Kinabukasan
Grabe hanggang ngayon di pa rin ako maka-get over sa eksena naming dalawa ni Kurt. Hindi ako makatulog ng maayos kagabi, eh pano ba naman siya lang iniisip ko.... BOOM. hahahaha kidding aside napapa isip ako kailan kaya mangyayari yung 'see you soon' na sinabi niya? hays.
Ilang araw ko pa lang na crush siya pero feeling ko matagal na kaming magka-kilala. Andito ako ngayon sa room namin masyado atang napaaga pasok ko neto kaya ako pa lang mag-isa ngayon. Makalabas na nga lang baka sakaling makita ko si Kurt hehez.
So ayun na nga habang naglalakad ako sa corridor biglang may nahagip ang matalas na mata ko. Aha! ang bebe Kurt ko! omg! Why so pogi? and take note! siya lang mag-isa nakaupo sa bench na yun! hmm maka-daan nga sa may harap niya.
Habang dumadaan ako sa harap niya grabe yung bilis ng tibok ng puso ko! di naman na ko nagka-kape so bakit ganto?
*kalma lang Bianca*
Nang naka-lagpas na ko sa may harapan niya biglang may tumawag sa akin.
omg.
"ateng nakabangga ko!"
BINABASA MO ANG
Hey Crush!
Novela JuvenilHey! Bianca's here! And this is my kalandian about my crush^_^ Huehue^^