IN LOVE WITH MY BOSS
By : LONELYGIRLJONAVEY
Synopsis:
JANINE ARACELLI VARON, (25) -isang simpleng dalaga na lumaki sa probinsiya at nangarap na maging isang manunulat. Simple man ay hindi naman pahuhuli ang kaniyang ganda. Sapagtungo niya sa lungsod ay pumasok siya sa kompanya na pagmamay-ari ng isang banyaga.
LEE SMITH, (29) - half British half Filipino. Lumaki man sa ibang bansa ay matatas naman itong managalog. Mabait, bukod sa matangkad ay gwapo pa. May- ari siya ng isang tanyagna Publishing House sa bansa.
Limang taon nang namamayagpag ang L.S. Publishing at lalong dumarami ang kanilang mga kleyente. Ngunit ang isa sa kanilangbatikang manunulat ay nag-anunsyo ng kaniyang pagreretero dahiltutungo na ng Amerika ang pamilya nito.
Nakiusap ang Board of Directors ng kompanya na kung maaari ayhayaan niya ang mga ito na makahanap ng magiging kapalit niya.Pumayag naman ang manunulat sa pakiusap ng mga nakatataas.
Habang nakikinig ng radyo sa kanilang bahay si Janine ay narinig niya ang pa-anunsyo ng LS Publishing agad niyang kinausap ang kaniyang mga magulang tungkol dito. Noong una ay ayaw pumayag ng kaniyang mga magulang sa nais niya ngunit dahil na rin sa kaniyang pakiusap ay pumayag narin ang mga ito.