Ang tropahan namin.

278 4 1
                                    

Ako nga pla si Jp gomez. eto nga pala ang kwento ng buhay nming mag kakaybigan. Sa mga makakabasa sorry kung corny. Pero gusto ko lang malaman nyo ang tunay na kwento ng tropahan. Eto po ang unang kwento. Ako po ulit si jp gomez bagong transfer sa school ng SCC (Sta.Catalina.College) Gr.4 po ako unang pumasok dito sa SCC. Unang pasok ko po dito sa SCC ay may unting hiya at unting kaba. Dahil wala akong kakilala at wala akong msyadong kinakausap. Kaya po ako lumipat dito dahil lumipat kami ng bahay sa malapit sa school nmin. Dalawa lang po kaming mag kapatid. Si pat ang bunso kong kapatid. At hiwalay na po ang mga magulang nmin kaya po kay mama po kami sumama. Binubuhay po kami ni mama mag isa ginagampanan nya ang pagiging nanay at tatay para samin. At yan po ang background ko. Ang una ko pong nakilala sa SCC ay si gemellus. Sya po ang pinakamagaspang at pinakamaingay sa classroom kaya yun po sya yung unang lumapit sakin. Mabait nmn po sya pero super gaspang. At nag karoon na po ako ng lakas ng loob makipag kaybigan sa iba dahil may nakakausap na po ako. At ang nging mga kaybigan ko ay yung mga transfer student na class mate ko dahil pareparehas po kaming mahiyain at mga bago kaya  kami-kami nlng ang nag sama-sama. Tas naging super close po kami ng mga bagong student na classmate ko. Sila nga po pla si Jason,R2. At may nakasama kami old student na si angelo. kaming apat ang laging mag kakasama sa boung gr.4 life. Prang normal na student ang pamumuhay nmin. May away bati. suntukan png minsan e. asaran. Gaspangan minsan sa tropa pa nkikitulog. kaya yun po nabuo ang tropahan. Dahil mababait nmn kami may mga naging tropa kaming ibng section. at yun sila Vincent,jerome,toto. Di kami super close pero tropa namin sila kasi mabait nmn sila saming 4. kaya nakikisama kami. Masarap nmn ang buhay nming lahat. May nakilala nga pla kming teacher. Si brother jocson. sya ang teacher nmin sa religion napakabait nyang teacher na yan. sya din ang nag tuturo saming mga choir. Tas yun po nakatapos ng gr.4 naging gr.5 na po kami. At nadagdagan ang tropahan. mabuti nlng po mag kakasama parin kami nila jason,r2,angelo. At nadagdagan po kami ng isang super gaspang na si ralph. old student po sya pero ng gr,4 wala sya sa SCC dahil may ibng school na pinasukan. at bumalik lang. at syempre nandun padin yung mga tropa nmin sa kabila. nadagdagan din po sila ng isang napakagaspang at napaka kulos na classmate. Sya po si Carl at super gaspang at napakaingay na student sa batch namin. nung una tahimik na nganga pa sa mga ngyayari patagal ng patagal. pagaspang ng pagaspang. At nakakatuwa ang bahay nila kasi katabi lang eto ng school nmin. Tas may swerteng ng yari. Si bro.Jocson ang pinakamabait na teacher sa SCC ang naging adviser nmin. lahat po kami ay nagbago at nag iba. sya po ang taong mapagmahal sa student nya at mapag-alaga sa classroom. sya po ang kauna-unahang teacher na nag lilinis ng sariling adviserclass room. At tinuro nya po ang mga bagay bagay na lapas na sa pagiging teacher pero kung titignan mo ay makakabuti sa isang istudent. Sya ang nag turo saming magmahalan ang mga mag kakaklase. Sasobrang pag mamahal nya samin. nagawa nyang kilalanin kaming lahat ultimong mga secreto inaalam nya para makatulong sya kung may problema ang isang bata. Tas yun po naging masaya nmn ang lahat at naging kaclose nmin ang lahat ng mga classmate nmin. Dahil kay bro. sya ang nag gawa ng mga paraan para mag kaisa ang mga magkklase. Tas mas naging matibay ang pag kakaybigan nmin nila R2,angelo,jason,ralph,vincent,jerome,carl,toto. mas naging close kaming lahat kahit hindi laging mag kakasama naging close kaming lahat. Si bro nmn may mga ginagwang bagay para