Perspektibo ni Tamayo
______________Sunday 7:50 AM
Kagigising ko lang galing sa napakahimbing na tulog. Kakarating lang kasi namin kahapon ni Sir Lim, kaya naisipan namin na magday-off muna kahapon at ngayon na lamang ipagpapatuloy ang pag-imbestiga sa lead na sinusundan ko.
May appointment pa kaming gagawin ngayong araw-kung saan isa-isa namin pagtatanungan sina Paulo at Audrey. Sa loob ng Interrogation Room na namin ito gaganapin para wala nang magiging problema, 'di katulad noong una.
Dumating na si Sir. Siya muna magdadala ng sasakyan dahil basag pa rin yung akin gawa ng nangyari noong nakaraan sa Caragao.
Umaga pa lang ay na-notify na namin ang dalawa para pumunta ng istasyon dahil may mga karagdagang katanungan kami sa kanila-at doon na lang kami maghihintay sa kanila.
Papunta na sana kami ng istasyon nang biglang nagring ang cellphone ni Sir Lim.
"Hello, Ma'am? Po?! Sige po. Papunta na po kami diyan." Pagsagot pa ni Sir sa kabilang linya.
Matapos nito ay bigla na lamang nag-u-turn si Sir sa dinaraanan naming kalsada.
"Bakit--sino yun, Sir?" Tanong ko pa sa kanya.
"Si Mrs. Gomez. Kailangan muna nating dumeretso roon sa kanila. Importante raw." Aniya.
"Paano yung appointment natin ngayon?"
"Kaya pa niyan maghintay."
Gaya ng napag-usapan ay inuna muna namin ang pagpunta sa kanila Mr. Gomez. Ano kaya ang dahilan kung bakit kami ipapatawag ng biglaan?
Kung ano man ito, sana hindi ito problema. Sana makikibirthday lang kami o ano-which is napakaimposible base sa naging reaksyon ni Sir Lim.
----------
Dumating na kami sa bahay ng mga Gomez. Nasa gate pa lamang ay naamoy ko na ang halimuyak ng nakakaistress na problema...nanaman.
Nagdoorbell na ako at maya't maya pa ay pinagbuksan na kami ng maid nila para papasukin kami. Binati naman kami ni Mrs. Gomez na nakatayo sa balkon nila.
"Pasensya na kayo kung biglaan ang pagtawag ko sa inyo. Medyo nagkaproblema kasi."
Ayan na ang keyword-problema. Buti na lang at nagising na si Sir Lim. Dahil kung hindi, mag-isa ko tong pag-iistressan.
Pumasok na kami sa loob para alamin kung ano nga ba ang 'problemang' ito. Nakaupo sa sofa si Mr. Gomez at ang anak nilang bunso sa sala. Binati kami ni Mr. Gomez habang ang bata naman ay nakatingin pa rin sa ibaba at tila may ginawang kasalanan.
"Ngayon...sabihin mo na sa kanila, Andre." Pag-utos pa ni Mrs. Gomez dito.
"Sir...may involvement yata yung teacher namin sa pagkawala ni Ate..." Medyo pautal-utal at pabulong pa nitong pag-amin.
Nagulat kaming pareho ni Sir Lim sa naging pag-amin nito. Puta, paano naman yun nangyari? At ano naman ang kinalaman nito para maging involved sa kaso? Kung ganoon ay may bago na naman kaming suspect sa listahan.
BINABASA MO ANG
Ang Pagkawala Ni Teresita Gomez
Mistério / SuspenseSi Teresita Gomez ay ipinanganak sa isang simple ngunit marangyang pamilya. Bagama't maayos ang kanyang pamumuhay ay may mga patong-patong na problemang dumating sa kanya. Dahil dito, napagpasyahan niya na munang umalis upang nang sa ganoon ay makap...