"Ready na ba lahat, Meg?" Tanong ko habang iniisa-isa ang mga invitations para sa birthday bash na ginawa ko para kay Groian. He's out of the country for days and I took that opportunity to prepare for this bash.He deserves this too. He deserves to be happy and I really want this to be special.
"Okay na po."
"Pakiutusan na si Denver para ma i-distribute na 'yan."
"Okay, Miss Ania." Tumango siya at umalis.
Sa mismong kaarawan niya ang balik ni Groian at pagkasundo ko sa kanya mula sa airport ay didiretso kami dito sa café para sa gaganaping party.
Pagkatapos kong asikasuhin ang bash, dumiretso ako sa Dairy Pleasure para mag report sa board of directors. Nag meeting din kami tungkol sa mga bagong branch na bubuksan namin at mga bagong produkto na kailangang ipaapruba.
Nakipagmeeting din ako sa nga department head at halos alas nwebe na kami ng gabi natapos.
Habang naglalakad sa lobby ay namataan kong nakaupo si Lilia sa lounge ng opisina. Kinakausap siya ng receptionist namin. Pinagmasdan ko siyang maigi, gusto kong matawa sa suot niya ngayon. Faded maong jeans and t-shirt? I mean it's okay but it doesn't fit her.
I smirked evilly as I sashayed my way to her. My stilettos clicking against the floor gave me the ultimate power and I feel so omnipotent.
"Agatha, it's okay." Ngiti ko sa receptionist ko at pinaalis siya. Kita ko ang pagtaas ng kilay sa akin ni Lilia at tumayo sa upuan niya.
She's tall but I'm taller. She looked at my bag and gulped. Bakit? Inggit ka ba?
Malamig ko siyang pinasadahan ng tingin at ngumisi. "What are you doing here? Dapat ay nasa labas ka lang."
Tutal ay anak ka lang naman sa labas.
"Mag-usap tayo."
"Anong gusto mong pag-usapan?" Nagtaas ako ng kilay. May iilang dumadaan at napapatingin sa amin at ayaw kong makakuha kami ng labis na atensyon kaya inanyayahan ko siya sa café malapit sa opisina.
Umayos ako ng upo at luminga sa paligid. Umorder ako ng kape at umorder naman siya ng milktea.
"So?"
"Alam kong ginigipit mo kami ni Mama."
"Buti alam mo." I spat and crossed my arms.
"Nahihirapan ako..."
"Do you expect me to pity you?"
"No... But I'm expecting that you'll stop whatever you are doing."
I chuckled and shook my head. I don't want to waste my time here. This is useless. Ito lang ba ang pag-uusapan namin?
"You don't know what my mom is capable of."
"Oh, I know. She's capable of sucking money from rich-"
"Hindi ganyan ang Mama ko! They loved each other! Sila ni Papa."
I nodded. Ano bang alam ng batang ito tungkol sa pagmamahal? Kung mahal nga nila ang isa't-isa hindi ito makakasira ng iba. Kung totoong pagmamahal ang pinanghahawakan nila, hindi ito makakasakit ng iba. Anong karapatan niyang magsalita tungkol sa pag-ibig gayong ang nakikita niyang pagmamahal ay mali at bunga lamang ng tawag ng laman?
"This is just a waste of time, Lilia." I said and stood up.
"Basta binalaan na kita." Malamig niyang sabi at yumuko. Umirap ako at umalis doon at dumiretso sa labas. Hindi ko alam kung nananakot ba siya o paraan niya lang ito para maniwala ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Strings Attached (Good Kiss Series #2)
RomanceStefania Go's life is ruined by her father's illicit affairs and her mother's tragic death. Nasaktan siya at mayroong kailangang magbayad. Maniningil siya. Mahal. She doesn't care if she has to play around Groian Astallo and pull some strings to mak...