mapabuti kaming lahat. kikausap isa isa tinatanung kung may problema sa pamilya o ano man. sya ang naging tulay saming lahat. Masayang masaya ako at nakilala ko silang lahat. Pero di nmn lahat ng masaya walang malungkot na mangyayari. May isa kaming classmate na umalis ng bansa. sya yung tipong mabait na hindi nag sasalita naging close sila ni bro kasi lagi silang nag uusap at marunong syang makisama. Sya nga pla si cyril. oo di ko sya tropa pero syempre masakit sa isang classmate na mawalan ng isang classmate. pero ganun tlga kaylangn nyang samahan ang pamilya nya. At nagulat ako sa isang ginwa ni bro. Gumawa sya ng isang music vid na ang laman ay kaming lahat ng st.jude yan ang name ng section nmin. at nandun lahat ng mga mabubuti at mga nakakatawang moments sa pagiging gr.5. At yun syempre pinanoud nming lahat yun at nagulat ako sahuling part ng vid may nilagay si bro na sana hindi kami mag bago at lagi akong maglilinis at aalgaan ang mga iba kong tropa dahil ako dati ang laging tga linis at tga pagpapatahimik kaya yun at nung matapos na ang vid napaiyak ang karamihan samin .naging ok na. May mga bagay na hindi ko makalimutan sa boung gr.5 life ko, dun tlga kami natuto at maraming good memories na tlgang kahit ngayun di ko makakalimutan. tas yun po. ang pinaka super na lungkot ako dahil umalis din ang isa nming tropa na si Angelo. pumunta na sila sa Canada. yung classmate ko nga nalungkot kami yun pa kayang tropa yung lagi nming kasama umalis. syempre napakalungkot nmin lahat mag kakaybigan pero wala tlgang magagawa kasi desisyon yun ng mga parents nila kaya ang magagawa nmin ay ipakitang malakas kami para hindi sya malungkot dun. Tas habang tumatagal ok na kaming lahat tas yun. naging gr.6 kung may umalis may bagong dumating si Ron sya yung tipong lalaking may ugaling mabait pero iba magalit. sya yung super naging close ni bro kasi parang dun nya nakita si cyril at angelo. kaya yun po binabantayan nya po yun. Tas first time na nag karoon ng isang png pag kakataon si bro para mging adviser nmin, At yun nga po sya ang naging adviser nmin sa gr.6 st.jude. Tas may isang pangyayari na super na shock ako. Dahil ako ang ginawang Presedent ng classroom ni bro. At yun naging ok namn ang boung taon Dun ako nag kaunang lovelife at si kaila sya din ang presedent ng kabilang section tumagal nmn kami pero nag break di kasi mga bata pa kami pero sya ang first lovelife ko. Mag kakasama nga po pla kami nila Carl.R2.Ron. nahiwalay yung iba pero ok lang kasi mag kakatropa parin nmn. tas may isang competition ang school nmin "song interpretation" Ang theme ay ' we are the world ' by michael jackson. dun nasubukan ang tataga ng boung classroom at dun nag kaalaman. Sobrang wla kaming ngawa wla kaming maisip. sabi ni bro wag na nting ituloy to bka mapahiya lang tayong second section. pero lahat ng classmate ko nag porsige na matuloy ito pati si bro sobrang daming tiniis at sinakrepisyo para dito. Nag kaproblema pero naayos din tas yun dahil nga lahat ay gustong sumali kaya yun nakasali kami. Sabi ni bro kahit matalo tayo ok lang bsta ang mahalaga ay sinubukan at ginawa ang lahat. at yun po. pag tapos na pagtapos nmin sumayaw. umalis si bro di sya na asang mananalo kami. Yun ang akala nya nanalo kami at natalo namin ang first section. at iba png kalaban, nag takbuhan kami para makuwa ang trophy nmin at hinanap si bro. at tuwang tuwa ang boung st.jude. Ang di nmin alam nag tanim ng sama ng loob ang first section samin dahil bkit kami daw ang nanalo at hindi sila. DIto na nga po pla kami matuto mag computer mga larong online langames nakakaadik. dito tutol si bro dahil nag titipid kami para lng makapag laro at laging ginagbi. Natapos ang gr.6 at nakagraduate kaming lahat ng masayang. Dito na nagsisimula ang Tunay na kwento naming lahat mag ttropa eto na ang pinaka point nitong story ang high school life nmin. At eto na ang mga bida tlga sa aming kwento.    