"Carrie, anak. Kumain ka na, please." pagmamakaawa sa akin ni Dad.
"Hindi ako gutom, Dad." I replied. My voice was very dry and my eyes were puffy as hell.
Isang linggo na akong wala sa klase. Isang linggong puro iyak at tulog lang ang ginagawa. Isang linggong wala na sa sarili. Isang linggo, pero hindi ko pa rin matanggap.
Maulan noong umalis sila papuntang Benguet, sinabing may mga batong nahulog sa Kennon Road at huli na nang mapansin iyon ni Itay Rene kaya't noong napaliko niya ang manibela, dumiretso ang sasakyan sa bangin. The search team found their bodies dahil na rin sa koneksyon ni Daddy.
Nakita ko ang pagbuntong hininga ni Daddy at kinuha ang food tray na dinala niya sa akin kagabi.
"Anak." Hinawakan niya ang kamay ko pero hindi ko pa rin siya nilingon.
"Masakit rin para sa akin ang lahat ng nangyayari ngayon. I grew up with them. They were like my second parents. Ayokong pati ikaw mawala sa akin. Isang linggo ka ng ganito, Carrie. Paalis na kami ng—"
"Okay, Dad. Ingat kayo sa pagalis." I replied. Tinignan ko siya at halata ang pagod sa kanyang mga mata. Tumango siya at umalis na ng kwarto.
Panibagong luha nanaman ang pumatak galing sa aking mata. Tumungo ako sa roomdeck at humilig sa railings. Niyakap ng hangin ang aking katawan na siyang nakapagbigay ulit ng lungkot sa akin.
I miss Itay Rene, Inay Fely and .... Nate. Niyakap ko ang aking sarili at nagsimula nanamang umiyak. Nagsabay sabay na ata ang lahat.
Everything hurts to the point that I'm no longer hurting, I just felt so empty. I'm in pain and the people who were there for me before.... are no longer here.
"Ayoko na..." I said to myself in the middle of crying silently.
Isang katok mula sa pintuan ang narinig ko pero hindi na ko nagabalang tumayo dahil nakabukas naman iyon. Narinig ko ang mga yapak nito.
"Carrie." I glanced at Rose who's now throwing some dagger looks at me.
"Go ahead. Kung papagalitan mo ako, sabihin mo na agad." I said, coldly.
"Are you hearing yourself, Carrie?" tanong niya. Napatigil ako sa kanyang sinabi dahil isang tao ang naalala ko sa linyang ito. I chuckled as I wiped my tear.
Putangina naman e. Lahat na lang ng ginagawa ko, at sa parte ng bahay to, siya lang naaalala ako.
"Yes, loud and clear, Prim." matigas kong sabi.
"Bakit ba sinasarili mo lang ang lahat? Bakit ba hindi mo man lang kami makita ha? Kaibigan mo rin kami! May pamilya ka ring nagaalala sayo!" sigaw niya.
"I'm trying to understand you, Carrie! Pero bakit mo kami tinutulak palayo!"
"KASI NAAALALA KO LANG LAHAT, PRIM! KAPAG NAKIKITA KO KAYO, NAAALALA KO LAHAT!"
"You wanna know everything, right?! Lahat ng nangyayari sa inyo, kay Tito Paul, sa resort at sa kumpanya nila Luigi, ako iyon! And if it wasn't for me, hindi magkakaroon ng problema sa taniman sa La Trinidad!"
"If it wasn't for me, hindi sila naaksidente. If it wasn't for me, they should've been alive. It was all me, Prim." pagod kong sabi sa kanya.
"When will you be planning to tell me about Nate, then?"
Hindi ko pa rin nasasabi sa kanilang dalawa ang tungkol kay Nate dahil hindi ako makausap nang tino noong araw na iyon.
Bumuntong hininga ako at hinarap siya."We broke up." Kunot noo akong pinagmasdan ni Rose.
"He told me that you left, pero wala siyang sinabing nagbreak kayo."
BINABASA MO ANG
Home (Summer Series #1)
Roman d'amourSummer Series #1 Maria Caroline Esquivel, a seventeen-year-old girl who seemed to be the epitome of pure and perfection will have to cope with his father's best friend's son, Aeson Nathaniel Vergara, her complete opposite...the definition of brute...