa pang malaking ugat nitong punong mangga at napaisip nang malalim. Siguro nga ay bigla niyang naalala ang mga panahong masaya pa sila ni Ela pati rin ang mga minuto ng huling sandaling iiwan na niya ang pinakamamahal niyang irog.
BINABASA MO ANG
Of Glasses and Leather Jackets
Ficção AdolescenteNot an ordinary teenage high school romantic story. (Inspired by Bob Ong's 'Isang Dosenang Klase ng High School Students and the movie 'First Day High' starring Jason Abalos, Kim Chui, Gerald Anderson, Maja Salvador, etc.) Hindi ko inaangkin yung co...