JP,RALPH,RON,CARL,VINCENT,JEROME,TOTO,  at may bagong sumulpot na mga bagong kaybigan. Si Paolo at enzo. sila yung nadagdag. nag kasamsama kaming lahat sa isang classroom at nahiwalay lang ay si carl at jerome at ang mga bagong tropa. nung una naiilang pa ako kay paolo at enzo kasi parang di ko pa sila kila. Pero ok lang kasi nga naging close sila nila carl at jerome kaya naging tropa nanmin sila. tas yun ang kwento ng 1st yr, masaya nmn kasi maraming bagong classmate at napa first section kami . Si r2 at toto nga pla lumipat sya ng school kaya di nnmin sya nakakasama si jason nmn po naging adik sa gf nya. napabayaan n kaming tropa kaya di na nmin sya nakaksama. kaya ganyan ang mga sinabi ko. Tas enjoy nmn po ang buhay freshmen. Mas lalo kaming naadik sa mga laro sa computer at eto na ang lagi nming gingwa kahit tutol si bro kahit pinupuntahan nya kami di kami nasunod. kahit hindi na sya ang adviser nmin may consern padin sya kahit ano ang mga yari. At naging 2nd yr na kami dito ko na naging kakaclose si paolo at enzo. kasi naging classmate ko sila. Naging masaya nmn tlga ang buhay nmin kahit may problema tinatawanan nlng nmin. tas Mas naging mag kakaybigan kaming lahat habang tumatagal lalong nag kakatibayan ang pag sasama. Bsta si cent,carl ang napahiwalay samin kasi kabilang section pero ok lang kasi nag kakakitaan nmn pag uwian. Tas jan na kami tlga super naadik sa Dota at Sf. halos yan na ang buhay nming lahat. tas normal na pamumuhay. May mga kanyang kanyang problema sa bahay pero pag ang tropa ang kasama wla lang yan. Tas etong 3rd yr ang isa sa pinaka masaya pero isa ding pinaka masama pngyayari sa highschool life. First day nmin kala nmin lahat kami mag kakaklase sa isang section. yun ang kala nmin yun pla nahiwalay nnmn si carl at ron. sila yung AMPATUAN brothers. hahahahaha. kasi napaka gaspang at malakas mga trip. Dito din nabou ang ALMENGOWAN. AL-ALomia MEN-alMENdrala GO-GOmez  WAN-ApaWAN si Ron po ang nakaisip nyan matagal n yung name naisip yan kasi lagi kaming 4 ang mag kakasama. Masaya tlga kaming lahat kasi mag kakasama lagi at halos sabay matulog kumain maligo. Laging mag kakasama sa lahat ng bagay. Kaya nga pla natawag si carl at ron na ampatuan gawa ng laging maingay tas laging may ginagwang kalokohan kung walng ginagawang kalokohan natutulog sa klase. Dito ko na nakilala ang secondlovelife ko. si cha L. Ang tgal bago ako nag gf ulit kasi mas naging masaya ako sa pamumuhay ko dati ang mabuhay ng kasama ang mga tropa. hahahahaha. tas yun wla din nmn ng yari nag break din agad kasi nag kalokohan na lang. taspag tapos nun nakilala ko si chara naging super friend kami. kaya yun ok na sakin yung ganun friend muna. para di mag kasawaan at mag kalokohan. Lahat nmn kami ay nag ka lovelife at masaya ang buhay. May isa lang naging bad news, kasi si Ron at carl at repeater kasi nga ganun mga ginagawa nila kaya ganyan ng yari. si carl ok lang kasi nga may plano na syan umalis din ng bansa kaya ok lang . si Ron napasama siya hindi na nauwi. kung ano ano na ginagaw nakikipag away. iniiwas namn nmin sya e. pero ganun tlga ata. pag ang sarili na nya ang ayaw umiwas. tas yun po nag bakasyon na ng 3rd yr papuntang 4th yr, Eto na po natuto na po kaming mag inom ng alak. at di to ko na kilala at nakasama si Oyin,William. mas ahead kami ng isang taon sakanila. pero naging tropa sila kasi lagi nmin silang kasama at si oyin kapatid ni carl. Kaya ganun po ang ng yari naging tropa din nmin lahat ng mga nagiging kaaway nming tga santa kasi nakipag ayos at nkikitropa na samin. Dito maraming ngyari dahil dito na kami tlga natutong mag inom. mag