-7 o'clock ng bumangon ako. Si Mama at Papa ang naabutan ko sa kusina. Nag aalmusal na sila ni Papa.
"Good morning!"
"Morning, mag almusal kana. Aalis kayo ulit ni Kleo, hindi ba?"
"Opo."
Ako na ang kumuha ng plato at kutsara ko. Tumabi ako sakanila ng makakuha na.
"Saan kayo pupunta?" Si Papa.
I shrugged. "Hindi ko po alam."
Ako ang huling natapos na kumain kaya ako ang nag ligpit ng pinagkainan. Si Kuya, 9 o'clock pa ang gising non. Palabas palang ako ng kusina ng makita ko ang kausap ni Papa.
Ang aga niya. 8 o'clock palang. Nag lakad ako papunta sakanila. Napalingon sila saakin ng maramdaman ang presensya ko.
"Good morning. Nag breakfast kana? Mag bibihis muna ako."
"Sure. Take your time."
Iniwan ko na sila ni Papa doon na nag uusap. Pag pasok ko sa kwarto, mabilis ang naging galaw ko. Natagalan lang ng walang mahanap na maayos na dress. Sa huli, pinili ko nalang ang white dress na nakakuha sa atensyon ko.
Liptint at polbo lang ang ginamit ko sa mukha ko bago matapos. Ilang beses ko pang tinignan sa salamin ang itsura ko bago na satisfied.
Pag labas ko ng kwarto ay agad nag tama ang tingin namin ni Kuya. Halatang bagong gising siya. Napakunot ang noo niya ng tignan ako mula ulo hanggang paa.
"Ang aga naman ng date niyo." Sabi niya at ngumiwi.
"Ang aga naman ng gising mo." Inirapan ko siya at tinalikuran na. Nauna akong bumaba ng hagdan. Wala si Papa ng matanaw ko ang sala. Si Kleo nalang ang nakaupo doon mag isa.
"Hi."
Nang mag angat siya ng tingin para tignan ako, nginitian ko siya. "Okay lang ba ang suot ko?"
He nodded seriously. "Yeah. Let's go?"
I smiled. "Let's go."
Parehas kaming nag paalam kay Mama na nasa bakuran pag lalabas namin bago kami nag tingin sa kotse.
Habang nasa byahe ay binuksan ko ang messenger ko. Napangiti ako ng makita ang mga pictures nila sa boracay na nasa group chat namin. Lahat ng nasa chat sa GC ay para saakin. Natawa pa ako ng may mga ipinakita silang pictures at pinapapili ako kung ano ang gusto kong regal sa mga yun. Dahil sabik ako sa regalo, sinabi ko ay lahat ng sinend nila ay gusto ko.
Natawa ako ng mabasa ang sunod sunod na reply nila.
Andy: Ako na sa damit.
Axel: Ako na sa bracelet mas mura.
Jerome: Ako na sa shell. Libre pa.
Natawa ako sa sinabi ni Jerome. Marami pa ang nag reply kung ano ang bibilhin nila para saakin. Ang swerte ko salanila no?
Nag mag paalam sila ay pinatay ko na din ang cellphone ko. Nilingon ko na din si Kleo na panay ang sulyap saakin.
"Mukhang marami akong matatanggap na regalo mula sa boracay." Natatawang sabi ko at kwinento sakanya ang conversation namin sa group chat kanina. Nakikinig lang naman si Kleo habang nag kwekwento ako.
"Saan pala tayo pupunta? Bakit parang ang layo?" I asked. Tinignan ko din ang labas at hindi na pamilyar saakin ang lugar.
"Amusement park." He simply said. Napatingin tango naman ako.
BINABASA MO ANG
Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]
فكاهة"You will always be mine and I will always be yours."