Isang gabing hindi ko malilimutan
Isang taong mapagkakatiwalaan
Isang lalaking marunong lang magmahal
At isang taong nagmahal at nadamay
Aking amiga,mahal aking amigo
Amigo kong dahilan ng pagkabigo
Amiga naming nar’yan sa bawat bigo
At akong sanhi ng kan’lang pagkabigo
Inyong kapatawaran ang aking hiling,
Sana’y pagkakamali ko’y patawarin
Sana nga ay baguhin ihip ng hangin
Aking munting hangarin ay inyong dinggin
Nagambala ko kan’lang pagmamahalan
Paumanhin, kayo’y mahal ko rin naman
Sana’y pagpasensyahan sa kabiguan
Ako sana’y mapatawad at pakinggan ..