yayang babae kasama sa pagiinom at halos araw-araw na kaming nag iinom. Alam nming masama at msyado pang maaga pero di no tlga kami nag kakilala ng mayos at nag kaalaman kung ano ano ang sekreto sa isat isa tas ang tunay na ugali ng isat-isa. marami na kaming inumang nagawa ibat ibang babaeng nakakasama. Pero pag nakakainuman na po nmin eto mga ito nagiging kaclose na min at nagigingtropa. Kung iisipin tlga mali kami pero dito kami masaya at wala nmn kaming nagagawang kasalanan. At di nmn kami nakakaapak ng ibang tao. Etong bakasyon na eto ang pinaka masayang bakasyong ngyari samin. Halos nging bahay nanmin ang bahay nila carl dun kami naliligo nakain natutulog yung isang kwarto dun parang amin na. pag may nag lalayas dun na punta. pag may problema dun natakbo. at dun dumamingdumami ang mga kaybigan nmin. Tas eto na ang Last yr ng high school malungkot kasi wala si carl at ron kasi nga stop na sila sa pag aaral pero ok lang kasi kaylangn din nming makapag tapos kaya yun pero kasi nga nkasanayan ng umiinom kami araw araw . kaya yun kahit may pasok nag iinom kami. pero napasok kami derecho na sa school. kaya nmn e. kaya ganun. mga 1 buwan na minsan ganun tas binabawasan na nmin ang pag inom kasi may pasok na tlga. tas hanggng paminsan minsan nlng pag may kaarawan at pag may problema. At nakilala ko nga po pla si Timmy sya yung  gustong gusto ko. sya na yung bago at huling gf ko kasi di ko na sya hihiwalayan mahal na mahal ko po sya halos pinakilala ko na sya sa lahat sa tropa,magulang sa lahat. Isang araw nalaman ng magulang ko na ganun ang ginagwa ko kaya yun pinag bawalan na ako di binibigyan ng pera. pinapatigil na sa pag aaral. Pero nagbago na ako. di na ako nag iinom. kasi pinangako ko na sa nanay ko. at di na ako nag papagabi ng sobra. Bsta nag pakabait na kaming lahat. kasi nga di na ako nakakasama kaya nag tatampo yung iba . tas yung iba di na din sasama kaya wla ng nagiinom. meron pnmn pero di na kami kasali .yung mga tropa nlng nming iba. Tas aral aral muna para nmn makabawi kaming lahat sa mga gingawa nming msama. Tas ngayun aalis na ang pinakamagaspang at ang pinakamamahal nming tropa na sila (OYIN,CARL,JEWEL) kahit saglit lang nmin kayo nakasama kahit alam nming bka makalimutan nyo kami eto lang ipapangako nmin sainyo Hinding hindi nmin kayo makakalimutan. Kahit alam ko na dadating ang time na aalis kayo. pero bkit ganun iba parin ang nararamdamn nmin? Pero mga pre nandito lang kami lagi. salamat at nakilala at nakasama nmin kayo. Sana katulad lang tayo sa PALABAS NA THE REUNION. Kahit ano ang mgayari. magkikita kita padin nmn tayo. CACA pre salamat ha? KAHIT ANO MGA YARI WALANG IWANAN HA? 

 Diba ganyan nmn ang mga mag kakaybigan?

                        Pra sainyo! Ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon Sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan At kung sakaling gipitin ay laging iisipin naMinsan tayo ay naging Tunay na magkaibigan Minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin  Inuman sa magdamag na para bang tayo'y mauubusan Ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon Sana'y huwag kalimutan Ang ating mga pinagsamahan At kung sakaling gipitin ay laging iisipin na Minsan tayo ay naging Tunay na magkaibigan Minsan ay hindi mo na alam ang nangyayari Kahit na anong gawin Lahat ng bagay ay merong hangganan Dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon Hindi na mapipilitang  buhayin ang ating pinagsamahan Ngunit kung sakaling mapadaan baka Ikaw ay aking tawagan Dahil minsan tayo ay naging Tunay na magkaibigan.....

ABANGAN ANG SUSUNOD :)) Salamat sa lahat ng nag basa. Yan po tlga kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang tropahan namin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon