Albert's POV:
Kinagabihan, napag-usapan namin yung nangyari kaninang umaga. Nasa may sala kami at nagkukwentuhan lang habang naghahanda ng hapunan yung mga spirit. Nakatulog kasi kami kanina pagkatapos ng laro.
"Oh ano? Panalo kami kanina!", pagyayabang ko sa mga babae.
"Tss! Kung hindi lang umulan eh di kami na sana ang panalo.", sabi naman ni Andy.
"Wala eh, kinampihan kami ng panahon. :P "
"'Kinampihan kami.' Baka ikaw lang?", sabi naman ni Sundy.
"Oh bakit? Panalo naman tayo.", sagot ko.
"Panalo nga tayo, damay naman kami sa atake mo.", sabi naman ni Leun.
"Sorry naman. :3 Hindi ko kasi alam na hindi ko pala mapapatigil yung ulan."
"Mabuti at nandyan si Xyrus.", sabi naman ni Lira.
"Oo na. Next time mag-iingat na po ako.", sabi ko na lang.
"Tama na nga yan. Punta na lang tayo sa labas, ang ganda ng langit oh.", pag-aya ni Scarlet
~~~
At ayun na nga. Nagpunta na lang kami sa labas para tingnan yung mga bituin. Ang gaganda nila, ang dami.
"Wow! Ang ganda.", sabi ni Lira.
"Alam niyo ba na mula dito ay makikita ang Serdin?", sabi naman ni Leun.
Gulat kaming lahat. "Talaga?!", halos sabay-sabay namin sabi.
"Oo nga. Eto, air glass.", at parang nag-iba yung hangin. Dahil sa ginawa ni Leun ay nagkaroon ng iba't ibang kulay yung mga bituin. "Yan ang totoong kulay ng mga bituin. Tingnan niyo yung kulay puting bilog na yun", sabay turo dun sa sinasabi niya. "Ayan ang Serdin. Kulay puti ito dahil sa Voltaire."
"Astig!", sabi ni Scarlet.
"Tingnan niyo naman yun.", sabi ulit ni Leun.
"Saan?", tanong naman ni Sundy.
"Nakikita niyo ba yang bahagi ng langit na walang bituin? Andyan ang Alcubra, na nababalot ng kadiliman."
"Oww... Grabe, nakakatakot.", sabi ko.
"Teka. Teka. Nagtataka lang kasi ako. Sundy, pano mo natutunan ang summon?", pagtatanong ni Andy.
"Ahh. Yun ba? Nang umalis ako sa Serdin, may nakalaban akong isang illusionist. Nagagawa niyang gayahin lahat ng mga atake ko. Nahirapan akong kalabanin siya hanggang sa napuno na ako. Hinang-hina na ako nun, pero pinilit ko pa ring lumaban. Tapos bigla na lang may bumulong sa akin. 'Tawagin mo ako, tutulungan kita.' sabi niya. At natawag ko nga ang rock golem. Dahil dun, naipanalo ko yung laban. Yun ang huling laban ko bago ako bumalik ng Serdin at ipadala dito sa Earth."
~~~
Maya-maya pa'y tinawag na kami ni avo para kumain. Ang daming nakahandang pagkain. Parang may fiesta.
"Kumain kayo nang mabuti.", sabi ni avo.
"Wow!!! Ang daming pagkain!", sabi naman ni Leun.
"Oh tara, kain na. ^_^ ", sabi Andy. Oww, that smile again.
At kumain na nga kami. Ang sasarap ng mga pagkain. Pero pagkatapos namin, may mga narinig kaming ingay galing sa labas ng bahay. Nang lumabas kami, nakita namin ang napakaraming mga maliliit na nilalang.
"Nyay! Ba't ang daming tyanak?", sabi ko.
"Ano sila?", sabi naman ni Andy.
"Ang dami nila, nasa buong paligid sila.", sabi naman ni Sundy.
BINABASA MO ANG
Clash of the Guardians
ФэнтезиSee how the Guardians battle against the Ghosts. The clash between the Guardian Lord of Balance and the Ghost Queen of Death and Darkness.