Chapter 61

47 3 0
                                    

Minhyun's

Matapos ang pag-uusap namin na yun ni Doyeon, umuwi na ako sa condo ko since sabi ni Mandy na pupunta siya at may mahalagang sasabihin. Kung ano man yun, I'm sure it's really important.

Mataman kong tinititigan ang mga files na natanggap ko nung pumunta ang Nuest at Wanna One dito. Parang pinipiga ang puso ko habang tinitingnan ang DNA test result at ang nag-iisang picture na meron ako ni Riyu, ang batang lagi kong binibisita sa sementeryo all throughout these years.

Natigil ang pagmumuni-muni ko nang narinig ko ang pagkatok sa pinto. Sigurado akong si Mandy iyon.

Pinuntahan ko na para pagbuksan pero nagitla ako nang hindi lang si Mandy ang nakita ko doon.

"It's been a while, young man."

❄️❄️❄️❄️❄️

"I'm sorry kuya Minhyun." humihikbing sabi ni Mandy. Kahit ako naluha na rin sa lahat ng nalaman ko.

"Bakit ngayon mo lang sinabi? Bakit?!" tanong ko sa kanya. Hindi na siya nakasagot. Gusto ko mang magalit pero naiintindihan ko siya kahit ayokong intindihin pero yun ang nararamdaman ko. After all, pinsan pa rin siya ni Patricia.

Love can be really dangerous sometimes especially when your heart deceives what's really the truth.

Sobrang nasaktan ako sa nalaman ko. Damang-dama kong pinaglaruan nila kami, ang pamilya sana na meron ako ngayon kasama si Patricia. Dumagdag pa sa sakit ng naramdaman ko nang malaman kong isa sa involve dito si Ong. All this time, alam niya pero hindi mahahalatang may tinatago siya. Habang kasama niya ako, may alam siya pero ni hindi ko man lang naramdaman yung konsensiya niya, he didn't even bothered telling me kahit hapyaw lang. Wala.

Napakuyom ako ng kamao ko. I don't think I can forgive them. Ilang taon nilang itinago sa amin na parang hindi kami tao para manipulahin nila nang ganun-ganun na lang.

"Si Hyunri? Anak ko ba siya? Anak ba namin siya?!" nanggagalaiting tanong ko.

Hindi naman siya nakasagot agad kaya parang naluha na lang ako lalo.

"H-hindi ko p-pa alam kuya. Naghahanap pa ako ng paraan to find the other truths." kahit siya, nadidismaya sa sarili niya.

"Si Ong? Alam niya ba? Diba may alam din siya?! Ano?!" tanong ko sa kanya.

"I'm not sure pero sa tingin ko, kung anong alam ko, yun lang din ang alam niya."

Masaya sigurong paglaruan kami. Mukhang nag-eenjoy sila eh.

"Huminahon muna kayong dalawa. Wala na tayong magagawa dahil nangyari na. When Mandy reached out for me few days ago, I know I have to do something. Handa akong tulungan kayong dalawa at para na rin makita ko ang anak at apo ko." Mr. Im said. Ang Papa ni Patricia. Actually I've met him a few times already.

"Now, ano nang balak niyong gawin? Lalo ka na Mr. Hwang Minhyun, ano nang gagawin mo para sa mag-ina mo?" tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

I've made up my mind. Babawiin ko ang dapat sa akin. Ipaglalaban ko ang mag-ina ko. Kailangan ko munang alamin kung anak  ba talaga namin si Hyunri.

❄️❄️❄️❄️❄️

Umuwi na si Mandy habang naiwan si Tito at kasalukuyan kaming nasa bahay ko ngayon. Nagkakwentuhan kasi kami so I decided to show him the house that was supposedly for me, Patricia at sa bubuuin naming pamilya.

"Son, hmm can I call you that?" he pat my back habang nakaupo ngayon sa sofa at tinitingnan ang mga kaunting pictures na meron ako kay Patricia at sa kauna-unahang ultrasound ng baby namin noon na naka-frame pa.

"Oo naman po. Salamat." totoong natutuwa ako pero mas masaya sana kung kasama namin ang anak niya ngayon.

"Anak, I know you're a good person and perhaps even the best person for my daughter. Pasensiya ka na sa nagawa ni Somin." malungkot na sabi niya and he's pertaining to Patricia's mom, si Ms. Kyo.

I just sighed.

"Part of this is also my fault. If only I fought for them back then from my family pero naging duwag ako. Si Patricia..." he heaved a deep sigh before continuing.

"...my beloved daughter. Hindi ko na siya napaglaban noon but you, you can fight for her. Sila ng apo ko. Do the right and best thing for them." he said, teary-eyed.

Kahit napakabigat ng nalaman ko ngayong araw, napagaan iyon ng mga sinabi ng appa ni Patricia. Kahit papaano, nalaman kong may kakampi ako sa nangyayari ngayon.

"Maraming salamat po, Mr. Im." naluluha ko ring sabi. Maybe we're sharing the same pain since I'm also a father.

"Call me Tito. And Abeonim in the future kapag kasal na kayo ng anak ko." biro niya naman that made me chuckle.

"Pero anak, ano ba talagang nangyari sa inyo ng anak ko noon? After you found me and promised me that you'll set us up for a meeting, bigla ka na lang hindi nagparamdam and weeks after that, nabalitaan ko na lang na lumipad na paalis ng bansa si Patricia. What really had happen?" he asked in a concerned way.

Di ko mabakas sa boses niya na galit dahil sa nagawa ko sa anak niya. Instead, I could hear the curiosity in his voice.

Bumuntong-hininga ako nang sobrang lalim. Maybe he's the one who should hear all these things. Kahit ang mga members ko in both groups, walang alam sa kung paano nga ba ako nahantong sa ganito.

❄️❄️❄️❄️❄️

Start of Flashback(Minhyun's POV) next chapter. :)

Don't forget to vote, comment and follow me! God bless y'all! ❤💜

Appa 》》h.mhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon