5

3 0 0
                                    

Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito. Maaga akong gumising para makapagluto ng mga paborito mo. Nagluto ako ng adobo, yung medyo maanghang tas masabaw eto kasi lagi ang request mo. Meron ding shanghai at menudo, eto yung mga pagkain na sure akong mapaparami ang kain mo.

After ko magluto, naligo na ako at nag-ayos. Hindi pwedeng humarap ako sa'yo ng kung ano lang ang itsura ko syempre nagpaganda ako. Suot ko yung regalo mo saking dress, first time kong isusuot to kasi di naman ako palasuot ng ganito pero syempre iba ngayon e. Naglagay lang ako ng lipstick at nagpulbo, alam mo namang wala akong alam sa make up make up na yan. Sinuot ko rin yung heels na binili natin nung nagmall tayo nung nakaraan. Natatandaan ko pa kung paanong muntik na tayong mag-away sa pagpupumilit mong bilhin ko to kasi sabi mo bagay to sa dress na regalo mo. Natatawa na lang ako pagnaalala ko ang eksenang yon.

Matapos kong iayos ang mga niluto ko at ilagay sa kotse, umalis na rin ako. Hindi ako pwedeng malate, sobrang ayaw mo pa naman ng ganun. Pero bago ako pumunta sa meeting place natin dumaan muna ako sa flower shop na lagi kong binibilhan ng mga bulaklak na binibigay ko sayo. At katulad ng dati, sunflower ulit ang dala ko, a bouquet of sunflower for the beautiful woman whose face shines like the sun. At ngayon pa lang naiimagine ko na ang magiging reaction mo.

Pagdating ko umupo agad ako sa harap mo.

"Hi baby. Happy birthday. Look, I cooked your favorites. And of course your sunflower"

Masaya kong pinakita yung mga dala ko at inilagay ko sa tabi mo yung bulaklak na binili ko.

"2 months na rin pala no? Ang bilis ng panahon" nakangiti ko pang saad

"I miss you baby" hindi ko na mapigilan ang umiyak. Sobrang miss na kita

"Mahal na mahal kita"

Patuloy lang ako sa pag iyak habang nakahawak sa lapida mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Every Ending GxG (One Shots Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon